Chapter 57

24 5 0
                                    

Chapter 57

ISANG buwan. Isang buwan na ang nakakalipas mula nang magising siya at hanggang ngayon ay wala pa rin pinagbago ang kondisyon niya. Pilay at kailangan pa ng tungkod para makapaglakad. Nanginginig ang kamay kaya kailangan pa siyang alalayan sa tuwing kailangan niyang hawakan ang baso o chopsticks niya. Hindi na siya makakain nang maayos tulad noon. Ang manggagamot ng palasyo na palaging nagtutungo sa kanya para suriin ang kanyang kalagayan ay sinasabi na babalik din sa dati ang paglalakad niya. Ang tungkol naman sa lasong meron sa mga kamay niya ay wala pa itong maibigay na konkretong pahayag kung kailan siya magagamot.

Hindi na niya kayang magtagal sa ganitong sitwasyon lalo na at nandyan si Huang Taihou na sinasamantala ang kalagayan niya. Sa tuwing abala ang emperador sa pamamalakad ng palasyo ay nagtutungo ang Huang Taihou at inaalok pa rin siya sa makamundong pagnanasa nito. Si Lie Feng ay madalas na nagbabantay sa labas ng kanyang silid para pigilan ang Huang Taihou ay ilang araw nang hindi nagpapakita at walang may alam kung saan ito naroon. Nabalitaan na lamang niya sa tagasilbing babae na naghatid sa kanya ng pagkain na nakita nito si Lie Feng na sakay ng kabayo at nagmamadaling lumabas ng palasyo. Si Sui Hao naman ay abala sa pag-aalalaga kay Li Yong kaya hindi niya inaasahan na tutulungan siya nito na mapaalis si Huang Taihou.

"Argh!" Napahawak na lamang siya sa kanyang sikmura dahil biglang may sumipa sa kanya nang nasa palikong pasilyo siya, ang tagasilbing babae ng Huang Taihou ay sinadya siyang abangan. Ang tagasilbing iyon ay hindi lang basta-bastang tagasilbi dahil nasisiguro niyang personal din itong tagapagtanggol ng Huang Taihou base na rin sa lakas ng sipa nito sa kanya.

"Dou Ji, hanggang ngayon ay tumatanggi ka pa rin sa kahilingan ko? Sa sitwasyon mo ngayon ay dapat desperado ka nang gumagapang sa katawan ko!"

Dumura ng dugo si Dou Ji. "Ang pagpayag sa kamunduhan mo ang isang bagay na hinding-hindi ko hahangarin na gawin. Mas gugustuhin ko pang halikan ang lupang tinatapakan ni Lie Feng kaysa ang lupang kinatatayuan mo!"

Nanggigil naman agad ang Huang Taihou dahil sa kapangahasan niyang ikumpara ito kay Lie Feng kaya naman ang hawak nitong pamaypay ay ginamit para isampal sa magkabila niyang pisngi. Nasugatan na ang pisngi niya at may tumalsik ng dugo sa kamay nito pero hindi na nito ininda iyon dahil sa galit nito sa sinabi niya.

Natigilan lang ito nang may kung tumama sa pisngi nito. Mayamaya ay biglang nangamoy, tumili ito at lumayo sa kanya. Parang nasugatan na nanghihingi ito ng tulong sa mga tagasilbing kasama nito. Pero hindi pa man napupunasan ng mga tagasilbi nito ang mukha ng Huang Taihou ay may ilan pang mga pambabatong naganap kaya walang nagawa ang mga ito kundi ang tuluyang lumayo.

"Hindi pa tayo tapos, Dou Ji! Pagbabayaran mo na kinumpara mo ako sa mababang uri ng tagasilbi!" Galit na sigaw ni Huang Taihou habang inaalalayan ng mga kasama para makasakay ng palanquin nito. Habang palayo ito ay maririnig pa rin ang Huang Taihou na sinisigawan ang mga nakakasalubong nito dahil hindi maiwasan na tingnan ito at pag-usapan pagkuway tatakpan ang ilong.

Dumi ng aso pero... Qingxing?

"Jiangjun!" Ilang sandali pa ay dumating na nagligtas sa kanya. Si Li Yong at kasama nito si Qingxing. "A-ayos ka lang ba, Jiangjun?" tanong nito, kitang-kita niya ang mga inosenteng mata nito. Hinawakan nito ang pisngi niyang may sugat pero pinalo niya ang kamay nito.

"L-lumayo ka sa akin!" Sigaw niya kay Li Yong pagkuway tinulak ito. Napaiyak naman ito dahil sa sumasakit na likuran. Bigla namang nahimasmasan si Dou Ji, si Li Yong nga pala ang nasa harapan niya, ito ang nagligtas sa kanya pero ang mukha ng batang duguan ang kanyang nakikita. Napapikit na lamang niya habang ang kanyang mga kamay ay mariing nakadiin sa tainga niya. Ayaw niyang marinig ang pag-iyak nito dahil naaalala niya lang ang naghihingalong boses ng batang iyon habang unti-unting namamatay...

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now