Chapter 35

40 8 10
                                    

Chapter 35

"LIU XUE..." tawag ni Dou Ji sa kaibigan nang maabutan niya ito.

Tumigil naman sa paglakad si Liu Xue at humarap sa kanya. Ngumisi ito. "Bakit mo ako sinundan? Hindi ba at dapat na nandoon ka sa babaeng inapi ko at ipinapakita sa mga taong nandoon ang pagiging bayani mo? Bumalik ka na doon at hayaan mo ako dito."

"Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin dahil sa pangunguna kong paslangin si Guan Song?" Hindi ito sumagot. "Liu Xue, higit kanino man ay alam mo kung ano ang pinagdaanan ko sa mga katulad niya kaya nang malaman ko ang ginawa niya sa 'yo ay galit na galit ako at hindi na ako nagdalawang-isip na paslangin siya. Alam kong galit ka dahil pinangunahan kita pero ginawa ko iyon para sa 'yo."

"Tapos na ang tungkol sa bagay na iyon. Bakit kailangan mo pang ungkatin?"

"Kung ganoon, bakit nagkakaganito ka? Ano pa ang iba mong problema?"

"Wala akong problema."

Pagak na natawa si Dou Ji. "Sampong taon na tayong magkaibigan, Liu Xue. Kilala kita kapag may problema ka. Dinadaan mo sa pag-inom ng alak ang mga bagay na gumugulo sa isip mo."

Napailing na lang ito pagkuway umupo sa madamong lupa. "Tama nga ang sinabi niya. Sa loob-loob ko ay naiinggit ako sa 'yo."

Kumunot ang noo ni Dou Ji. "Sinong siya?"

Hindi ito sumagot at tuluyan nang nahiga sa madamong lupa. Ipinikit pa nito ang mga mata, anyong tulog na.

Naiwan sa malalim na pag-iisip si Dou Ji. Sinong siya kaya ang tinutukoy nito? Napabuntong-hininga na lang si Dou Ji. Aaminin niya na alam niya ang negatibong damdamin na ito ni Liu Xue. Nagsimula iyon nang ampunin siya ng ama nito, pinilit niyang matutong makipaglaban hanggang sa nagkaroon na siya ng kaalaman.

Nagkaroon sila ni Liu Xue ng maliit na labanan, isang laro lang para sa mga bagong pasok sa loob ng palasyo. Si Liu Xue noon ang pinakamagaling na estudyante ng ama nitong jiangjun pero nang maglaban sila ay natalo niya ito. Mula noong matalo niya ito ay hindi na siya nito tinigilan para hamunin pero lagi lang itong natatalo sa kanya. Nadagdagan pa ang pagkainis nito sa kanya noon nang hayagan na sinabi ng ama nito na paborito siya nito.

Nahirapan siya noon na makipagkaibigan dito. Pero isang araw na nagkaroon ng paligsahan kung saan paramihan nang mahuhuling hayop sa pamamagitan ng paggamit ng pana at palaso ay minalas na muntik na itong mahulog sa isang bangin. Mabuti na lang at nandoon siya at iniligtas ito. Mula noon ay tinanggap na siya nito bilang kaibigan at kalaunan ay tinanggap na bilang kapatid.

Pero ngayon, hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaibigan at bumabalik na naman ito sa dati. Siguradong may pumitik sa sensitibong damdaman na iyon ni Liu Xue...
_____

ILANG linggo pa ang lumipas at sa wakas ay dumating na ang taglamig. Nagsimula nang umulan ng nyebe. Bilang mga kawal ng kaharian ng Yu ay hindi sila dapat na makampante habang nasa ganito silang panahon. Nag-eensayo pa rin sila para kahit paano ay mainitan ang kanilang mga katawan.

Si Liu Xue ay tahimik lang sa isang tabi habang nag-eensayo sa paghawak ng espada. Mula nang makita niya ito sa kapitolyo na may inaaping babae ay hindi na siya nito kinausap. Subukan man niya ay umiiwas ito sa kanya. Parang may malaking pader sa pagitan nila.

Aaminin niyang nalulungkot siya sa nangyayari pero hahayaan na lang niya munang mag-isa si Liu Xue. Hihintayin na lang niyang kausapin siya nito. Ngayon ay kababalik lang niya galing Qinghua para siguruduhin na maayos ang pagbabantay ng mga ito roon. Nakarating kasi sa kanya ang balita na lumusob na naman si Lao Gang, ang pinuno ng isang tulisang na naninirahan sa bayan ng Qingrong.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now