Chapter 111

15 4 0
                                    

Chapter 111

MATAPOS makipag-usap kay Haring Kai ay bumalik sa tahanan niya si Yi Jian. Kinausap niya agad sina Ouyang at Li Yong, sinabi na rin niya sa mga ito ang mga plano nila ng emperador.

"Yi Jian, handa akong magpaiwan sa palasyong ito." Walang pagdadalawang-isip na sabi ni Li Yong. Napatingin siya rito, akmang tututol siya pero inunahan siya. "Ito lang ang pagkakataon para masuri mo kung umuusad na ba ang plano niyo ng emperador. Sa tatlong buwan nating pananatili rito ay hindi man lang tayo makalabas ng palasyong ito kaya dapat na sunggabin mo na ang pagkakataon. Isa pa, natitiyak ko na kahit hindi dumating ang pagkakataong ito ay gagawa ka pa rin ng paraan para makalabas ng palasyo."

"Yong shaoye, ako na lang ang magpapaiwan. Tutal ay—"

"Tutal ay isa kang tagasilbi?" Putol agad ni Li Yong dito. "Hindi ka lang basta tagasilbi para sa amin ni Yi Jian, alam mo 'yan. Kaibigan ka namin. Isa pa ay hindi lang ako basta magpapaiwan dito na walang napapala, gusto kong makausap ang nakilala kong ama. Kailangan kong malaman kung sino ang totoo kong ama."

Napatango na lang si Yi Jian. Sa huli ay pumayag na rin siyang magpaiwan ito dahil naramdaman niyang pursigido ito. Ilang sandali pa nga ay sinundo na siya ng tagasilbi ng hari, sakay siya ng karwahe at kasama si Haring Kai habang si Ouyang ay sakay ng kabayo at nakasunod lang sa karwaheng kilalagyan niya. Napatitig na lamg siya kay Haring Kai na masayang kinakalikot ang dala-dala nitong bento boxes na nakabalot sa magandang kulay outi na may desenyo ng rosas.

"Xiao Ji, tikman mo ang mga ito." Inalok siya nito ng ilang minatamis.

Tinitigan ni Yi Jian ang ilang minatamis na hugis bilog at nakadesenyo na katulad sa isnpang bulaklak. Mukhang masarap pero kailangan niyang humindi sa alok nito. Kaya naman akmang tatangihan niya ito pero saktong pagbuka ng bibig niya ay saka nito ipinakain sa kanya ang minatamis. Galit ang mga matang tinitigan niya ito.

"Walang lason ang mga pagkaing inihahain ko sa 'yo. Kahit na kailan ay hinding-hindi kita sasaktan, Xiao Ji."

Hindi sumagot si Yi Jian. Umiwas siya ng tingin dito at nangalumbaba sa hamba ng bintana. Pero mayamaya ay muli niyang binalingan ito. Sa totoo lang, ang nakikita niya ngayon ay parang isang batang paslit na tuwnag-tuwa dahil ngayon lang nakakain ng minatamis. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Napansin naman nito na nakatitig siya.

"Gusto mo pa ba?"

"Kamahalan, bakit parang iba yata ang aura mo ngayon?" Pakiramdam ni Yi Jian ay parang ibang tao ang kaharap niya.

"Anong ibig mong sabihin, Xiao Ji?"

Umiling siya. Imposible ang iniisip ko. Xiao Ji pa rin ang tawag niya sa akin, walang pagbabago.

Ilang sandali pa nga at nakarating na silang ng kapitolyo. Unang bumaba ng karwahe si Haring Kai para alalayan siyang makababa ng karwahe. Si Ouyang naman ay nananatili lang sa likod niya. Si Haring Kai ay tuwnpang-tuwa habang hawak ang kamay niya at dinadala siya sa ilang stall. Nang makarating sila sa tindahan ng mga hair ornament ay walang pagdadalawang-isip ito na kumuha ng isang hair pin at isinuksok iyon sa topknot ng buhok niya. Nang masiyahan ay binili nito iyon. Nang makarating sa tindhan ng mga sapatos ay halos ubusin na nito ang lahat ng tinda roon para ibigay sa kanya ang lahat ng sukat.

"Kamahalan—"

"Shu. Iyon ang itawag mo sa akin, Xiao Ji."

Napabuntong-hininga naman si Yi Jian pagkuway napatingin kay Ouyang na hirap na hirap sa pagbitbit ng mga pinamili ni Haring Kai.

"Shaoye, bakit parang nag-iba ng pagkatao si Haring Kai? Pakiramdam ko ay ibang tao ang kasama natin."

Hindi sumagot si Yi Jian at napatitig lang kay Haring Kai na ngayon ay binabantayan ang tindero na nag-aayos ng mga pinamili nito. Akala ni Yi Jian ay siya lang ang nakapansin ng pagbabago ni Haring Kai, kahit si Ouyang ay napansin na rin pala ito.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now