Chapter 103

11 6 0
                                    

Chapter 103

ALAM ni Xiao Ji na sobra ang mga sinabi niya. Alam niyang nasaktan niya ito pero iyon lang ang paraan para maisip nitong mali ang ginagawa. Tanging si Shu na lamang ang natitira niyang pamilya, hindi niya hahayaan na maging katulad ito ng ina. Hindi niya ito pababayaan at sabay nilang aabutin ang mga pangarap nila. Hindi pa huli ang lahat para kay Shu, nasisiguro niya na pipiliin siya nito at pupuntahan sa kweba sa likod ng talon. Ang lugar kung saan iyon ang itinuring niyang pangalawang tahanan.

Ngayon ay naglalakad na siya para makarating sa paanan ng Shiti. Pero may hindi siya inaasahan na makakasalubong. Si Jiu San, may hawak itong alak at pasuray-suray na nakatayo habang nakakalokong nakatingin sa kanya.

"Dou Ji! Dou Ji!"

Bigla siyang nanginig nang marinig ang garalgal na boses nitong may halong tawa. Nakikita niya ang nakakatakot na ngisi nito. Nararamdaman niya na hindi maganda ang sitwasyon kaya naman dahan-dahan siyang umaatras hanggang sa tumalikod na siya at tumakbo. Pero dahil sa lasing at nasa ispirito ng alak ay tila nakahiram ito ng lakas doon at mabilis siyang nahabol. Niyakap siya nito mula sa likod, inabante ang kanang paa sa kanyang paa kaya naman napatid siya at padapang napahiga sa lupa habang nasa likuran niya pa rin ito.

"Bitiwan mo ako!" Pinilit niyang makawala sa yakap nito pero mas malakas ito.

Ngayon ay hinarap siya nito pagkuway sinira ang suot niyang roba. Ngingisi-ngisi nitong itinaas ang dalawang kamay niya sa ulunan at akmang hahalikan nang iiwas niya ang ulo. Nang mag-angat ito ng mukha ay mabilis na nitong binaba ang ulo para muli siyang halikan pero hindi niya hahayaan na mangyari iyon kaya naman sinalubong niya ang ulo nito at doon ay pareho silang nahilo. Bahagyang lumuwag ang hawak nito sa kamay niya at ginamit niya ang pagkakataon para kumuha ng bato at pinalo iyon sa ulo nito. Agad siyang tumayo. Gusto niyang tumakbo pero hindi niya magawa dahil sa panginginig ng tuhod niya. Ang mga kamay niya ay puno ng dugo nito dahil sa pumutok na ulo.

"Ikaw na bata ka! Anong problema at ayaw mong magpagamit, ha?" Nanlilisik amg mga mata na palapit ito sa kanya.

"H-huwag kang lalapit! Sinisiguro ko na muli ko itong ipapalo sa ulo mo hanggang sa mamatay ka!"

Natawa ito sa sinabi niya. "Kaya mo na ba pumatay? Nakapatay ka na ba ng tao? Nagawa mo na ba makapanakit ng tao? Dou Ji, huwag ka magmatapang harapan ko, naiintindihan mo?" Nakalapit na ito sa kanya at nahawakan na ang braso niya. "Sumama ka sa akin at—" hindi na nito naituloy ang ibang sasabihin dahil muli niyang pinalo ang bato sa ulo nito. Muli ay tumalsik ang dugo sa mukha niya. "Ikaw—" isa pa ulit palo ang ginawa niya.

Bumagsak na ito habang sapo ang dumudugo at sumasakit na ulo. Buhay pa ito. Maaari pa itong gumaling pagkatapos ay muli na naman siya nitong babalikan at kapag nangyari iyon ay matutuloy na nito ang binabalak sa kanya. Sa sobrang takot na nararamdaman dahil sa isiping iyon ay nagdilim ang paningin niya. Pumaibabaw siya dito at ilang ulit na pinaghahampas ito sa ulo. Naririnig niya ang pag-iyak at paghingi ng tulong nito. Pero bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay mas lalong lumalakas si Dou Ji, ngayon ay pinupuntirya niya ang bibig nito para hindi na makapagsalita. Ang mga ngipin nito ay basag na at ang labi ay lasog-lasog na.

Ngayon ay impit na iyak na lamang ang naririnig niya, buhay pa ito, kailangan na nitong mamatay. Kaya naman pinagpapalo niya ang ulo nito hanggang sa mabasag ang bungo, lumuwa na rin ang mga mata nito at halos at mawasak ang ilong. Hanggang sa wala na siyang marinig na boses, patuloy pa rin siya sa paghampas dito. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang naroon pero naramdaman na lang niya na may humila sa kanya patayo pagkuway mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya at nilagay sa likod.

"Bakit mo pinatay ang taong ito?"

Umangat ang tingin niya sa taong may hawak sa kanya. Isang kawal ng Yu na romoronda sa tuwing gabi. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang magsumbong pero pag-iyak lang ang ginawa niya. Tumingin siya kay Jiu San na wala nang buhay na nakahadusay sa lupa. Basag ang bungo nito, nakaluwa ang mga mata at ang kalahati ng utak ay nakalabas na. Halos ay hindi na ito makikilala pa.

Unwritten MemoriesDär berättelser lever. Upptäck nu