Chapter 48

34 6 0
                                    

Chapter 48: The Promise I

GABI na nang magpasya si Dou Ji na lumabas ng kanyang mansyon. Nakasuot siya ng itim na damit at may telang nakatakip ang kalahati ng kayang mukha. Ang bawat galaw niya ay parang sa pusa, magaan lang pero sigurado ang bawat hakbang. Ngayon ay nasa isang sulok siya, pinagmamasdan ang galaw ng mga guwardyang nasa entrada.

Kanina ay nagawa niyang makalabas na hindi napapansin ng mga kawal na nagbabantay dahil kay Lao Liao na sinadyang sunugin ang kusina ayon na rin sa kahilingan ni Xiao Er. Pagkatapos niyon ay saglit na agpakita si Dou Ji sa mga kawal para sana tumulong sa pag-apula ng apoy pero hindi siya pinayagan ng mga ito dahil natatakot na baka matakasan niya ang mga ito, ikinulong pa siya ng mga ito sa kanyang silid pero ang hindi alam ng mga kawal ay si Xiao Er ang ikinulong ng mga ito. Nagpanggap si Xiao Er bilang siya. Gamit ang pagbabalat-kayo ng likha ni Wenrou ay ginaya nito ang anyo niya at halos ay hindi nalalayo ang mukha niya sa huwad na mukhang likha nito, iyon nga lang ay magkaiba ang kanilang taas pero hindi naman kapansin-pansin iyon lalo na kung nasa gipit na sitwasyon tulad sa nangyari kanina.

Anyway, nakalabas si Dou Ji dahil nagpanggap siyang kawal na siyang kunwari ay natataranta rin sa pag-apula ng apoy. May isang kawal pa nga ang nag-utos sa kanya para kumuha ng tubig pero hindi niya sinunod ito at tuluyan nang nakalabas ng Ji Manor. At heto siya ngayon, nasa labas ng entrada ng piitan.

"Sino ang nariyan!?" Malakas na tanong ng guwardya nang makarinig ng kaluskos sa kung saan. Mabilis na iniuma sa ere ang hawak na sibat at handang itarak iyon sa kung sinong makikita. Mayamaya ay lumabas ang isang aso at tinatahulan ang mga guwardya.

"Kaninong aso ito at paano nakarating sa puwesto natin?"

Qingxing! Biglang naging alerto si Dou Ji anng makilala ang kamyang alaga. Magmula nang makulong siya sa loib ng Ji Manor ay hindi na njya nakita pa si Qingxing. Paano ay pinasama niya ito ky Xiao Zhang para ipasyal pero dahil nga sa kautusan ng haru na bawal lumabas at pumasok sa Ji Manor ay sina Xiao Zhang at Qingxing ay hindi na nakabalik.

"Tsu! Tsu!" Pinapaalis ng mga guwardya ang aso pero panay lang ang tahol nito. Nang makitang handang saktan ng isang guwardya ang aso ay bigla niyang nilabas mag kanyang patalim, uunahin niya itong patayin bago pa lumapat ang sibat nito kay Qingxing.

"Sandali," may isang lalaki ang lumabas. Nagulat na lang siya nang makilala ito, si Xiao Zhang. "Ang asong itong ay hindi ordinaryo. Alaga ito ni Ji Jiangjun. Nais niyong saktan si Qingxing?"

"Hindi namin alam na may alagang aso si Ji Jiangjun," paliwanag ng isang guwardya. "Mali, ng dating jiangjun. Sa ngayon ay wala nga pala siyang posisyon." At tumawa ito. Tila naman nakakaintindi si Qingxing na iniinsulto nito ang amo kaya naman tumigil ito sa pagkahol at pumuwesto sa gilid ng lalaki saka umihi. "Hoy!"

Si Xiao Zhang naman ay natawa nang biglang tumakbo si Qingxing. "Hah! Ang yayabang niyo! Panandalian lang nawala sa kanyang posisyon si Ji Jiangjun! Sa oras na bumalik siya ay humanda kayo!" Mayabang na sabi nito at tumakbo na rin para sundan si Qingxing.

Napailing naman ang guwardya at saglit na nagpaalam sa kasama para mapalitan ang suot ng trouser. Ngayon ay mag-isa lang ang bantay kaya naman sinunggaban na ito ni Dou Ji at pinatulog. May ilan pang mga bantay sa loob ang nakasalubong niya. Wala sana siyang balak na pumaslang pero hinihiling ng pagkakataon para gawin niya iyon. Hindi siya maaaring makipaglaban ng mano-mano kung ang sibat at mga espada naman ang gamit ng mga ito. Kaya naman napuno ng masangsang na amoy mg dugo ang buong paligid, mga patay sa bawat daang nilagoasan niya.

Ilang saglit pa nga ay sa wakas nakita na niya ang kinaroroonan ni Wenrou. Binaba niya ang takip sa kanyang bibig pagkuway napahawak sa malamig na rehas nang makita ang kalagayan ng kaibigan. Nakakadena ang mga kamay nito paitaas, ang paa ay nakalutang na sa ere. Magulo ang buhok nito at puro galos at sugat ang mukha at katawan.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now