Chapter 89

21 6 0
                                    

Chapter 89

LAHAT ng mga bilin ni Yi Jian ay sinunod ni Lie Feng pero hindi niya alam kung bakit may biglang nagpapakalat ng balita na sinadya niya daw tipunin ang lahat ng may sakit sa iisang lugar para sunugin nang buhay ang mga ito. Kahit na kailan ay hindi niya magagawa ang bagay na iyon.

Kaya ngayon ay tumutulong siya para ilabas ang lahat ng batang nakulong sa nasusunog na bahay-paggamutan na pinasadya niyang ipagawa para sa mga tinamaan ng bulutong-tubig. Kasama niya ang ilang mga kawal at si Zhang Jiangjun para pasukin ang nasusunog na bahay-pagamutan. Sina Ouyang at Li Yong naman ay kasama ng mga batang nakaligtas at tinutulungan pa rin ang mga ito para sa sakit ng mga ito. Ang mga tao naman sa paligid tulong-tulong sa pagpapasa-pasa ng mga timbang kahoy na may tubig para maapula ang apoy.

"Zhang Jiangjun, tingnan mo ang talaan ng mga batang nasa loob ng bahay-paggamutan na ito kung kompleto na silang lahat." Hinihingal na sabi ni Lie Feng habang iniinda ang malaking sugat sa braso niya.

"Kamahalan-"

"Huwag mo akong tawagin sa ganyang pangalan! Naririnig mo ba ang mga sinasabi nila?" Bulong ni Lie Feng kay Zhang Jiangjun. Napalinga naman sa paligid ang jiangjun at pinakinggan ang mga hinaing ng mga tao. Lahat ng klase ng pagmumura at pagmamaliit sa kanya ay naririnig ni Lie Feng. Nasasaktan siya dahil hindi man lang niya magawang ipagtanggol ang sarili laban sa mga ito. Kailangan niya kasing sikmurain sa ngayon ang lahat ng mga sinasabi ng mga ito. "Galit ang mga taong ito sa akin dahil sa pag-aakala na ako ang nagpasunog dito. Makakadagdag lang sa problema sa oras na malaman nilang nandito ang kanilang hari."

"Pero ang iyong sugat, kailangan din na mapagamot 'yan." Nag-aalala na sabi ng jiangjun sa kanya.

"Magpapagamot ako sa oras na masiguro kong ligtas ang lahat ng mga bata at kapag naapula na ang apoy na ito. Sa ngayon ay sumunod ka na muna sa utos ko!" Mariin niyang sigaw dito, sumunod naman ito sa kanya.

Habang siya ay naiwan at tumulong sa pag-aapula ng apoy. Kumuha rin siya ng timbang kahoy at itinatapon ang tubig sa malaking apoy. Ilang sandali pa ay bigla siyang naging alerto at hinila ang isang babae para mapalayo ito dahil biglang bumagsak ang pader. Kamuntikanan nang mabagsakan ito mabuti na lang at nahila niya ito agad. Mas lalong lumalakas ang apoy dahilan para mas lumakas ang usok, bahagya siyang nabugahan ng itim na usok sa mukha. Naipikit niya ang mata dahil nakaramdam siya ng anghang dahil sa usok, hindi niya napansin ang kahoy sa likod niya kaya naman napatid siya at nadapa patalikod. Mayamaya lang ay may narinig siyang mga yabag ng kabayo.

"Lie Feng!"

Biglang naging alerto ang mga tainga ni Lie Feng nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Pinilit niyang kusutin ang mga mata para makita ito pero may mga kamay na biglang pumigil sa kanya.

"Huwag mong kusutin ang mga mata mo. Mas lalo lang 'yang mananakit."

Paalala nito sa kanya, mayamaya lang ay naramdaman niya na may nagbuhos ng tubig sa mukha niya. Ilang minuto pa nga ay umayos na ang mata niya, nakikita na niya ang taong matagal niyang kinasabikan na makasama. Napangiti na lang siya at hindi niya napigilan yakapin ito pagkuway halikan ang labi. Nagulat din ito sa ginawa niya pero napangiti din pagkatapos. Natigilan lang siya nang makarinig nang tikhim. Nasa tabi lang pala nila ang emperador, hindi niya napansin ito.

"Mamaya niyo na ipakita kung gaano niyo kinasabikan ang isa't isa. Sa ngayon ay kailangan nating tumulong para maapula ang apoy na ito!"

Tumayo na silang dalawa at tumulong sa pag-apula ng apoy. May nakita si Lie Feng na hindi pamilyar na mukha na kasama nina Yi Jian at ng emperador na dumating pero mamaya na lang niya aalamin kung sino ang nga ito. Mayamaya lang ay biglang may dumating na lalaki at sinisigaw na hindi pa daw nito nakikita ang anak, baka daw nasa loob pa. Mabilis na binitawan ni Lie Feng ang timbang-kahoy at susugod sana sa nag-aapoy na bahay-paggamutan nang pigilan siya ni Yi Jian.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now