Kabanata LXVII: Ang huling pagtutuos (Ikalawang bahagi)

1 0 0
                                    

IKAANIMNAPU'T PITONG KABANATA: ANG HULING PAGTUTUOS 

T H I R D   P E R S O N   P O V

"Nauubusan na ako ng pasensya sa inyong dalawa," seryosong saad ni Regina at pinalaki pa ang bola ng itim na usok bago ihagis papunta sa direksyon nina Casey at Alvaro.

Nakita ito ni Alvaro kaya humigpit ang yakap niya kay Casey at iniwas ang katawan nilang dalawa. Napasobra ang paggilid niya kaya pareho silang natumba at saglit na gumulong.

Bumitaw si Alvaro at inalalayang umupo si Casey bago magtanong, "ayos ka lang?"
Hindi man sigurado, tipid na tumango si Casey at pinahid ang mga luha.
"Dito ka lang. Ako na ang bahala kay Regina," aniya at tumayo.

"P-Pero—!"

"Ito ang tungkulin ko, Casey. 'Wag kang mag-alala, hindi ako mamamatay. Hindi ako pababayaan ni kamahalan." Naging asul ang mata ni Alvaro at may lumabas na puting usok sa paligid niya. Saglit niyang nginitian si Casey bago tinalikuran para humarap sa galit na si Regina.

"Alvaro," bulong ni Casey at walang nagawa kundi manood. Gusto man niyang tumulong ay hindi niya magawa dahil sa labis na panghihina. Isa pa, hindi talaga siya marunong lumaban at baka maging pabigat lang siya.

Tumingala si Casey sa kalangitang puno ng iba't ibang kulay ng usok at humiling. Kahit ayaw niya, sinunod niya ang sinabi ni Alvaro. Sana naman ay tuparin ang kaisa-isang hiling niya ngayon, ang manatiling ligtas si Alvaro.

Nagsimulang sumugod si Regina gamit ang maliliit na bola ng itim na usok na may lason. Kung titingnan ay para lang itong ordinaryong usok pero kapag tumama ito sa katawan ay maaaring makapagdulot ng kamatayan depende sa lakas ng tama.

Maingat ang bawat galaw ni Alvaro at iniiwasang makapanakit. Bukod sa wala ito sa tungkulin niya, ayaw niya ring maparusahan kapag nagkataon. Paminsan-minsa'y lumulutang siya sa ere at nagpapalabas ng puting usok para salagin ang atake ni Regina. Patuloy siyang umiiwas sa mga pag-atake nito habang unti-unting lumalapit sa pwesto. Naghahanap siya ng tamang tyempo para makalapit at mahuli si Regina.

"Walang-wala ang kapangyarihan mo kumpara sa akin, Alvaro," ani ni Regina at nagpakawala ulit ng usok. Mas mahina na siya ngayon kumpara sa normal niyang lakas pero hindi maikakailang mas malakas pa rin siya kay Alvaro.

Sa kabilang banda, may lumitaw na dalawang lalaki sa gilid ni Casey at marahas na higit patayo. Sila rin ang mga lalaking lumitaw sa venue ng koronasyon noong isang araw. Napasigaw siya dahil sa gulat at sakit dulot ng mahigpit nilang pagkakahawak sa braso niya.

Nawala sa pokus si Alvaro nang marinig ang sigaw ni Casey at napatingin sa kinaroroonan nito.

"Casey!" pagtawag niya. Sa isang iglap ay nawala sa isip niya si Regina. Hindi nito pinalampas ang oportunidad at bumuo ulit ng usok bago ibato kay Alvaro.

Tumama ito sa bandang tagiliran niya kaya uminda siya sa sakit.

"Regina, huminto ka na!" Umalingawngaw ang boses ng isang babaeng lumitaw mula sa puting usok ss ere. Naghatid ito ng soundwave na nagpawala ng lahat ng usok sa kalangitan at nagpalipad ng mga dahon.

Napahinto sa paghigit kay Casey ang mga lalaki, samantalang napuno ng pag-asa ang mga mata ni Alvaro sa nakita. Kasama ng babae si Ignacio na nakasuot din ng barong Tagalog pero may kapa.

"Kamahalan." Kahit na nasasaktan, pilit na ngumiti si Alvaro at nabuhayan ng loob sa nakita.

"Pasensya na kung nahuli ako. May inasikaso pa ako bago pumarito."

"N-Nauunawaan ko po," sagot ni Alvaro at dumaing ulit habang nakahawak sa tagilirang tinamaan ng nakakalasong usok. Akma siyang lalapitan ni Ignacio para tulungan pero tumanggi siya.

"S-Si Casey,..." nahihirapan niyang saad at tumingin sa gawi ni Casey. Tumango si Ignacio at mabilis na nag-teleport papunta sa kinalulugaran nito.

Naalerto si Regina sa pagdating ni Rhiannon pero hindi niya pinahalata. Bumuo ulit siya ng itim na usok at akmang ibabato sa direksyon ni Alvaro pero agad itong naharangan ni Rhiannon gamit ang kapangyarihang taglay niya.

"Ako ang harapin mo, Regina," ani ni Rhiannon bago bumaling kay Alvaro.
"Ako na ang bahala rito, Alvaro. Hilumin mo muna ang sugat mo."
"Masusunod po, Kamahalan. Salamat." Nahihirapang tumayo si Alvaro at medyo paika-ikang naglakad papunta sa gilid na bahagi ng akademya para magpahinga at hilumin ang sariling sugat. Napako ang tingin niya kay Casey na nasa malayo.

Sa kasalukuyan, nakikipaglaban si Ignacio sa dalawang lalaki. Si Ignacio lang ang gumagamit ng kapangyarihan para atakihin silang dalawa nang magkasabay. Malakas ang bawat suntok niya gamit ang kaliwang kamay samantalang may latigong gawa sa usok ang kaniyang kanang kamay.

Nanatiling nakaupo si Casey at tahimik na umiiyak. Halatang nahihirapan ito at may mga bakas ng sugat at gasgas sa katawan. Pawis na pawis na rin ito at magulo na ang buhok. Hindi maiwasang madurog ang puso ni Alvaro sa nasasaksihan.

"Kung hindi ako tao, ba't ako nasasaktan nang ganito?"

Gusto niyang lapitan at tulungan si Casey pero alam niyang mas lalo lang lalala ang sitwasyon kapag lumapit siya rito nang mahina. Kailangan niyang maghintay para tuluyang maghilom bago lapitan si Casey. Isa pa, tiwala siyang hindi ito pababayaan ni Ignacio.

Sa kabilang banda, tipid na ngumiti si Rhiannon bago ulit dumako sa kaniyang kalaban.

"Ako ang harapin mo, Regina."

"P-Paano mo ako natunton?" mahinahong tanong niya at pilit na ikinubli ang takot. Aminado siyang hindi niya pwedeng maliitin ang lakas nito dahil minsan na silang nagtuos at sa minsang iyon ay hindi siya umubra.

"Sa tulong ni Alvaro."

Kumunot ang noo ni Regina.

"Paanong...?"

"Nakalimutan mo na ba ang nakaraan ng ating mga magulang? Marahil ay alam mo kung ano ang pinakamalakas na koneksyon na nagbubuklod sa mga tao."

"Imposible." Sumulyap siya kina Casey at Alvaro na parehong nanghihina at hindi nakatingin sa kaniya.

"Walang imposible, Regina. Ikaw na mismo ang nagsabi no'n."

"Batid mo na ang papel na gagampanan niya kaya mo pinaslang ang mga magulang niya."

"Sana pinatay ko na rin siya noon pa man!" galit na pahayag ni Regina at ginamit ang dalawang kamay para gumawa ng lubid mula sa itim na usok. Akma niya itong papapuntahin sa kinalulugaran ni Casey pero mabilis ding gumawa ng ganoon si Rhiannon. Bago pa man ito iyon mapulot sa leeg ni Casey, nahigit na ni Rhiannon ang lubid.

"Sabi nang ako ang harapin mo!" sigaw niya na nagdulot ulit ng sound wave papunta sa direksyon ni Regina. Natumba siya sa kinatatayuan at naglaho ang usok na ginawa niya.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now