Kabanata LXVI: Ang matinding pagkabigo

17 2 77
                                    

IKAANIMNAPU'T ANIM NA KABANATA: ANG MATINDING PAGKABIGO

C A S E Y  D E  L E O N

"Sandra," ani ko sa pagitan ng paghinga. Walang emosyon ang mukha niya at napapaligiran ng maitim na usok ang kaniyang katawan. 

"Yes, it's me," kalmado niyang tugon at inapula ang usok. Saglit siyang yumuko sa harap ni Regina para magbigay-galang sa kaniya. Napataas ang kilay ko.The fvck? Akala ko ba matalino siya pero ba't di niya ginagamit ang isip niya ngayon?! Ipapagpalit niya ba talaga kami sa babaeng 'yan?!

"Ikaw, Sandra. Pagtataksilan mo rin ba ako tulad ng ginawa ni Nicholai?" bungad na tanong ni Regina at saglit akong sinulyapan habang naghihintay ng sagot. Siguro tuwang-tuwa siya ngayong miserable ang kalagayan ko. What a mindset. Tss.

"No," kaswal na sagot ni Sandra, "I'm on my mom's side so you have my word."

"Mabuti kung gayon. Tama ang pagpapalaki niya sa sa'yo." Napairap ako sa walang kwentang sinasabi ni Regina. Nahihibang na talaga siya.

"Nasaan ang mga kaibigan ko?!" pagbaling ko kay Sandra nang hindi pinapansin ang sinabi ni Regina. Diniinan ko pa ang salitang ko para ipaalam sa kaniya na wala na siyang karapatang tawaging kaibigan ang kahit na sino sa amin.

Humarap siya sa akin at blangkong tumingin.

"They died, remember?" nakapameywang niyang sagot at biglang nagtakip ng bibig, "oh, how could you know if you left them to die?" may halong sarkastik niyang tanong. Parang sinisisi niya pa ako na iniwan ko ang mga kaibigan ko.

Damn it!

Kumulo ang dugo ko sa narinig. Gusto kong padapuin ang kamao ko sa mga mukha nila pero pinipigal ako ng sitwasyon ko ngayon. Hindi pa rin nakakalas ang tali kaya hindi ako makagalaw ang maayos. 

"Hayop ka talaga! Papatayin kita! Papatayin ko kayong lahat!" sigaw ko habang masamang nakatingin sa kanilang dalawa. Halos mapaos na ako sa kakasigaw para lang ilabas ang galit ko pero wala 'yong epekto sa kanila. Lalo lang tuloy akong nagmumukhang mahina at kaawa-awa.

"Go ahead. I'll wait for you," paghahamon ni Regina. Pinanlisikan ko siya ng mata habang nakakuyom ang kamao. I badly want to kill them all. I want to avenge my friends... and Kuya Nicholai.

"Kamahalan, maaari ba natin siyang pakawalan?" biglang tanong ni Sandra at hindi pinansin ang sinabi ko. Hindi siya nakaramdam ni katiting na banta sa buhay niya. Siguradong pinagtatawanan niya na ako sa isip niya. 

"Bakit? Naaawa ka ba sa kaniya?"

"Hindi. Mas masayang tiningnan kung hindi siya nakatali pero hindi pa rin makalaban. Bigyan natin siya ng pagkakataong gumalaw nang maayos para naman maging patas tayo." Mukhang natuwa si Regina sa sinabi ni Sandra dahil sinunod niya ang sinabi nito.  Ginamit niya ang itim na mahika para kalasin ang tali sa kamay at paa ko.

Napangiwi ako sa hapdi ng mga kamay at mga paa ko. Sabi na nga ba't magkakaroon ng pulang marka ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa akin. Halos magkasugat na rin ang isa kong kamay dahil doon. Pero walang-wala ang pisikal na sakit na 'yon sa nararamdaman ko ngayon.

Pinahid ko ang natitirang luha sa pisngi ko tumingin sa sahig kung saan nawala si Kuya Nicholai kani-kanina lang. I hated the fact that he died trying to save me... again. Kung totoo man ang sinabi niya noon na sinubukan niya akong iligtas, siguro ay nakaligtas din siya noong panahon ngayon. Pero iba na ngayon dahil tuluyan na siyang namatay. 

I don't deserve this. I don't deserve him. His love, his service, his loyalty. I don't deserve him at all but he still chose to save me.

"Napaka-walang hiya niyo!" I said while gritting my teeth. Kinuyom ko ulit ang kamao ko at hindi nag-atubiling lumapit kay Sandra at itinulak siya nang malakas. Hindi niya ito napaghandaan kaya natumba siya sa sahig.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now