Chapter 3

159 16 3
                                    

Chapter 3

"KAILANGAN natin gumawa ng irigasyon ng tubig gamit ang ilog dito," sabi ni Yi Jian.

Kasalukuyan ay nasa labas sila ng kubo nito. May lamesa at upuan pa na para bang nasa meeting sila. Magkatabi sa mahabang upuan si Dou Ji at Yeye Moran habang siya ay nasa harap nito. Pinapaliwang niya kung ano ba ang irrigation system na sinasabi niya.

"Paano natin gagawin iyon?" tanong Yeye Moran.

"Gagawa tayo ng water mill."

"Water mill?" Sabay na sabi ng dalawa.

"Oo, 'yan ang tawag sa gagawin natin. Halimbawa nito," Gumawa siya ng pin wheel sa pamamagitan ng papel. Nang matapos ay inihipan niya iyon at nang umikot ay sabay na humanga ang dalawa sa kanya. "Alam niyo ba kung bakit umikot ito?"

"Sa hangin," sagot ni Dou Ji. "Nakukuha ko na ang ibig mong sabihin pero kung makakagawa tayo ng malaking water mill ay napaka-imposible naman na umikot iyon dahil hindi natin alam kung saang direksyon magmumula ang hangin."

"Hindi hangin ang gagamitin natin kundi ang agos ng tubig. Kahit na walang hangin ay kusang iikot ang water mill natin."

"Mukhang madali sabihin pero mahirap gawin. Lalo at tatlo lang tayo at matanda na ako." Naiiling na sabi ni Yeye Moran.

"Kaya kailangan natin ng tulong ng mga lalaking pumunta dito kagabi." Nakangiti niyang sabi.

Pagkatapos nilang kumain ay sunakay ulit sa iisang kabayo sina Dou Ji at Yi Jian para maghanap ng mga taong tutulong sa kanila. Sa 'di kalayuan ay nakita nila agad ang mga lalaking sumugod sa bahay ni Yeye Moran. Kinausap ito ni Yi Jian at pinaliwanag ang balak niyang gawin. Kaya lang ay ayaw sumunod ng mga ito kahit na maganda ang paliwanag niya. Sinabihan pa siya ng mga ito napaka-imposible ng balak niyang gawin na iregasyon.

"Paano niyo nasasabi na imposible iyon kung hindi pa natin nasusubukan?" sabi ni Yi Jian habang nakahalukipkip. "Gusto niyo ng tubig para sa lupa niyo pero hindi kayo gumagawa ng alternatibong paraan para masolusyunan ang problema niyo. Paano kayo uunlad niyan?"

Napatingin ang mga ito sa kanya.

"Alam niyo ba na sa gagawin natin ay matutulungan natin na mapaunlad ang agrikultura ng kahariang ito? Kasunod ng tagtuyot ay taglamig na. Kailangan na mag-imbak ang mga tao ng pagkain nila dahil hindi na sila makakalabas pa. Kapag maraming palay, gulay o prutas na naani ay kikita rin kayo ng malaking salapi."

Tahimik pa rin ang mga ito. Parang nagtatalo pa ang isip kung papayag ba sa suhesyon niya o hindi.

"Tsk, mukhang ayaw niyo naman kumita ng malaking halaga ng salapi kaya siguro kami na lang ni Xiao Ji ang-"

"Sandali!" Pinigilan siya ng isa. "Sigurado ba na magkakaroon ng tubig sa mga palayan namin kahit na malayo ang Ganjing dito sa amin?"

Tumango siya. "Ang problema lang naman ay wala kayong ilog sa lugar niyo kaya ang plano ko na ihatid ang tubig mula sa palayan niyo ay epektibong paraan para maiwasan ang pagkatuyot ng lupa niyo.

"Sige, tutulong kami sa plano mo. Mag-aaya rin kami ng ibang mga kasama para tumulong."

"Yes!" Napasuntok na lang sa hangin si Yi Jian. Napatingin siya kay Dou Ji na amused na amused sa ginawa niya. Bahagya siyang tumikhim. "Marami na ang tutulong sa atin. "

Tumango lang ito bilang sagot.
_____

ISANG buwan din ang inabot nila sa paggawa ng water mill na ito. Gamit ang mga kawayan at kahoy ay unti-unti nilang binuo ang tila ferris wheel na iyon. Ang mga kawayan na hinati nila sa gitna ay naging daluyan ng tubig sa umiikot na water mill. Meron din silang inihanda na ilang mga mahahabang kawayan, binutasan nila ang mga iyon kaya ngayon ay habang dinadaluyan iyon ng tubig ay tumatagas naman ang tubig mula sa butas at nadidiligan na ang mga lupa.

Masayang nagtatalon ang mga lalaking tumulong sa kanila. Matapos na magpasalamat ay umalis na ang mga ito at nagpunta na sa sariling lupain para simulan ang pag-aayos ng mga taniman nito.

"Maganda ang ginawa mo," puri ni Dou Ji.

"Ginawa nating lahat," pagtatama niya. "Hindi matatapos ang water mill na ito kung wala ang tulong niyo." Napangiti na lang ito. "Siyanga pala, higit isang buwan na rin tayong magkasama. Hindi ka ba hinahanap sa inyo?"

"Hindi naman. Isa pa ay alam nila kung nasaan ako. Hindi nila kailangan na mag-alala. Ikaw? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?"

"Hinahanap na rin siguro nila ako. Nag-aalala na sila dahil matagal na akong nawawala."

"Asawa?"

Napatingin siya dito at may nakita siyang kakaiba sa mga mata nito. Gusto ba nitong sumagot siya na wala? Eh, wala naman talaga siyang asawa, ni walang girlfriend man lang na naiwan.

"Wala akong asawang naiwan pero meron akong mga magulang at kapatid. Hindi nila alam na nandito ako ngayon."

"Hindi mo ba sila kayang puntahan?"

Umiling na lang siya bilang sagot. Tumalikod na siya at babalik na sana sa loob ng kubo.

"Jian gege..." tawag nito sa kanya. Napalingon siya agad sa lalaki. "Hindi ka talaga nanggaling sa panahon na ito, 'di ba?"

Napakurap siya sa sinabi nito. So, hindi pala nito binalewala ang sinabi niya noong nasa kainan sila. Akala niya ay nabura na iyon sa utak nito. Ano ba ang dapat niyang gawin? Kailangan ba niyang magpalusot ulit? Pero hindi na niya magagawa iyon dahil matalas ang utak nito, hindi na ito magpapa-uto sa kanya.

"Paano mo nasabi?"

"Kakaiba ang pananalita mo, may mga gamit ka na hindi pangkaraniwan sa panahon na ito at itong ideya mo na water mill ay ngayon ko lang nakita."

Ngumiti siya rito. "Oo, nanggaling nga ako sa ibang panahon." Kinumpirma nga niya na nanggaling siya sa ibang panahon pero hindi niya sasabihin na galing siya sa hinaharap. Ayaw niyang may makaalam nang tungkol doon. Mahirap na dahil kapag may nabago sa panahon na ito habang nandito siya ay makakaapekto iyon sa hinaharap.

"Masaya ka ba na napunta ka sa panahon na ito?" Seryosong tanong nito.

Muli ay napangiti siya. "Hindi ko masasabi na masaya talaga ako lalo at may naiwan ako sa panahon ko pero," tumingin siya rito. "Masaya ako na nakilala kita at naging kaibigan sa panahong ito."

Kumislap ang mga mata nito matapos niyang sabihin iyon, parang natuwa ito dahil sa sinabi niya. Hindi niya alam pero sa tingin niya ay ngayon lang nagkaroon ng kaibigan ang lalaki.

"Ngayong alam mo na ay huwag mong ipagkakalat na nanggaling ako sa ibang panahon. Baka bigla akong ipatawag ng hari." Naglakad na siya pabalik sa loob ng bahay ni Yeye Moran.

"Natatakot ka ba sa hari?" tanong nito habang palapit sa kanya. "Pero hindi kita masisi kung natatakot ka sa kanya. Tinagurian na malupit at brutal kung pumatay ang hari. Nakakatakot nga siya."

"Maraming mga nakakatakot na bagay ang nagawa niya pero siguradong marami rin siyang nagawa na maganda para sa kahariang ito. Kaya sa tingin ko ay mali na ang pagiging brutal at malupit lang ang nakikita natin sa kanya."

"Pero ayaw mo pa rin siyang makita." Nakangusong sabi nito.

Natawa siya. "Gusto ko lang ng payak na buhay habang nandito sa panahon niyo. Kailangan ko na mabuhay dito nang maayos hanggang makabalik ako sa sarili kong panahon."

"Makakabalik ka pa ba?" Seryoso nitong tanong.

"Kung nakarating ako dito, bakit hindi ang makabalik sa panahon ko?"

Isang "Hmm," na lang ang sinagot nito. Hindi na ulit nagtanong si Dou Ji.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now