Chapter 15

80 13 7
                                    

Chapter 15

"NAGAWA na ang inyong utos, kamahalan. Maayos na ang bahay ng matandang lalaki sa Ganjing." Pagbibigay alam ng personal eunach attendant ni Lie Feng. "Naibigay na rin ang mga pagkain at damit panlamig sa kanya. Sumama rin si Yi shaoye para makita ang taong umaruga sa kanya."

Isang hmm lang ang sinagot ni Lie Feng.

"Kamahalan, ipinaaalam din ni Punong Ministro Sui Hao ang tungkol sa mga dokumentong kailangan niyong aprobahan. Ang mga ministro ng kawani ay naghihintay sa mga ibaba niyong desisyon mula sa kanilang mga suhesyon."

Napatango-tango na lang si Lie Feng. Nakaupo siya ngayon sa kanyang study table, sa tabi niya ay halos gabundok na ang mga memorials na kailangan niyang basahin. Mayamaya ay napansin niya ang kanyang personal eunach na nakatingin sa librong kanina pa niya isa-isang binubuklat.

"Ang shaoye ba 'yan?" Naningkit pa ang mata nito para makita nang maigi ang mga larawan. "Maganda ang bawat pagkakaukit ng kanyang imahe sa papel na 'yan."

Ngumiti si Lie Feng mayamaya ay itinago na niya ang libro, ayaw niyang may ibang makakita sa kanyang personal na gamit.

"Si Jian gege, nasisiguro bang palaging mainit ang kanyang kuwarto? Ang kanyang paliguan? Nasisiguro bang katamtaman lang ang init ng tubig doon? Ang mga pagkain? Nasa tamang oras ba na inihahatid ang mga iyon? Ang mga robang gawa sa balat ng tupa, naibigay na ba sa kanya?"

Alanganing napangiti ang kanyang personal eunach. "Araw-araw na nag-uulat si Xiao Yang sa akin tungkol sa mga bagay na nabanggit niyo, wala kayong dapat na ipag-alala dahil maayos ang kanyang kalagayan."

Muli ay napatango-tango siya. "Ang mga nyebeng naipon sa kanyang bakuran? Nasisiguro bang naalis iyon?"

Hindi nakasagot ang kanyang personal eunach, napakamot ito sa batok. "Ang tungkol sa bagay na iyon..."
_____

"SHAOYE, siguradong magagalit ang kamahalan sa oras na malaman niyang puno na ng neybe ang bakuran mo." Nakangusong paalala ni Ouyang kay Yi Jian. "Kabilin-bilinan pa naman niya na dapat ay palaging malinis ang bakuran mo."

"Hindi siya magagalit sa oras na makita niya ang ating mga obra maestra." Nakangiting sabi ni Yi Jian habang bumubuo ng malaking bilog na nyebe sa ibabaw ng isa pang malaking bilog na nyebe. Ang ginagawa niya ngayon ay isang snowman. Si Ouyang na kahit pinaalalahanan siya tungkol sa mga nyebeng nagkalat sa bakuran niya ay ginagaya rin ang ginagawa niya. Heto nga at nakagawa ito ng isang snowman na mas malaki pa kaysa sa ginagawa niya. "Mukhang natutuwa ka rin naman sa ginagawa natin."

Napangiti ito lang saka napakamot sa ilong. Matapos gumawa ng ilang mga snowman ay inayusan na nila iyon, nilagyan ng mga kamay na gawa sa sanga ng tuyong kahoy, ilong na ginawang cone gamit ang papel at mga mata na mula sa uling na nakuha nila sa kusina at bibig na kinurtihan nila gamit ang ilang makukulay na bato. Binihisan din nila ito, may scarf na nakapulupot sa leeg at may sombrero pa. Si Qingxing na pinapanood lang ang ginagawa nila kanina ngayon ay naghuhukay na, parang gusto na gumawa rin ng sariling snowman. Kaya naman ginawan na lang nito ni Yi Jian, hindi ng snowman pero isang snowdog. Matapos gawin iyon ay nilagyan niya rin ng facial features at scarf. Tuwang-tuwa ang aso, kumakawag ang buntot habang tinatahulan ang snowdog na ginawa niya. Pareho silang natawa ni Ouyang.

Pero nasira ang magandang sandaling iyon nang bigla ay dumating si Li Yong, binabato nito ang mga snowman na ginawa nila. Si Qingxing na karaniwang tinatahulan ito noon ngayon ay hindi na, nakatingin lang ito kay Li Yong ngayon.

"Yong shoaye! Bakit mo sinisira ang mga..." napatingin ito sa kanya, sa hula niya ay nakalimutan nito ang salitang snowman. "Laruan namin?"

Laruan? Kailan pa naging laruan ito?

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon