Chapter 13

98 13 3
                                    

Chapter 13

SA wakas ay natapos na rin ang arson case sa kaharian ng Han. Sina Jingwan at ama nito ay nakalaya na rin at binigyan ng sapat na kapital at mapagkakakitaan para hindi na bumalik sa dating gawain ng mga ito.
Napapikit siya pagkuway itinakip ang braso sa mga mata. Hindi niya kasi maiwasan na maalala ang ginawa ng ama ni Jingwan. Pakiramdam niya ay napakalaki ng kasalanan niya rito. Ilang sandali pa ay nakarinig ng katok sa kanyang pintuan. Isang tagasilbi ng emperador at pinapasundo siya.

Nang makarating sa residential area ng emperador ay naabutan niya ito kasama sina Lie Feng at Ouyang na nasa loob ng gazebo. May mga tagasilbi na naghahain ng pagkain at alak sa mga ito. Nang makita siyang parating ay pinaalis na ng emperador ang mga tagasilbi, tumayo ito at hinila siya para makatabi sa upuan.

Si Lie Feng naman ay nakita niyang romolyo ang mata. Bahagya rin nitong siniko si Ouyang na katabi niya para umalis at ngayon nga ay ito na ang pumalit sa pwesto ni Ouyang. Ang emperador ay nilalagyan ng pagkain ang plato niya habang si Lie Feng ay sinasalinan ng alak ng baso niya. Lihim na lang niyang natampal ang noo, bakit pakiramdam niya ay para siyang bata na kailangan pang pagsilbihan? Pero hindi na lang niya pinansin, kumain muna siya bago ininom ang alak. Napapikit na lang siya matapos niyang ubusin ang laman ng baso.

"Woah! Ang tapang naman ng alak na ito at napakasarap! Ngayon lang ako nakatikim nito!" Mangha niyang sabi, ngayon ay sinasalinan ulit ni Lie Feng ang baso niya.

"Ito ang pinagmamalaking alak ng aking mga ninuno," may pagmamalaking sabi ni Xiao Hen. "Alam mo ba na tanging ang aming angkan lamang ang nakakaalam kung paano mag-imbak ng ganitong katapang na alak?"

"Shaoye, alam mo ba na ang Han ang siyang may pinakamatapang na alak sa buong imperyo? Kahit ang mga dumadayong mga banyaga ay personal na nagpupunta sa kapitolyo para lang magdala ng kanilang mga tributo kapalit ng isang bote ng alak na iniinom natin ngayon."

"Wow! Kung madadala ko ito sa hinaharap ay magkakaroon ako ng bilyones!"

Napatingin ang tatlo sa kanya. Alanganin tuloy siyang natawa, sinalinan niya isa-isa ang baso ng mga ito at inaya nang uminom. Nakasampong bote rin sila ng alak, habang nakatitig sa mga wala ng lamang bote ay saka lang na-realize ni Yi Jian na ang bilyones na alak na ininom niya ay iiihi din niya mamaya. Napapikit siya, medyo tinatamaan na siya ng hilo kaya naman hindi na siya ulit uminom. Ayaw niya kasi na maging wasted pagkatapos nito. 'Yong tipong tatawa mag-isa, iiyak, o ang mas malala makatulog sa labas katabi ang sinukang alak. Although, hindi pa naman niya nagagawa iyon dahil noon ay may iniingatan siyang imahe pero ngayong nandito sa sinaunang panahon, mas lalong hindi siya papayag na maging wasted!

"Ouyang, tama na ang pag-inom mo." Kinuha niya ang baso kay Ouyang na balak pa rin uminom. Nakikita niya kasi na namumula na ang mukha nito at bahagya pang namumungay ang mga mata.

"Shàoyé, hindi na nila kaya," sabi ni Ouyang habang nakapikit, laylay pa ang ulo habang nakasandal sa upuan. "Mahina sila sa inuman, shaoye..."

"Hindi sila, kayo. Kasama ka." Pagtatama niya rito. Si Lie Feng at Xiao Hen kasi ay bagsak na rin, anyong mga tulog na. Tumayo siya at akmang tatawag ng tagasilbing aasikaso sa emperador nang bigla ay humagulgol ng iyak si Ouyang na ikinabigla niya. Sa ginawa nito ay para saglit na nawala ang tama ng alak sa kanya. "Ouyang—"

"Shaoye! Shaoye ko! Shaoye!" Niyakap nito ang baywang niya at ipinunas sa damit niya ang luha at sipon.

"Hoy! Ikaw—" nanlaki ang mata niya dahil nakita niyang lumolobo ang bibig nito. Bago pa ito sumuka sa damit niya ay kumuha siya ng mangkok at itinakip sa bibig ni Ouyang. Doon na ito sumuka, nagkalat ang suka sa bibig nito. Ang bilyones na alak, naging maasim na suka na lang. Ngayon ay humiga na si Ouyang, anyong tulog at hindi alintana ang dumi sa damit at mukha.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon