Chapter 14

102 10 8
                                    

Chapter 14

"NAKAKAINIS! Palagi na lang kasama ng kamahalan ang lalaking 'yan!" Nanggagalaiting sabi ni Lady Furen habang nakatingin sa kadadating pa lang na sina Lie Feng, Yi Jian at Ouyang.

"Noon ay halos araw-araw siyang wala dito pagkatapos ngayon, bumalik ang hari na may kasama nang bisita." Dagdag pa ng tagasilbi ni Lady Furen na si Xiao Ai. "Pati ang matagal mo nang pangarap na Jiwen Manor ay nasa bagong shaoye na rin." Tukoy nito sa tahanan ni Yi Jian. Ito kasi ang pinakamalaki at pinakamaganda sa lahat ng mga tirahan dito sa loob ng palasyo, malapit pa sa tahanan ng hari.

"Hmp! Mula nang dumating si Yi Jian ay mas lalong nawalan ako ng pagkakataon para sa hari. Kung noon ay nagagawa kong makalapit sa kamahalan ngayon ay hindi na! Palagi na lang siyang nasa tahanan ng Yi Jian na iyon! Kumakain, natutulog, nagbabasa ng mga papeles-Urgh!" Nabali niya ang hawak na pamaypay dahil sa sobrang inis kay Yi Jian. "Pati ang alaga ng hari ay madali lang umamo sa kanya samantalang ako ay makailang ulit na kinagat niyan!" Naalala niya ang mga kagat ng aso sa binti niya.

"Binibining Fu Ren, maghunos-dili kayo." Awat sa kanya ni Xiao Ai.

"Kailangan kong gumawa ng paraan para masira ang imahe ng lalaking iyan sa mga mata ng hari! Kailangan na mapalayas siya dito sa palasyo!"
_____

DALAWANG buwan na rin ang nakakalipas mula nang maayos ang problema sa kaharian ng Han. Ngayon ay nararamdaman na ni Yi Jian ang paparating na taglamig kaya ang mga magsasaka ay abala ngayon ay pag-aani ng kanilang mga umusbong na binhi. Tuluyan nang naging masagana ang agrikultura ng Yu, heto nga at halos mapuno na ang imbakan sa loob ng palasyo dahil sa dagsang pagdating ng mga pagkain.

At tulad ng napagplanuhan nina Emperador Hen Hao at Lie Feng, nag-aangkat na ng mga gulay, prutas at bigas ang mga Han sa Yu. Nagpadala rin ng sulat si Lie Feng sa mga hari ng Fei, Chu at Wu at tinanong kung sapat ba ang ani ng mga ito dahil kung hindi ay malugod na tutulong si Lie Feng sa mga ito. Ang Fei at Wu lang unang sumagot sa liham niya para tanggapin ang tulong na inaalok ni Lie Feng. Ang tungkol sa Chu, late nang sumagot ito pero malugod nitong tinanggihan ang alok ni Lie Feng dahil sapat naman ang pagkain ng mga ito.

Anyway, sa loob ng isang buwan ay ginugol ni Yi Jian ang panahon sa pag-eensayo sa paghawak ng espada. Sa tulong ni Ouyang na siyang nagtuturo sa kanya at kay Lie Feng na siyang ka-sparring match niya kapag hindi ito busy sa affairs sa palasyo. Sa loob ng isang linggo ay may tatlong araw siyang pahinga. Sa mga araw na iyon ay saka nila ginagawa ang isa pa nilang activity. Gamit ang polaroid na ipinakilala ni Yi Jian bilang isang mahiwagang bagay na nagtatala ng imahe ay sinubukan niyang kuhanan ng litrato ang isang anak na babae ng ministro ng agrikultura nang minsang makita niya itong nasa courtyard ni Lie Feng at inihahanda ang mga pagkaing dala nito para sa hari.

Base sa ginagawa nito ay alam na alam niyang kinukuha nito ang loob ni Lie Feng para paboran pero parang tinurukan yata ng anesthesia ang dugo ng hari dahil ni hindi man lang nito pinuri ang inihain ni Lady Hong Chun. Nagpasalamat lang ito na para bang ang babae ay isang personal attendant pagkatapos ay inaya na si Yi Jian para sumabay na kumain.

Nang dahil sa ginawa nito ay hindi niya tuloy napapayag si Lady Hong Chun para kuhanan niya ng litrato at tinarayan pa siya. Sayang, maaari pa naman niya itong singilin ng ilang silver ingots.

Hindi lang ito ang nagpapakita ng motibo, kahit ang anak ng ministro ng pananalapi ay gumagawa rin ng paraan. Nitong mga nakaraang buwan ay nasa loob lang siya ng tahanan ni Lie Feng, paano ay nagpapaturo ito kung paano gamitin ang cell phone niya. Partikular sa camera at video icon. Tuwang-tuwa ito habang walang tigil sa pagkuha ng mga pictures at video, nalaman pa nito na meron siyang dalang powerbank kaya sa tuwing malapit ng ma-lowbat ang cell phone niya ay kusa na nitong i-cha-charge iyon at mataman na pagmamasdan hanggang sa mag-full charge. Sa tuwing makikita niyang ganito si Lie Feng ay hindi niya maiwasan na ikumpara ito sa isang batang paslit, nakakatuwa at nakakagaan ng loob.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now