S I M U L A

158 11 63
                                    

C A S E Y   D E   L E O N

4:00 PM

Dismissal time.

Naiwan kaming magkakaibigan sa room na nasa ikalawang palapag ng aming paaralan. Kasama ko sina Kane, Jace, Charmaine, Kelly, Lulu, at Sandra, mga kaibigan ko rin mula sa iba't ibang strand at section.

Hindi pa man kami nakakalabas dahil kami ang nakatokang maglinis ngayon, nagpaalam na sa amin si Jace dahil pinapauwi na raw siya ng papa niya. Noong una ay ayaw pa siyang pauwiin ni Sandra dahil gagala pa kami, pero wala itong nagawa para pigilan siya. Nagpaalam kami sa kaniya at ginantihan niya kami ng ngiti bago lumabas ng room.

"KJ," nakangusong saad ni Sandra habang nakanguso. Lagi kasing tumatanggi si Jace kapag nagkakaayayaan kaming gumala at ang lagi niyang paliwanag ay hindi siya pinapayagan ng kaniyang mga magulang. Sanay na nga kami, eh, si Sandra lang yata ang hindi.

"Guys, saan niyo gustong maggala? Libre ko kayo ngayon!" masiglang saad ni Kelly at itinaas ang hawak niyang purse habang nakangisi sa amin. Biglang nagbago ang mood ni Sandra sa isang iglap. Lumapit siya kay Kelly at inakbayan ito habang nakangisi.

"Sa bar tayo!" sigaw nito at humarap sa amin habang nakataas ang kanang kamao sa ere.  Napapalo ako ng noo at pumikit. Ayoko na kasing magsinungaling. We're only sixteen to seventeen years old. In short, minor. Ibig sabihin, bawal pa kami sa bar. Pero nakakapasok kami sa tulong ni Kuya Nicholai, senior namin. Staff siya sa bar na pinupuntahan namin at pinapayagan niya kaming pumasok basta raw dagdagan namin yung kita nila. Hindi ko alam kung seryoso 'yon o mabait lang talaga siya.

"Hanggang anong oras kayo pwede?" tanong ni Kane habang nakapatong ang siko sa kaliwang balikat ko. Wala naman itong malisya sa amin dahil matagal ko na siyang kaibigan, mula pa noong mga bata pa kami.

Pero kung pwede lang lagyan ng malisya, eh...

At kung hindi rin dahil sa kaniya, hindi talaga ako sasama sa bar. Nakakatamad, eh.

"Kahit anong oras ako. Wala naman akong kasama sa bahay. Busy sina mom sa trabaho," ani ni Sandra.

"Pass. Baka gabihin kayo, papagalitan ako. Sasabay na lang ako sa inyo papuntang SM. Bababa ako sa bus station," tugon naman ni Charmaine kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

Muling nagbago ang timpla ng mukha ni Sandra at halatang hindi natuwa sa narinig. Tinanggal niya ang pagkakaakbay kay Kelly at lumipat kay Charmaine para umangkla sa braso nito.

"Dali na, sumama ka na sa amin," pagpupumilit ni Sandra at nagpa-cute pero hindi umepekto kay Charmaine.

"May gagawin pa ako," aniya at tumingala para hindi makita ang itsura ni Sandra. Halatang pinipigilan ang sarili na pumayag. Alam naming nahihirapan siyang tiisin ang mga ganiyan.

"Ihh, sama ka na! Ngayon lang. Kahit isa lang," paggatong pa ni Lulu at itinaas ang hintuturo, "please?"

Nanatili kaming nakatitig kay Charmaine habang naghihintay ng sagot. Pagkalipas  ng ilang segundo ay bumuga siya ng hangin bilang pagsuko. Hindi pa man siya nakakasagot, lumawak na ang ngiti nina Lulu at Sandra.

"Fine," aniya at napasigaw kaming lahat dahil sa saya.

•••

09:23 PM

Tahimik kong binuksan ang gate ng bahay namin dahil ayokong makagawa ng ingay. Isang palapag lang ang bahay namin kaya maririnig hanggang sa kwarto kapag nag-ingay ako rito. Gabi na rin kasi at tahimik na sa subdibisyon namin. Paniguradong tulog na si lola sa kwarto at si Ate Wilma ang naghihintay sa akin. Ayos lang naman, hindi niya ako papagalitan.

Kadalasan kapag pumupunta kami ng bar, 8 PM pa lang ay nasa bahay na ako. Pero ginabi kami ngayon dahil nakipagkwentuhan pa sa amin si Kuya Nicholai. Nakilala namin siya sa school, dalawang taon na ang nakalipas. May pagka-sinaunang tao siya, yung tipong hindi gaanong sumasabay sa uso. Mabait at maginoo siya kumpara sa ibang mga senior namin na akala mo diyos kung makaasta.

At isa pa, parang napapansin kong gusto niya ako. Not in a romantic way, maybe platonic?

Pero wala akong oras para r'yan. Si Kane lang ang taong gusto ko, eh. Kaso nga lang, medyo malungkot ako ngayon dahil hindi ko siya nakasabay sa pag-uwi kahit na magkapitbahay kami. Inihatid niya si Charmaine sa bahay nila, nalasing kasi. Noong una ay ayaw ko pa sana, pero pumayag na lang ako. Kaibigan ko rin kasi si Charmaine.

Well, medyo labag talaga sa loob ko pero hinayaan ko nalang. Anything you would do for love. Kidding!

Naglakad ako sa bakuran namin papunta sa may pinto at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Tinanggal ko muna ang sapatos ko at ipinatong sa shoe rack na nasa bandang gilid sa bakuran bago buksan ang pinto humakbang papasok sa loob.

Nag-angat ako ng tingin at halos himatayin ako sa gulat nang si lola ang nakita ko imbes na si Ate Wilma.

Lagot.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa na nasa tapat ng pintuan habang nagbuburda ng bulaklak sa puting tela. Iyon ang matagal na niyang pinagkakaabalahan, pero wala akong pakialam kung bakit at kung anong bulaklak iyon.

Kinagat ko ang labi ko at nagmura sa isip habang kabadong nag-iisip ng sasabihin.

"'L-La, uhmm... project po! Gabi na po ako dumating dahil sa project!" depensa ko kahit na hindi pa siya nagtatanong. Tumingin siya sa akin at peke akong tumawa nang mahina.

"Tulog na ang ate Wilma mo," aniya habang nakatingin sa akin at hindi pinansin ang sinabi ko. Halos mapakunot ang noo ko mapansing may kakaibang awra sa titig niya.

Ba't parang may mali?

"Ah, 'la Shanta, aakyat na p--" Napatigil ako sa pagsasalita at kumabog ang dibdib ko nang biglang may sumulpot na lalaki sa tabi niya. Galing ito sa kusina at may dala-dalang isang basong tubig. Nakasuot ng barong at salakot at may katangkaran. Kung itsura ang pagbabasehan, halos kasintanda ko lang ito. Pero wala akong pakialam. Wala naman akong balak na tumingin sa ibang lalaki bukod kay Kane. Fvck, iba na 'to.

Pero sino ba siya at anong kailangan niya?

"'La?? Who's he?" sabay turo ko sa lalaking seryoso ang mukha na nakatingin sa akin at parang kinikilatis ako.

"Siya si Alvaro, ang bago mong tagapagbantay."

•••

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon