Chapter 63

28 5 0
                                    

Chapter 63

"YI JIAN shaoye..."

Mula sa paghaplos sa tyan ni Qingxing na ngayon ay nakatihaya sa lupa ay napalingon siya sa nagsalita, si Lady Xuan Lu na ngayon ay may nakakalokong ngiti sa mga labi. Kinunutan niya ito ng noo, bakit pakiramdam niya ay malayo ito sa Lady Xuan Lu na una niyang nakilala na shy type at timid? Umupo ito katabi niya pagkuway sinundot-sundot ang tyan ni Qingxing.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagbubukas niya ng usapan.

"Ikaw ang binibining hinalikan ng mahal na hari, tama ba?" Bigla siyang napalingon dito, may sasabihin sana siya pero inunahan siya. "At ikaw din ang binibining nakita ko sa Ranwan," tukoy nito sa kainan kung saan sila kumain ni Ouyang at kung saan nila ito nakita kasama ng lalaking ang pangalan ay Xiao Ran.

Lihim na natampal ni Yi Jian ang noo. "Paano mo nalaman na ako iyon?"

"Tss, ikaw lang naman ang taong may ganyang kulay ng buhok pagkatapos ay kasama mo pa si Ouyang at ano ang ginawa niyo sa kainan? Tinatakpan niyo ang mukha niyo, halatang-halata kayo."

Napapikit na lang si Yi Jian. Masyado ba silang halata ng araw na iyon? Teka, bakit ba sinasabi ni Lady Xuan Lu ito? Balak ba siya nitong i-blackmail?

"Ngayon nalaman mo ang tungkol sa pagbabalat-kayo ko at sa ginawa ni Lie Feng, ano ang balak mo? Ang ipagkalat ang tungkol doon?"

Tumingin ito sa kanya pagkuway natawa. "Shaoye, ang babaw naman ng tingin mo sa akin. Wala akong balak na ganoon at saka, ang mga sinabi mo ay gagawin lang ng taong puno ng obsesyon."

Natahimik na lang si Yi Jian. May nararamdaman talaga siyang kakaiba ngayon kay Lady Xuan Lu. Parang may nais itong gawin, nagpapasakalye muna bago pumunta sa climax.

"Alam mo ba na nais ng aking ama na ihandog ako sa 'yo bilang asawa mo."

Shit, hindi lang climax ang naabot nito kundi dinamay pa pati plot twist, ihahandog siya bilang—nanlalaki ang mga mata na napalingon siya rito. "Maging asawa mo?"

Tumango ito bilang sagot. "Narinig ko si ama na nakikipag-usap sa ibang ministro at iyon ang ibinabahagi niyang plano. Nangangamba si ama na hindi madugtungan ang pamamahala ng palasyo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-aasawa ang hari." Tumingin si Lady Xuan Lu sa kanya. "Nakikita ka nilang hadlang, alam nilang nahuhumalimg sa 'yo ang hari kaya—"

"Sandali!" Pinatagil niya ito pagkuway napatayo. "Bakit kailangan ka nilang ipareha sa akin?"

"Hindi ko alam pero huwag kang mag-alala, wala akong gusto sa 'yo." Deretsong sabi nito, napanganga na lang si Yi Jian sa pagiging prangka nito. "Ang totoo niyan ay alam ni ama na may pagtangi ako sa mahal na hari, kaya nga isa ako sa nais niyang ihandog sa kanya pero napagod na rin ako sa pagpapansin sa kanya kaya nanahimik na lamang ako. Hindi ako katulad ni Hong Chun at Furen na matyaga sa pagpapansin sa kanya gayong alam naman nila na wala silang pag-asa dito. Hanggang sa dumating ka, alam mo ba na ang Jiwen Manor ang pinakamarangyang palasyo dito sa loob? Hindi maikukumpara ang Jiwen Manor sa tinitirhan ng hari. Kaya magmula nang manirahan ka doon ay alam ko nang interesado siya sa 'yo."

Natampal na lang ni Yi Jian ang noo. Magmula nang manirahan siya sa Jiwen Manor ay alam na nito ang nararamdaman ni Lie Feng sa kanya samantalang siya ay napagkamalan pa itong may gusto kay Lady Xuan Lu, 'yon pala ay siya ang gusto nito.

"Kaya magmula noon ay sinusubukan ko ang hari. Kunwari ay may gusto ako sa 'yo, ngingitian kita at dinadalhan ng pagkain."

"Bakit mo naman siya kailangan subukan?"

"Hmm, inaasar ko lang siya, gusto kong makita ang reaksyon niya sa isiping may gusto ako sa 'yo at maaaring maging karibal niya sa 'yo." Napangiti ito. "Bilang ganti ko na rin dahil ang tagal kong nagpapansin sa kanya pero hindi man lang niya ako binalingan. Kaya lang, ang kapilyahan kong iyon ang siyang nagpapahamak sa akin ngayon. Ang akala ni ama ay talagang may gusto ako sa 'yo," biglang naging taranta ang boses nito. "Anong gagawin natin?"

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now