Chapter 81

23 6 0
                                    

Chapter 81

DALAWANG LINGGO ang binigay na palugit sa kanila ni Lie Feng para imbestigahan ang kaso ng pang-aaliapin sa Jingying. Kapag lumagpas sila sa palugit nito ay papapuntahin nito ang buong hukbo sa Jingying para ang mga ito na ang lumutas sa kaso.

Ang totoo niyan ay puwede naman ang hukbo ng palasyo ang magpunta dito kaya lang ay iniisip niya si Ouyang. Kailangan nito na makita ng sariling mga mata ang totoong nangyayari. Isa pa ay iniiwasan ni Yi Jian na magkaroon ng malaking kaguluhan sa bayang ito.

Wala sa sariling napatingin siya kay Li Yong. Gusto niyang tanungin ito tungkol sa nakita niya sa tahanan ni Sui Hao pero nagdadalawang-isip siya.

"Bakit?" tanong ni Li Yong nang mapansin siya.

"Wala naman," alanganin siyang napangiti. Hindi na lang niya muna siguro tatanungin ang tungkol doon. Ang nakita niya nang gabing iyon, magagamit niya rin bilang isa sa mga baraha niya. Hindi niya rin muna ito sasabihin kay Lie Feng. Kung siya lang ang nakakaalam niyon ay mas mabuti.

"Yi shaoye, nahihirapan ako sa buhok kong nakalugay. Nakakain ko ang bawat hibla ng sarili kong buhok dahil sa hangin." Reklamo ni Ouyang habang tinatanggal nito sa bibig ang ilang hibla ng buhok. "Bumababa din ang pekeng dibdib na nilagay mo sa akin. Tingnan mo." Dagdag pa nito pagkuway tinaas ang pekeng dibdib nito.

Napatikhim naman si Li Yong pagkuway nag-iwas ng tingin habang si Yi Jian ay natawa na lang. Kasalukuyan ay nasa loob sila ng karwahe at patungo na sa bayan ng Jingying. Lumapit siya kay Ouyang at inayos ang buhok nito. Tinirintas niya iyon para hindi liparin ng hangin.

"Yi Jian, malapit na tayo sa hangganan ng Ren. Ilang sandali na lang ay may sasalubong na sa ating mga kawal ng Yu. Sigurado ka bang walang makakakilala kay Ouyang?"

"Huwag kang masyadong mag-alala, sa get-up na ito ni Ouyang sa tingin mo ba ay may mag-iisip na lalaki siya? Tuloy ang plano natin." Pagbibigay niya ng assurance dito pagkuway tinapik ang balikat nito.

"Get-up?" Sabay na sabi ng dalawa.

"Basta porma, ayos ng pananamit."
Natahimik naman si Li Yong at pinanood siya habang inaayos naman niya ang pekeng dibdib ni Ouyang. Lihim na natawa na lang si Yi Jian nang makita ang pamumula ng mukha ni Li Yong kaya naman mas lalo niyang inasar nito.

"Li Yong!" tawag niya rito at nang lumingon ito ay saka niya sinakop ng kanyang mga palad ang pekeng dibdib ni Ouyang saka nilaro-laro iyon. Gulat na gulat naman si Ouyang sa ginawa niya at si Li Yong ay mas lalong pinamulahan ng mukha.

"Yi Jian!" Galit na sigaw nito sa kanya pero natawa na lang siya.

Ito ang plano niya, magpapanggap na babae si Ouyang at ipapakilala bilang kasintahan ni Yi Jian habang si Li Yong ay kunwari lang na gusto lang silang ipasyal. Siya ang nag-ayos kay Ouyang at bumili pa sila ng magiging damit nito.

"Sigurado ka bang magtatagumpay tayo sa plano mong ito? Hindi ba at may ganitong plano ka rin pero pumalpak dahil ibang tao ang gustong kumuha sa 'yo." Diskumpiyadong sabi ni Li Yong.

"Tss, nangyari lang iyon dahil masyado akong maganda pero iba ngayon dahil si Ouyang ang—"

"Ibig bang sabihin niyan ay pangit ako kapag naging babae ako?"

Bigla namang natawa si Yi Jian at binawi ang mga sinabi niya. Si Ouyang, sa totoo lang ay guwapo rin ito, hindi naman ito papahuli kung iyon ang pag-uusapan kaya lang ay masyadong manly ang hitsura nito at hindi talaga papasa bilang crossdresser kaya tuloy nagmukha itong binabae pero ayos lang naman.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa hangganan ng Ren. Tulad ng inaasahan ay mahigpit ang bantay doon at isa-isang tsine-check ang bawat karwaheng dumadaan. Parang mandatory checkpoint lang. Sa wakas ay sila na ang titingnan ng mga ito. Bahagyang binuksan ni Li Yong ang kurtina.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now