Kabanata XX. Ang tagapagmana

40 4 86
                                    

IKADALAWAMPUNG KABANATA: ANG TAGAPAGMANA

C A S E Y  D E  L E O N

Gabi na pero ipinagpatuloy pa rin namin ang pagpunta sa faculty para kausapin ang adviser namin na si Ma'am Fiona. Tinawagan siya ni Kane kanina at sinabi nitong maaari raw namin siyang kausapin.

Sama-sama kaming nagpunta sa school building at sa ikaapat na palapag. Pati si Nimrod ay sinama na rin namin. Tatlo kasi silang magkakasama nina Jace at Kane sa dorm kaya mas maganda kung sasama na rin siya. 

Dumiretso kami sa 4th floor kung nasaan ang faculty room. Tanging doon lang may nakabukas na ilaw kaya medyo nakakatakot. Buti na lang at marami kami kaya may nakapitan ako sa paglalakad, sina Charmaine at Alexis. Mahigpit ang kapit ko sa braso nila dahil natatakot akong mawala ulit. Ayoko nang humiwalay sa kanila hangga't maaari.

Matapang ako kapag tao ang ang kaharap pero hindi sa dilim.

Kumatok si Jace ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Nakasunod kaming lahat sa likuran niya at sinilip ang room sa loob. Hindi ordinaryong faculty room ang itsura ng silid. May tatlong sofa, dalawang mahaba at isang pang-isang tao lang. Mukhang inaasahan talaga nila ang pagdating namin.

Nandito ngayon ang tatlo naming guro sa iba't ibang subject, sina Ma'am Fiona, Sir Gelo, at Sir Daryl. Nakaupo sa isang maliit na sofa si Ma'am Fiona at nasa harapan niya ang isang mahabang bakanteng sofa. Nasa bandang gilid naman sina Sir Gelo at Sir Daryl, nakaupo rin sa sofa.

"Umupo muna kayo," nakangiting sambit ni Ma'am Fiona at itinuro ang sofa, "gusto niyong kumain?"

"Hindi na po, binibini. May gusto lang po sana kaming itanong kaya kami nandito." Magkakatabi kaming umupo sa dalawang mahabang sofa. Sina Jace at Kane ay umupo sa tabi nina sir, samantalang nakatayo naman sina Nimrod at Charmaine.

"May nalalaman po ba kayo tungkol sa pagkadakip kay Casey?" panimula ni Charmaine at hinawakan ang balikat ko mula sa likuran.

"Mabuti pa't ireserba ninyo ang inyong mga lakas para bukas. Marami pa kayong dapat matutunan at pagtuunan ng atensyon," ani ni Sir Gelo.

"Ginoo, mawalang-galang lang po, hindi pa rin po ba kayo magsasalita? Sobra na po ang nangyayari kay Casey at sa tingin ko po ay hindi na tama kung patuloy kayong mananahimik," ani ni Kane at saglit na sumulyap sa akin.

"Buti na nga lang andoon si Alvaro--" Nanlaki ang mga mata ko at kinagat ko ang labi ko dahil sa nasabi. Nasanay kasi akong siya ang laging dumadating.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nina Lulu at Alexis kaya mahina kong kinurot sa tagiliran si Lulu, siya lang ang abot ko, eh. Darn. "este Kuya Nicholai. Dahil kung hindi, napahamak na ako."

Nagkatinginan ang tatlong guro at tila nagkaintindihan. Tumango si Ginoong Daryl habang nakatingin sa kanila. Tipid na ngumiti si Ma'am Fiona bilang sagot. Pinanliitan ko sila ng mata at bahagyang kinunutan ng noo. May tinatago talaga sila sa amin?

"Ginoong Daryl, pakisara ng pinto," ani ni Ma'am Fiona habang nakatingin kay sir. Tinanguan siya nito at ngumiti bago tumayo. Sumilip muna siya sa labas bago isara at i-lock ang pinto.  

Pinakiramdaman ko ang mga kasama ko. Kahit walang nagsasalita, halata ang tensyon sa paligid. Mahigpit kong hinawakan ang kamay nina Alexis at Lulu, mga katabi ko,dahil sa sobrang kaba. 

Bumilis ang tibok ng puso ko at nanuyo ang lalamunan ko. Sumulyap ako sa mga kaibigan ko at nakita kong sumasalamin ang ekspresyon nila sa ekspresyon ko ngayon.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now