Chapter 44

27 7 2
                                    

Chapter 44: Why did you...

Isang taon ang nakalipas...
Sa palasyo ng Han

"KAMAHALAN, oras na para magpahinga kayo." Paalala ni Lie Feng sa emperador na walang tigil sa pag-eensayo nito ng espada.

"Hindi pa ako kuntento sa paggamit ko ng espada. Pakiramdam ko ay naglalaro lang ako habang hawak ito." Napatitig ang emperador sa hawak na espada. "Lie Feng, nakita mo ba kung paano humawak ng espada si Ji Jiangjun?"

Tumango si Lie Feng. "Napaka-elegante niyang tingnan sa tuwing hawak niya ang kanyang espada, lalo na kapag ginagamit niya iyon ay mas lalong lumulutang ang natural niyang galing sa paggamit nito."

Biglang napangiti si Emperador Hen Hao. "Noon ko pa napapansin ang kakaiba mong paghanga sa kanya." Nilapitan siya ng emperador at walang paalam na inakbayan. "Nasabi mo na ba kung gaano mo siya pinahahalagahan?"

Biglang namula si Lie Feng. "H-hindi ko siya pinapahalagahan, kamahalan. Ang tanging dapat lamang laman ng aking utak ay ang kaligtasan niyo."

Binalik ng emperador ang espada sa scabbard nito. "Kung hindi mo siya pinahahalagahan ay bakit kailangan mong balikan ang kanyang espada gabi-gabi sa ilog para hanapin?" Napatingin si Lie Feng dito. "Pati ang pagbili mo ng tieguanyin nang magtungo ka sa Fei at sa pag-iiba mo ng ruta para magtungo naman sa Jinhuang. Akala mo ba ay hindi ko alam ang tungkol doon?"

Nanahimik naman si Lie Feng. "Nais ko lang magpasalamat nang lubos sa kanya kaya naman hinanap ko ang kanyang espada. Ang tungkol sa tsaa, nalaman kong paborito niya iyon kaya binilhan ko siya." Hindi malaman ni Lie Feng kung bakit sa tuwing may makakapansin ng paghanga niya para kay Ji Jiangjun ay itinatanggi niya iyon. Marahil ay nahihiya siya na may makaalam nito kaya naman pilit niyang itinatago, isa pang dahilan kaya nag-aalangan siyang magsabi ay dahil sa agawat ng antas at edad nila. Kapag may nakaalam na hinahangaan niya si Ji Jiangjun sa ibang paraan ay siguradong maraming tatawa sa kanya.

"Alam ko na! Iimbitahin ko na lang si Ji Jiangjun para turuan akong makipaglaban!"

"Kalamahan, isang jiangjun si Ji Jiangjun, maraming siyang trabaho sa kanilang kaharian kaya siguradong hindi ka niya maaasikaso."

"Hindi! Nasisiguro ko na bibigyan niya ako ng oras!"

Napabuntong-himinga na lang si Lie Feng, kahit emperador na ang katabi niya ay hindi pa rin nawawala ang pagka-isip bata nito. May sasabihin sana sya pero biglang dumating si Guang Danwei.

"Kamahalan, narinig ko ang plano momg imbitahin si Ji Jiangjun sa palasyo." Masayang tumango si Emperador Hen Hao. "Hindi niyo siya maiimbitahan sa ngayon."

"Bakit? May nangyari ba?"

"Si Ji Jianjun ngayon ay kinokondena ng mga tao ng Yu dahil sa pagpatay nito sa sariling kaibigan, si Wenrou..."

"Imposible!" Si Lie Feng agad ang komontra sa sinabi ni Guang Danwei. "Matalik niyang kaibigan si Wenrou. Hindi magagawa ni Ji Jiangjun ang—" natigilan na siya sa ibang sasabihin dahil umiling na ang danwei, sinasabi na wala na itong magagawa kung maniwala siya o hindi.

Napatingin siya sa emperador na hindi rin makapaniwala. "Lie Feng, magtungo ka ngayon sa Jinhuang at alamin ang totoong nangyari."

"Masusunod, kamahalan."

Bawat minuto ay mahalaga kay Lie Feng. Gusto niyang makarating agad sa Yu sa lalong madaling panahin para malaman ang nangyayari ngayon kay Ji Jiangjun at Wenrou. Sa bungad pa lang ng kapitolyo ay samu't saring opinyon na ang maririnig niya mula sa mga tao. Mga masasamang salita laban kay Dou Ji. Nakuyom na lang niya ang kamao, nais man niyang ipagtanggol si Ji Jiangjun ay wala siyang magawa dahil hindi pa niya alam kung ano ang nangyari.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now