Chapter 7

147 14 1
                                    

Chapter 7

"WOW..."

Hindi napigilan ni Yi Jian ang mapahanga sa tahanan niya ngayon sa loob ng palasyo. Ito ang maituturing na sarili niyang residence area na bigay mismo ng hari. Meron din malaking plaque na may magandang desenyo ang nakasabit sa entrace ng residence area niya. Ang pangalang naroon ay Jiwen Manor. Malawak ang courtyard at maraming mga halaman sa paligid, may nakita rin siyang maliit na pond doon na may mga iba't ibang kulay ng isda.

"Woah! Mga maituturing na itong national treasure kung madadala ko ito sa modernong panahon!"

Nanlalaki ang mga mata na sabi niya habang hawak-hawak ang mga furniture na naka-display sa lamesa. Mga gawa sa mga mamahaling bato at metal ang mga furniture doon. Meron din two door cabinet kung saan merong mga iba't ibang kulay na hanfu dress ang nadoon. Kinuha niya ang isang blue upper robe doon at sinukat. Sakto lang sa katawan niya. It was as if tailored especially for him, even the shoes were really made to his size. Pero ang nakatawag pansin sa kanya ay ang isang kahong nakalagay sa ibabaw ng maliit na lamesa katabi ng higaan niya. Binuksan niya iyon at namangha siya sa nakita. Isang hikaw iyon na isinasabit lang sa tainga, may desenyo iyon ng dalawang ibon na magkayakap ang mga pakpak at meron din dangling na balahibo ng ibon. Ang materyales na ginamit doon ay jade kaya naman maganda sa mga mata niya ang green na kulay doon.

Mayamaya ay biglang kumahol ang aso na kasama niya ngayon. Kulay puti iyon at malaki, katulad sa isang cream golden retriever. Nakilala niya ang asong ito kanina lang, nang makapasok na siya ng palasyo at bumaba mula sa sinasakyan ay biglang may tumakbong aso. Una itong lumapit kay Lie Feng, kumakawag ang buntot.

"May alaga ka pa lang aso." Nakangiti niyang sabi. Gusto sana niyang hawakan ito kaya lang ay baka nangingilala ito at kagatin siya.

"Inampon ko ang aso na ito noong iwan siya ng kanyang tagapag-alaga," sabi nito habang hinahaplos ang ulo ng aso.

Ilang sandali pa ay biglang lumapit sa kanya ang aso. Inamoy-amoy siya. Napatingin siya kay Lie Feng dahil nanghihingi siya ng tulong para ilayo ang aso sa kanya. Natatakot kasi siyang kagatin nito. Malay ba niya kung may rabies pala ito. Hindi pa naman uso ang anti-rabies vaccine sa panahon na ito.

Pero sa pagkagulat niya ay biglang sumampa ito sa kanya para makatayo habang kumakawag pa ang buntot. Pagkatapos ay tumahol din nang tumahol ito habang umiikot. Nakatingin ito sa kanya habang labas ang dila, ang mga mata nito ay kumikinang na parang sobrang saya nito.

"Gusto ka niya," nakangiting sabi ng hari. Matapos niyon ay ipinakilala na siya ni Lie Feng sa bawat tao sa loob ng palasyo bilang Shàoyé (Young Master). Nagulat na lang siya sa pagpapakilala nito sa kanya, hindi niya inasahan iyon. Binalak niyang salungatin iyon pero buo ang desisyon ng hari. Gusto nitong igalang siya ng mga tao at maging marangya ang pamumuhay niya sa loob ng palasyo.

Lumuhod siya at hinaplos ang ulo ng aso. Umupo naman ito at pumikit pa habang patuloy pa rin siya sa paghaplos sa ulo nito, parang nasiyahan sa ginawa niya. Napangiti na lang siya. Ang asong ito, hindi na siya nilubayan pa. Teka, hindi pala niya naitanong kung anong pangalan nito.

"Jian gege..."

Nagulat si Yi Jian nang biglang may nagsalita sa likod niya. Ang hari pala. Natatawang nilapitan niya ito pagkuway hinawakan sa balikat at tinapik-tapik iyon. Hindi na siya nagpapaka-pormal sa harap nito dahil ito na rin ang nagsabi na huwag siyang magbabago ng pakitungo nang dahil sa hari ito. Sinabihan pa siya nito na Lie Feng na lang ang itatawag niya dito kaysa sa 'Kamahalan' o 'Mahal na Hari'.

"Sa susunod kumatok ka naman. Baka atakihin ako sa puso dahil ginugulat mo ako."

Napangiti ito, parang hindi pinansin ang sinabi niya. Basta pumasok na ito sa loob ng tahanan niya at naupo. Nagulat pa siya dahil may mga kasama pa pala ito. Mga tagasilbing babae na may hawak na mga pagkain, isa-isang binaba ng mga ito ang pagkain sa lamesa. Sumunod na siya sa mga ito at naupo sa katapat na upuan ng hari.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now