Kabanata LXII: Araw ng koronasyon

26 3 110
                                    

IKAANIMNAPU'T DALAWANG KABANATA: ARAW NG KORONASYON

C A S E Y  D E  L E O N

Today is the coronation and at the same time, recognition day. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa pag-aalala sa mangyayari. Buti na lang 'di ako nanaginip dahil baka magulo na naman ang isip ko.

Kahapon ko pa pinag-aaralan at inoobserbahan ang bawat kilos ni Alvaro pero wala akong makuhang matinong sagot. Parang totoo naman ang ipinapakita niyang ugali pero hindi ko pa rin maiwasang magduda. Lalo na't malinaw na ang mukhang nakikita ko sa panaginip.

"Ano nang gagawin pagkatapos nito?" tanong ni Alexis kay Jennie habang nakaupo sa magkatapat na kama. Naglalagay ng kolorete sa mukha si Alexis, samantalang may hawak naman itong libro.

Hindi kasama ang ibang year at section sa recognition dahil iba ang schedule nila. Pagkatapos pa raw ng recognition namin ang sa kanila. Isa-isa pa kasing ipapakilala ang mga bagong maghahawak ng perlas bago sila umalis.

"Itutuloy namin ang pag-aaral."

"Eh, paano 'yon? E di ilang linggo o araw na kayong absent?" Tumango siya.

Katulad kahapon, isang gabi lang ako bumalik sa mundo ng mga mortal pero ang katumbas sa mundong ito ay ilang buwan na. Na-delayed ang recognition dahil hinintay kaming lahat na makumpleto. Panatag naman ang loob ko dahil bago kami umalis, sinabihan kami ni Ma'am Fiona na ipapaalam niya sa amin kapag may masamang nangyari sa akademya. Habang naghihintay sa amin, ipinagpatuloy nila ang mga klase sa lima naming subject. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako dahil hindi ako kasama sa lessons o ma-fu-frustrate dahil hindi na ako updated sa kanila.

Pero sa huli, worth it pa rin dahil nakita ko ang pamilya ko.

"Sa totoo lang, grounded ako. Pinapili ako kung community service o hindi papasok ng ilang araw o linggo..."

"Anong pinili mo?"

"Syempre yung hindi papasok. Pero hindi ko inasahang mapapadpad pala ako sa akademyang 'to."

"Teka... bakit? Anong nilabag mo o ginawang kasalanan?" pagsingit ni Alexis sa usapan.

"I'm a bully before," aniya at awkward na tumawa, "hindi kapani-paniwala 'di ba?"

"Weh?"

"Yep. Dito lang ako tumino. At sa totoo lang, hindi lahat ng nag-aaral dito ay mabait na talaga. Ang iba ay suwail sa magulang, nagnakaw, nandaya. Pero meron din namang mababait."

Tumango-tanong ako. Kaya naman pala natanggap kami rito kahit magkakaiba ang mga ugali namin.

Pagkatapos ng pag-uusap namin, nag-ayos na kami ni Alexis para sa gaganapin na recognition. Hindi namin mahagilap si Sandra pero alam kong kasama niya na naman si Lulu. Nitong mga nakaraang araw, napansin ko na lagi silang magkasama.

12 PM pa magsisimula ang seremonya pero nandito na kami sa labas ng venue kahit 11 AM pa lang. Balak ko nga sanang magpa-late kasi wala naman akong ganap kaso bawal daw ang Filipino time. Napilitan tuloy akong sumabay kay Alexis pagpunta roon.

Nadatnan namin sina Charmaine sa labas ng gymnasium. Kumpleto na silang lahat at ang sabi, kararating lang din daw nila.

Pagsapit ng 11:30 AM, pinapasok na kami sa loob ng gymnasium. Hindi na na obstacle race o haunted room ang theme nito kundi pam-party. Nakasuot kami ng iba't ibang kulay na baro't saya at barong Tagalog. May suot na varsity jacket ang mga nanalo, samantalang ordinaryong jacket naman ang suot namin nina Kane at Alexis.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now