Chapter 46

27 6 0
                                    

Chapter 46: The Curse

MATAPOS na bilinan ang may-ari ng bahay-aliwan na magtungo sa kanyang mansyon sa kapitolyo para sa kabayaran ng gulong ginawa niya ay muli sumakay siya ng kabayo, kailangan niyang puntahan ngayon si Liu Xue dahil nasisiguro na kasama nito ngayon si Xian Mu. Pero hindi na pala niya kailangan na magtungo sa tinitirhan ni Liu Xue dahil ngayon ay nahagip ng kanyang paningin si Xian Mu. Kasama nito ang ilang shaoye ng anak ng mga ministro ng palasyo, tumatawa itong nakikipagkwentuhan habang may hawak na supot, inihahagis sa ere pagkuway sasaluhun. Ginagawang laruan ang bagay ng hawak. Hindi man sigurado si Dou Ji kung ang nasa loob ng supot ay bungo ng kanyang ina pero ngayon pa lamang ay nanggagalaiti na siya sa galit. Pero bago pa man siya makasugod dito ay hinawakan ni Wenrou nag kanyang balikat para pakalmahin siya.

"Sundan na muna natin siya."

Sa mga sandaling ito ay isa lamang ang laman ng isip ni Dou Ji, ang sugurin si Xian Mu. Sa totoo lang, kung wala si Wenrou ay sa malamang nagawa na niya rito ang ginawa niya kay Cheng Nou kanina. Huminga siya nang malalim bago sumang-ayon sa sinabi ni Wenrou.

"Ano naman ang gagawin mo sa Qingrong, Mu xiong?" tanong ng isang kasama ni Xian Mu.

"Bibigyan ko ng regalo ang mga hampaslupa ng Qingrong." Proud na sabi nito na para bang natural na papuri ang sinabi nito sa mga tao ng Qingrong. "Alam mo ba na ang bayang iyon ay walang utang na loob ng aking amang hari? Si ama ang nagpatayo ng balon sa mga tao doon pero ano ang ginawa nila? Pinalitan nila ng pangalan ni Dou Ji ang balon, hindi ba at hindi katanggap-tanggap iyon? Ang pang-iinsulto nila sa aking ama ay pang-iinsulto na rin sa akin kaya naman ipaghihiganti ko ang kawalan nila ng respeto sa amin."

"Hindi mo dapat gawin 'yan, Mu xiong." Pagbibigay payo ng isa pa nitong kasama. "Ang Qingrong ay pugad ng mga tulisan na ngayon ay kaalyado na ni Ji Jiangjun. Isa pa ay noon pa man sadyang walang kinikilalang hari ang mga taga-Qingrong. Nasisiguro ko na kung papasok ka doon ay hindi ka na makakalabas ng buhay."

"Tinatakot mo ba ako?" Galit na sagot ni Xian Mu. "Hindi dapat katakutan ang mga tulisang iyon. Mga kumpol lamang sila ng mga lalaking may edad na, ano ang dapat kong ikatakot sa kanila? Isa pa ay kakampi ko si Xue Tongjun na magiging Jiangjun din balang-araw."

Gulat na napasinghap ang mga kasama ni Xian Mu. Napangisi naman ito.

"Teka, si Ji Jiangjun ay pinapaboran ngayon ng emperador. May malakas na kapit mula sa anak ng langit si Ji Jiangjun kaya imposible na—"

"Ang emperador?" Pagak na natawa si Xian Mu, nakakainsulto na dumura ito pagkuway inapakan nang mariin na para bang may pinipisa ito. "Isa lamang hamak na batang paslit ang emperador, kailangan pa niya na tagapaggabay mula sa kanyang mga ministro at Huang Taihou para sa mga desisyon na gagawin niya."

Xian Mu, siraulo ka talaga! Hindi lang basta batang paslit ang emperador, kung tutuusin ay mas matalino pa ito kaysa sa inaasahan niya. Totoong bata pa nga ang emperador at kailangan pa rin ng mga mapagkakatiwalaang tao na siyang magtatanggol dito pero ang katauhan nito... alam niyang nagpapanggap lang ang emperador na walang alam at hinahayaan ang mga tao sa paligid na manipulahin pero ang totoo ay tahimik na nagmamatyag ito at sinasala ang mga taong dapat na pagkatiwalaan. Ang mga nasa isip niya tungkol sa emperador ay sariling opinyon niya lamang pero base sa pag-aaral niya rito, ang mga taong pinagkakatiwalaan ng emperador ay sina Lie Feng at Guang Danwei—hindi siya maaaring magkamali sa bagay na iyon.

Mayamaya pa ay may dumating na karwahe, huminto sa harapan ni Xian Mu. Matapos magpaalam sa mga kasama ay sumakay na ito at ang destinasyon nga na pupuntahan nito ay ang Qingrong. Huminto ang karwahe sa bungad ng Qingrong, si Xian Mu ay may pag-aatubili kung papasok ba sa loob o hindi. Ang kaninang tapang nito nang sabihin na hindi dapat katakutan ang mga tulisan ay taliwas sa ipinapakita nito ngayon.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now