Chapter 72

21 6 2
                                    

Chapter 72

HALOS wala nang pumapansin kay Yi Jian sa tuwing naglalakad siya sa palasyo. Matagal nang alam ni Yi Jian na maaring mangyari ito, handa siya sa mga critiscism kaya lang ang inaalala niya ay si Lie Feng. May problema na sila sa paghahanap kay Hen Hao tapos ay dumagdag pa ito.

Ngayon nga ay nagsama-sama ang mga ministro na ngayon ay nakaluhod sa harapan ng tahanan ni Lie Feng. Nagmamakaawa ang mga ito para magbigay ng utos na i-torture sa publiko si Liu Xue. Gusto kasi ng mga ito na mapaamin si Liu Xue kung sino ang kasabwat nito sa labas para malaman na kung saan naroroon ang dinukot na emperador.

Napasubsob siya sa lamesa habang nilalaro sa kamay ang dahon na nahulog mula sa puno. May bigla tuloy siyang naisip, ano kaya kung hindi na lang niya nilabas ang totoong nararamdaman kay Lie Feng, mangyayari kaya ang lahat ng ito?

Napailing na lang siya. Hindi niya dapat pagsisihan ang mga pagsasabi niya ng totoong nararamdaman. Hindi lahat ng klase ng relasyon ay perpekto at tanggap ng lahat. Napaangat siya ng ulo pagkuway napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya akalain na dito siya sa panahong ito makakahanap ng mamahalin niya. Wala din sa utak niya na lalaki rin ang makakarelasyon niya.

Natawa na lang siya sa sarili. Ilang sandali pa ay biglang dumating si Lie Feng. May dalang pulang roba na may imprint na mga ulap at ibon, at ipinatong iyon sa balikat niya.

"Malalim na ang gabi, bakit hindi ka pa natutulog?" Nakangiting tanong nito nang tumabi ng upo sa kanya.
Muli ay sinubsob niya ang mukha sa lamesa. Nakaharap siya kay Lie Feng at tinitigan ito. "Alam mo na siguro na kumakalat ang relasyon natin sa buong palasyo. Kumusta?"

"Masaya akong nalaman nila ang relasyon natin."

Napakurap na lang si Yi Jian sa sinabi nito. "Masaya ka? Hindi ka ba natatakot na mawalan sila ng respeto sa 'yo dahil sa relasyon natin?"

"Ang respeto ay naaani kapag may ginawa kang maganda sa kapwa mo at hindi dahil sa klase ng relasyon na meron ka. Alam ko na may ibang hindi makakaintindi sa atin pero sa huli ay tayo pa rin naman ang magsasama kaya bakit ko kailangan matakot kung mawawalan sila ng respeto sa akin? Nagdesisyon ako na maging hari ng kahariang ito dahil sa 'yo at magpapatuloy pa rin akong ipagtanggol ang kahariang ito para sa 'yo."

Biglang namula si Yi Jian dahil sa mga sinabi nito. Napayuko na lang siya para hindi makita nito ang pamumula ng mukha niya pagkuway sinuntok ito sa dibdib. Natawa na lang ito sa ginawa niya.

"Siyanga pala, pinuntahan ko si Liu Xue sa piitan niya at nakita ko na isa-isa niyang binabasa ang mga papeles na binigay mo sa kanya."
Biglang naging alerto si Yi Jian. "May sinabi ba siya tungkol kay Guwen? Alam na ba niya kung sino siya sa mga ministro?"

Napakamot sa kanyang sintido si Lie Feng. "Hindi ko siya kinausap. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanya kaya imposible na magkaroon kami ng maayos na pag-uusap."

Natampal na lang si Yi Jian ang noo pagkuway napangiti. "Parehas lang kayong galit sa isa't isa."

"Kaya napakaimposible talaga na—" natigilan sa ibang sasabihin si Lie Feng nang biglang dumating ang tagasilbi nito. Humihingal pa ito dahil sa pagtakbo. Huminga muna ito nang malalim bago nakapagsalita.

"Si Yue Guang Danwei ay nasa loob ng ating palasyo kasama ang kanyang hukbo."

Napangiti na lang si Lie Feng pagkuway tumayo. "Mas maaga siyang dumating kaysa sa inaasahan ko." Binalingan siya nito. "Nais mo bang sumama para makita si Yue Guang?"

Napatango na lang si Yi Jian pagkuway tumayo na. Gusto rin niyang makita si Yue Guang. Noong nasa kaharian sila ng Han ay hindi niya ito nakilala dahil nasa kaharian ito ng Zhao at inaasikaso naman doon ang mga bukirin na sinunog noon ng arsonist.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now