Chapter 20

82 13 10
                                    

Chapter 20

ILANG LINGGO pa ang hinintay ni Yi Jian bago matapos ang taglamig. Habang naghihintay sa tagsibol ay biglang dumating si Li Yong sa tahanan niya. Inaya siya nito para maglaro ng Cuju—ito ang modern football sa panahon niya. Hindi na siya nagdalawang-isip at pumayag agad sa paanyaya nito. May alam naman siya kahit na paano sa larong football kaya puwede niyang i-apply iyon dito.

"Hindi ko akalain na aayain mo ako maglaro. Sa totoo lang ay kanina pa ako nababagot sa Jiwen Manor." Natatawa niyang sabi kay Li Yong.

"Tss, inaya lang kita dahil kailangan ko ang tulong mo."

"Tulong para saan?"

"Gusto ko ulit na mabawi ang pana na kinuha mula sa akin ni ama. Hindi pa niya binabalik iyon kahit na napawalang-sala na ako."

"Pana lang naman iyon, bakit hindi ka na lang kumuha ng bago?"

"Hindi lang basta pana iyon. Iniregalo iyon sa akin ng naging kaibigan ko noong bata pa ako, hindi ko na gaanong naaalala ang mukha niya pero 'yong pana na lang na iyon ang tangi kong alaala sa kanya kaya kailangan na makuha ko iyon."

"Nasaan na ba ang kaibigan mong 'yon?"

"Matagal na siyang patay."

Hindi na sumagot si Yi Jian. Mayamaya ay huminto si Li Yong at humarap sa kanya.

"Siyanga pala, k-kumusta ang sugat mo?"

"Maayos na," tinaas niya ang kamay para makita nito ang palad niya. Hinawakan naman nito ang kamay niya at sinuri. "Daplis lang—"

"Tss, mabuti naman!" Pagkuway pabalibag nitong binitawan ang kamay niya.

Natawa na lang si Yi Jian sa inasal nito. Nagpatuloy na sila maglakad hanggang sa makarating sa malawak na pavillion ng palasyo. Nakita niya roon si Sui Hao at Lie Feng, kapwa naglalaro ng bola gamit ang mga paa. Meron din nag-iisang net doon na may butas. Napansin naman agad sila nina Sui Hao at Lie Feng kaya lumapit ang mga ito sa kanila.

"Sa tingin mo ba ay matatalo mo kami kung isasama mo si Jian gege?" Nakangising tanong ni Lie Feng.

"Teka, ano bang nangyayari? Bakit kasali ang iyong ama at si Lie Feng dito?" tanong niya kay Li Yong.

Ipinaliwanag ni Li Yong ang nangyayari. Hinamon pala ni Sui Hao ang anak na kapag nanalo ito sa larong cuju ay saka lang nito ibabalik ang pana kay Li Yong. Tinanggap naman ni Li Yong ang hamon kaya lang ay kulang ito ng dalawa para mabuo ang team nito. At heto't ni-recruit siya ni Li Yong dahil nalaman nito na sasali ang hari, pati si Ouyang ay kinuha din nito kaya ngayon ay may limang miyembro na sila kasama si Luo Fei at Bai Fong.

"Mananalo kami kaya ibabalik niyo sa akin ang pana ko!" Gigil na sabi ni Li Yong, nakalimutan na hari ang nasa harap nito.

"Yong-er, galingan mo sa laro. Naniniwala ako na matatalo mo kami." Mapang-asar na sabi ng ama ni Li Yong, tumatawa pa.

Hindi sumagot si Li Yong. Ang mukha nito ay seryosong-seryoso. Gusto talaga nitong manalo kahit na anong mangyari. Napakamot na lang siya ng ulo. Bakit ba siya napasali sa larong ito.

"Jian gege," tawag sa kanya ni Lie Feng. "May alam ka ba kung paano laruin ito?"

"Oo, may alam ako. Hindi ba't mag-aagawan tayo sa bola at kailangan na maipasok mo ang bola sa butas na iyon," turo niya sa net. "Para magkaroon ka ng puntos."

"Mabuti na lang at may alam ka sa larong ito pero pasensyahan na lang tayo dahil kailangan ko kayong talunin." Nakangising sabi nito.

"Ikaw—"

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now