Chapter 64

17 5 0
                                    

Chapter 64

NAPABUNTONG-HININGA na lang si Yi Jian habang nakaupo at nakangalong-baba sa ibabaw ng lamesa. Wala na siyang ibang mapaglibangan dahil nag-shut down na ang cell phone niya, ubos na ang battery life ng power bank niya at wala nang film ang polaroid niya kaya hindi na kayang mag-instaprint niyon. Mahigit isang taon na rin siyang nandito at talagang inaasahan niya na mawawalan siya ng mapaglilibangan.

Napatingin siya kay Lie Feng na ngayon ay abala sa pag-eensayo gamit ang pana at palaso. Kanina ay nag-eensayo rin siya pero talagang hindi siya marunong kahit si Lie Feng na mismo ang nagtuturo sa kanya. Palaging mintis, lagpas sa target at sa kalagitnaan pa lang ay nahuhulog na ang palaso niya. Kanina ay tinulungan siya ni Lie Feng kung paano ba ang tamang paghawak, inalalayan pa siya nito. Nakuha naman niya agad kaya lang ay ibang target ang muntik na niyang mapatay, isang kawal na napadaan lang. Mabuti na lang at nakaiwas ito kundi ay matinding habol ng konsensya ang mararamdaman niya. Kaya heto, itinigil na niya ang pag-eensayo. Masyadong delikado.

Napanguso na lang si Yi Jian. Mabuti pa si Lie Feng, palaging bulls eye ang mga palaso nito. Hindi niya maiwasan ang mainggit. Sabi ni Lie Feng sa kanya ay siya ang reincarnation ni Dou Ji pero bago ito namatay ay humiling ito na sana ay susunod na buhay ay hindi na ito marunong sa anumang sandata. Tss, bakit ba humiling si Dou Ji ng ganoon? Ako tuloy ang nahihirapan.

Ilang sandali pa ay dumating si Li Yong. Seryoso ang mukha nito. Napatingin ito sa kanya, kumaway siya dito at ngumiti naman ito sa kanya. Napangiti na rin siya, mukhang hindi na galit sa kanya si Li Yong. Kaya lang ay hindi naman niya alam kung ano ang ikinagalit nito sa kanya. Noong matapos ang issue nila ni Lady Xuan Lu ay kinausap niya ito. Matapos niyang sabihin na hindi na sila ikakasal ng dalaga ay biglang nagliwanag ang mukha nito pero saglit lang iyon dahil muli ay binangga siya nito sa balikat. At iyon ang huling beses na nakausap niya ito, kahapon niya lang ito ulit nakita kasama ni Ouyang na ewan ba niya kung bakit nasa halamanan ang mga ito at nagtatago.

Ah, si Ouyang, kailangan ko pala siyang balikan...

Nagbigay-pugay si Li Yong kay Lie Feng pagkuway kumuha ng bow at arrow. Nagsimula na itong t-um-arget sa board pero ang sinasadya nitong target-in ay ang mga bulls eye target na palaso ni Lie Feng. Bulls eye din ang bawat palaso na binibitawan ni Li Yong kaya naman ang mga palaso ni Lie Feng ay isa-isang natatanggal sa bawat bulls eye target.

Namangha si Yi Jian sa ginawa ni Li Yong kaya lang nang tingnan niya si Lie Feng ay tahimik lang ito, napipikon dahil sa ginagawa ni Li Yong.

"Kamahalan," nagbigay-pigay ito kay Lie Feng. "Nais ko sanang hamunin ka sa isang duelo sa paggamit ng pana at palaso. Nais kong ipakita sa inyo ang galing ko sa paggamit nito."

Humarap naman si Lie Feng kay Li Yong, nakangisi habang kay higpit ng hawak sa bow. "Nakakagulat na bigla mong hinamon ang isang hari na tulad ko. Ang akala ko nais mo lang na magpakitang-gilas."

Napangiti naman si Li Yong, nakaharap pa rin ito kay Lie Feng pero ang paningin nito ay na kay Yi Jian. "Sana ay humanga ka sa akin."

Teka, para ba sa kanya ang salitang iyon? Hindi alam ni Yi Jian pero napatingin din siya kay Lie Feng na naniningkit ang mga mata. Sa tingin niya ay naiinis ito sa pagpapakitang-gilas ni Li Yong. Pero wala namang masama sa ginagawa nito, gusto lang nitong hamunin ng patas ang hari. Sa totoo nga ay humahanga siya dahil nagawa nitong hamunin si Lie Feng na walang pagdadalawang-isip man lang.

Ngumiti si Lie Feng. "Tinatanggap ko ang hamon mo."

"Maraming salamat, kamahalan."

Nagsimula na ang paligsahan ng markmanship ng dalawa. Parehas na ayaw magpatalo ang mga ito, nauuna si Lie Feng na pumana pagkatapos ay susunod naman si Li Yong. Tina-target din nito ang bawat bulls eye sa target board na may pana ni Lie Feng. Talagang gustong magpakitang-gilas ni Li Yong. Natutuwa pa ito sa bawat pana na tumama sa target board. Marami na rin ang nanunood sa paligsahan ng dalawa at natutuwa ang mga ito sa pinapakita ni Li Yong.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now