Chapter 9

103 15 4
                                    

Chapter 9

TULAD ni Lie Feng ay ordinaryong hanfu dress lang ang suot ng emperador. Sakay sila ng kanilang kabayo nang magpunta sa pinakamalapit na bayan sa kapitolyo ng Han, ang Baifan. Habang palabas sila sa kapitolyo ay pinag-aralan niya ang paligid dito. Hindi lang basta mga pamilihan ang nandito, meron din mga pasyalan. May nakita nga siyang tila malawak na ilog, may mga namamangka rin doon na may dala-dalang paninda para sa mga bahay na nasa gilid. Meron din siyang tulay na nakikita papunta sa kabilang panig ng ilog.

"Xiao Hen," tawag niya sa emperador. Mabilis naman lumapit ito sa kanya. Narinig niyang nag-tss si Lie Feng na nasa tabi niya, hindi na lang niya ito pinansin. "Bakit may mga bahay na nasa gilid ng ilog na 'yon?"

"'Yan ba? Isang malawak na lupain 'yan dati. May mga naninirahan dyan noon pero dalawangpong taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng malakas na bagyo, hindi tumigil ang ulan na tumagal ng isa at kalahating buwan. Umapaw ang ilog sa Baifan papunta sa Liang," tukoy nito sa kapitolyo ng Han. "Kaya nalubog sa tubig ang mga kabahayan. Ang mga bahay na 'yan ang natira noon. Matapos ang delubyo na iyon ay pinakiusapan sila ng palasyo na lumikas pero hindi sila pumayag. Ang ilog na yan ang nagsilbing sementeryo ng mga mahal nila sa buhay na kinuha dahil sa baha na iyon. Kaya tinawag namin na Shuixia Gongmu ang ilog na ito."

Napatango-tango na lang si Yi Jian. May mapait na nakaraan pala ang ilog na ito.

"Kung gusto mong pumasyal sa Shuixia ay sabihin mo lang sa akin. Meron akong bangka sa palasyo." Puno ng excitement na sabi nito.

"Talaga? Sige! Gusto ko!"

"Kailangan kong sumama!" Pasigaw na sabi ni Lie Feng. Aangal sana ang emperador pero inunahan na ito ni Lie Feng. "Hindi marunong lumangoy ang kamahalan. Natatakot ako na baka hindi ka mailigtas ni Jian gege at maging sanhi pa iyon ng alitan ng dalawang kaharian."

"May alam na ako sa paglangoy!"

"Nakikiusap ako, tama na, kamahalan. Iniisip ko lamang ang iyong kapakanan." Ngingisi-ngising sabi nito pagkuway nauna sa kanila.

Napasimangot na lang si Hen Hao at hindi na nagsalita pa. Habang si Yi Jian ay natatawa na lang. Mas lalo niyang napatunayan na matagal na nga talagang magkaibigan ang dalawang ito.

Palabas na sila ng kapitolyo nang muli ay may mapansin si Yi Jian. Saglit niyang pinahinto ang kabayo para tingnan ang kumpulan ng mga tao. Mula sa puwesto niya ay nakikita niya ang isang lalaki na inilalabas mula sa isang pavillion, dumaan ito sa harap niya kaya nakita niya ang maputla nitong mukha, payat na pangangatawan at ang dumudugong mga tuhod.

"Anong ginagawa nila?" Hindi niya maiwasang maging curious dahil may pumalit sa lalaking duguan at mula sa isang puno ay naglakad ito gamit ang mga tuhod. Ang nilalakaran nitong pavestone ay sinadya na gawing hindi pantay-pantay, alternatibong dagdag pagpapahirap.

"Isang tradisyon na nilikha ng mga tao sa kahariang ito, ang Xīwàng." Si Ouyang ang nagsalita. "Ginagawa nila 'yan para makuha ang kanilang kahilingan sa emperador."

Napatingin si Yi Jian kay Emperador Hen Hao. Ngumiti naman ito sa kanya. "Isa itong tradisyon na nabuo dalawangpong taon na ang nakakaraan. Nakikita mo ba ang punong 'yon? Iyan ang puno ng Songshù na sumisimbolo sa mahabang buhay dahil katulad sa puno ay kaya nitong magtiis sa kahit na anong bagyo. Ang nilalakaran naman nila ay tinatawag na Zheng Tu, isang matuwid na daan papunta sa Mingyun Pavillion kung saan doon huhusgahan ang kanilang pananampalataya na makakaya nilang magtiis hanggang sa makuha ang kanilang kahilingan."

"Hanggang kailan nila gagawin 'yan?"

"Sa loob ng isang buwan." Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "Ang hakbang magmula sa puno at pavillion ay nasa isang daan. Kung iisipin ay madali lang pero..." umiling ito. "Sa bawat araw ay kailangan nilang gamitin ang kanilang mga tuhod sa paglalakad, pagdating sa Mingyun Pavillion ay mananatili sila roon hanggang sa sumapit ang umaga, pagkatapos ay muli kailangan nilang bumangon para maglakad pabalik sa puno ng Songshu para ulitin ang paglalakad ng nakaluhod pabalik ng Mingyun pavillion."

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now