Chapter 80

16 6 0
                                    

Chapter 80

ISANG linggo na rin ang nakakalipas mula nang mamatay si Qingxing. Aaminin niyang talagang naging malaking bahagi ng buhay niya ang asong iyon. Hindi siya makapaniwala na nawala na lang ito bigla. Ngayon ay mag-isa na lang siya sa tahanan niyang ito, alam naman niya iyon. Kaya lang ay minsan gusto niyang tumakas sa reyalidad. Minsan akala niya ay nasa tabi niya si Qingxing kaya kinakausap niya ito. Kapag naman natatapos siyang kumain ay nagtitira pa siya ng pagkain para sa aso. Napabuntong-hininga na lang siya. Sobra na kasi siya nasanay na laging nasa tabi nito. Ang mga labi ni Qingxing ay inilibing niya sa loob ng kanyang bakuran, meron itong sariling lapida at araw-araw na pinapalitan niya ng bulaklak ang ibabaw ng puntod nito.

Napapikit na lang. Kasalukuyan ay nakahiga siya sa higaan niya. Isang linggo na rin siyang hindi lumalabas ng tahanan niya, masyado pa kasing masama ang loob niya dahil sa nangyari sa aso niya. Ramdam naman niya ang concern nina Li Yong at Ouyang, inaaya siya ng mga ito para pumasyal sa kapitolyo pero sadyang wala lang siyang gana. Mas gugustuhin pa niyang tumambay na lang buong maghapon dito sa loob. Nasa malalim na siyang pagtulog nang maramdaman na may humahalik sa labi at pisngi niya pagkuway bumaba sa leeg niya at hinalikan din siya doon. Bigla siyang napangiti dahil ganitong-ganito ang ginagawa ni Qingxing kapag ginigising na siya nito para kumain.

"Qingxing..."

"Maaari din na ako muna ang pumalit kay Qingxing para sumaya ka na ulit."

Bigla siyang nagising sa katotohanan. Napabangon siya agad sa kanyang kama at nanlalaki ang mga mata na tinitigan si Lie Feng na nakangisi sa kanya. Natampal na lang niya ang noo.

"Isang linggo ka nang hindi lumalabas sa tahanan mo. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin matanggap ang pagkamatay niya?"

Umayos siya ng upo sa higaan niya. "Napalapit din siya sa akin kahit sandali ko lang siyang nakasama." Humugot siya nang malalim na hininga bago muling nagsalita. "Ikaw? Mas matagal mo siyang nakasama, bakit parang mas madali mong natanggap ang pagkawala niya?"

Napangiti ito. "Sa tingin mo ba ay madali lang sa akin na nawala siya?"

Napatitig na lang siya sa mukha ni Lie Feng. Nakita niya ang panlalalim sa mga mata nito palatandaan na hindi ito nakatulog. Napaiwas siya bigla ng tingin dito.

"Pasensya na, hindi ko dapat sinabi iyon."

Pinitik nito ang noo niya. "Masakit din para sa akin na mawala siya pero kung ipapakita ko sa 'yo kung gaano ako kalungkot sino na lang ang maaari mong sandalan? Gusto kong makita mo na matapang ako para kahit paano ay may makakapitan ka sa panahon na malungkot ka."

Napangiti na lang si Yi Jian pagkuway tinakpan niya ang mukha para hindi nito makita ang muling pagbagsak ng mga luha niya. Ayaw niyang ipakita kay Lie Feng na umiiyak siya, gusto rin niyang isipin nito na malakas siya kaya lang ay hindi niya magawa. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na hinila siya nito. Niyakap siya nito habang ang kamay ay hinahagod ang likod niya.

_____

MABUTI naman at sumama ka na sa amin lumabas, Yi shaoye!" Masayang sabi ni Ouyang nang sa wakas ay lumabas na rin siya sa lungga niya.

Natawa naman si Yi Jian sa sinabi ni Ouyang. "Kailangan ko rin kasi na magpahangin para malayo kahit papaano ang utak ko dahil sa mga nangyari nitong nakaraang linggo."

"Hindi ka ba hahanapin ng hari?" tanong ni Li Yong. "Baka mamaya ay bigla na lang siya magalit na nilabas ka namin. Tss, hindi ko akalain na masyadong seloso at sobra kung protektahan ka."

"Hindi natin masisi ang hari. Minsan nang nawala sa kanya si Ji Jiangjun kaya hindi na siya ulit papayag na mawala si Yi shaoye, 'di ba?"

Alanganin na lang na napangiti si Yi Jian, kasalukuyan ay nasa kainan sila. Si Li Yong ang nanlibre sa kanilang dalawa ni Ouyang dahil muli ay wala na naman siyang sariling pera. Talo na naman niya ang isang daga na nakikitira lang sa loob ng palasyo.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now