Chapter 96

16 6 0
                                    

Chapter 96

MATAPOS ang limang araw na paglalakbay ay sa wakas nakarating sila nang maayos sa bayan ng Daocheng. Natagalan lang sila sa paglalakbay dahil sa mga makapal na nyebe na nakaharang sa daan pati ang mga naputol na kahoy, dagdag pa na malubak ang daan kaya nasiraan pa ang isang karwahe na naglalaman ng mga rasyon. Kailangan pa nilang ayusin iyon.

"Yue Guang Danwei," nagbigay-pugay si Lie Feng sa danwei matapos sila nitong salubungin sa entrada ng bayan. Sumunod naman silang lahat at nagbigay-pugay din. Inaya sila ng unit commander na tumuloy muna sa improvised tent habang ang karwaheng naglalaman ng rasyon ay ipinahatid sa isang kawal na iniputusan nito, kasama si Ouyang at Li Yong para masigurong maipapamahagi ito nang maayos.

Ang danwei at hari ay nag-usap muna sa loob. Sina Yi Jian ay lumabas para pagmasdan ang nangyari sa Daocheng. Halos malubog sa nyebe ang mga kabahayan, ang mga puno ay nagsimatayan dahil kulang sa tubig. Wala siyang ibang nakikita kundi purong puti.

"Xiao Huoxi, tingnan mo."

Napatingin siya sa tinuturo ni Bei Yiqi. Doon ay nakita niya ang ilang mga bata na pilit kinukuha ang damit panlamig ng dalawang babae. Makapal kasi iyon at gawa sa balat ng hayop kaya agaw-pansin. Napalapit na siya dito nang ang kasama ng babae ay biglang natumba. Nakakuha naman ng pagkakataon ang mga bata at hinubad ang damit panlamig sa babaeng natumba pagkuway tumakbo. Hinarang niya ang mga ito pagkuway kinuha ang damit na kinuha ng mga ito.

"Kailangan ng aking ina ang damit panlamig na ito! Ibigay mo 'yan sa akin!" Tumatalon-talon pa ito, pilit inaabot ang damit sa kanya.

Hinawakan niya ang ulo nito pagkuway nginitian. "Kadarating lang ng mga rasyon ng pagkain at damit panlamig. Ngayon ay nagsisimula na silang ipamahagi iyon sa mga tao dito. Puntahan mo na ang iyong ina, siguradong nabigyan na siya ng mga kailangan niyo."

Malaki ang ngiti na tumigil na ito pagkuway tumkbo na para puntahan ang ina. Nilapitan naman niya ang dalawang babae, ibinigay niya dito ang damit panlamig. Titig na titig sa kanya ang isang babaeng sa tingin niya ay nasa mid-thirties, ang kasama nitong babae ay sa tingin niya kaedaran ni Bei Yiqi.

"Dou Ji?" Hindi makapaniwala ang mga mata na titig na titig ito sa kanya. Teka, baka isa sa mga tao sa nakaraan ni Dou Ji.

"Pasensya na, hindi Dou Ji ang pangalan ko."

Nawala ang excitement sa mga mata nito. "Tama, matagal na nga palang patay si Ji Jiangjun. Pero kamukhang-kamukha mo siya." Nakangiting sabi nito, titig na titig pa rin sa mukha niya. "Ikaw ba ang anak niya?" Tumingin ito kay Bei Yiqi. "Anak mo ba siya?"

Woah! Teka, mukha na ba siyang may anak na seventeen years old?

Natatawang inawat niya ito. "Malayong kamag-anak ako ni Dou Ji kaya may pagkakahawig ka. At ang binatailyomg ito ay kaibigan ko." Nasabi na lang niya para matigil na ito sa pag-usisa sa kanya.

Ilang sandali pa ay lumabas na sina Lie Feng at Yue Guang. Nang makita ito ng babaeng kumakausap sa kanya ay agad itong nagbigay-pugay sa dalawa at nagpakilala. Ang babae pala na nasa mid-thirties ay si Lin Xia, isang prinsesa sa kaharian ng Fei. Kasama nito ang anak na babae na ang pangalan ay Xiao Xue. Inimbitahan ito ng danwei para muling pumasok sa loob ng improvised tent.

"Sinakop ng hukbo ng Chu ang aming palasyo. Nakatakas kami ng aking anak kasama ang ilang kawal na gumabay sa amin para makapagtago. Naiwan ang aking asawa at dalawa kong kapatid na lalaki sa loob ng palasyo habang ang aking ama naman na dumalaw noon sa Yu ay tinambangan noong pabalik na ito sa Fei." Kwento ni Lin Xia. "Matapos ang ilang araw naming pagtatago ay nakatanggap kami ng liham galing sa aking nakakatandang kapatid, nagawa nilang makatakas mula sa hukbo ng kalaban at ngayon ay nagtatago sa isang kweba. Malubha ang kalagayan ng aking asawa pero wala akong magawa para tulungan siya kaya naman naglakbay kami ng aking anak papunta sa Han para humingi ng tulong sa emperador pero naabutan naman kami ng malakas na pagbuhos ng nyebe. Kamahalan, Yue Guang Danwei, nakikiusap ako. Gusto kong makahingi ng tulong mula sa emperador. Nais namin muling mabawi ang aming kaharian!"

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now