Chapter 97

14 7 0
                                    

Chapter 97: Volume 9: To Save. To Sacrifice

DALAWANG buwan na rin ang nakakaraan mula nang matapos ang pagbuhos ng malakas na nyebe. Lumabas si Yi Jian ng kanyang bakuran at inunat ang mga braso at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin. Kaysarap sa kanyang pang-amoy ang mga halaman na unti-unti nang sumisibol, ngayon nga ay nakikita na niya ang mga halaman sa kanyang paligid na masayang nakikisabay sa bawat hampas ng katamtamang lamig ng hangin. Dahil sa malamig na panahon ay halos nakakulong lang siya sa loob ng tahanan niya habang kasama sina Li Yong, Ouyang, Bei Yiqi at Jin Yao. Hindi umaalis ang mga ito sa tabi niya dahil tuwang-tuwa ang mga ito sa tuwing magkukwento siya tungkol sa kung ano ang meron sa hinaharap. Although, hindi naman niya sinasabi na nanggaling siya doon pero sapat na ang mga alam niya para matuwa ang mga ito.

Nitong nakalipas na linggo ay nagtataka si Yi Jian kung bakit hindi nagpupunta sa kanya si Lie Feng, pangkaraniwan ay palagi itong nakadikit sa kanya na parang bubble gum. Inaasahan nga niya na pupunta ito sa oras na malaman na nasa kanyang tahanan ang apat niyang kaibigan pero ni anino nito ay hindi niya nakita.

Ilang sandlai pa ay biglang may tumahol sa tabi niya. Napangiti siya nang makita si Hou Shen. Ilang buwan na ba ang nakalipas mula nang iligtas niya ito sa sunog? Hindi niya maalala, ngayon ang tutang madungis noon ay malinis nang tingnan at napakataba pa. Binuhat niya ito pagkuway niyakap. Pero may napansin siya sa leeg nito, merong tela na nakatali roon. Binaba niya si Hou Shen pagkuway tinanggal ang tela, itatapon na niya sana iyon nang may makapa sa tela. Kinuna niya iyon at ganoon na lang ang gimbal niya nang may makitang liham doon.

Kumusta ang sugat sa braso mo?

Simple lang ang tanong mula sa liham pero sapat na iyon para panlamigan ng pawis si Yi Jian. Inangat niya ang manggas ng roba niya, ang sugat na tinutukoy sa liham ay ang naging kalmot sa kanya ng isang matanda noong namamasyal siya kasama sina Ouyang at Li Yong. Ang totoo niyan ay magaling na ang sugat niya, kaunting galos lang naman iyon pero nangingitim ang braso niyang may gasgas. Hindi na niya pinapansin ito at halos nakalimutan na niya pero ngayong may liham siyang natanggap biglang nangamba si Yi Jian.

"Yi shaoye!" Pagkarinig sa boses ni Ouyang ay bigla niyang binaba ang manggas ng roba niya at nilukot ang papel sa kamay. "Shaoye, nag-aaya ngayon si Yong shaoye na lumabas ng palasyo. Gusto mo bang sumama?"

Umiling si Yi Jian. "Hindi na muna. May kailangan akong asikasuhin ngayon." Biglang napanguso si Ouyang. "Pasensya na talaga. Sa susunod ay sasama na ako." Tinapik niya ito sa balikat.

Ilang sandali pa ay umalis na ito habang siya ay nagtungo sa tahanan ng doktor ni Lie Feng. Naabutan niya ito sa bakuran na nag-aayos ng mga dahon para ibilad ngayon sa araw. Nang makita siya ay nagbigay-pugay ito.

"Ano at napadalaw ka sa aking tahanan, Yi shaoye?" Napatingin ito sa asong sumunod pala sa kanya. "Huwag mong sabihin na may sakit na naman itong alaga mo?"

"Hindi naman," alanganin siyang napagiti. "May gusto lang akong itanong. Ang totoo niyan, may nabasa akong libro. Meron lang akong hindi naintindihan doon kaya ikaw ang tinanong ko, tungkol kasi sa medsina ang nilalaman niyon." Napatango-tango naman ito. "Nais ko lang malaman, posible ba na may isang uri ng lason na matagal ang epekto?"

"Lasong matagal ang epekto?" Tanong nito habnag hinahaplos ang may kahabaang balbas. "Ang ganoong klaseng lason ay ipinagbabawal sa loob ng palasyo. Shaoye, saan mo nakuha ang ideyang ito?" Mukhang nakakahalata na ang doktor dahil sa pagtatanong niya kaya naman tumawa siya at inakbayan ito.

"Tulad ng sabi ko ay nabasa ko lamang iyon sa isang libro. Teka, kung ipinagbabawal ang lason na iyon sa palasyo ay ibig sabihin, maaaring magamit ito sa labas?"

Unwritten MemoriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora