Ikadalawampu't anim na kabanata

60 6 99
                                    

T H I R D  P E R S O N  P O V

Ilang araw na ang nakalipas buhat noong bumalik si Ignacio sa Keepers Academy para sundin ang utos ni Rhiannon na bantayan ang mga bata hanggang matapos ang misyon nila. Paikot-ikot siya sa akademya upang bantayan ang mga mag-aaral doon at magmanman kung may hindi kilalang nilalang ulit na bibisita. 

Kadalasan ay kasama niya sa pag-iikot si Fiona Del Mundo, ang tagapamahala sa Keepers Academy at adviser nina Casey. Abala na kasi sa pag-eensayo nina Casey kaya nabawasan na ang oras nila na magkakasama.

Ngayong umaga, 6:30 AM, nag-iikot si Ignacio sa labas upang lumanghap ng sariwang hangin at panoorin sa pag-eensayo ang mga napiling kabataan sa henerasyon ngayon. Ang descendants.

Suot ni Ignacio ang steel helmet, armor, at bolo knife na wala siyang balak gamitin. Pang-display lang talaga. Ipinahiram ito sa kaniya ni Alvaro noong una siyang bumisita rito. Nakuha kasi ito ni Alvaro noong mga unang taon niya sa mundo ng mga mortal, way back 1900's.

Malapit na si Ignacio sa bandang field ngayon at natatanaw na niya ang mga kabataan na masayang nag-uusap habang nakaupo sa lapag. Wala silang sapin na inuupuan at naka-indian seat. Gumawa sila ng isang malaking bilog na parang may bonfire sa gitna.

Nandoon sina Aya at Jace tuwing umaga at umaalis lamang papuntang library kapag mag-eensayo na sila ng arnis.

"Ginoo!" biglang pagtawag ni Sandra mula sa malayo nang mapalingon ito sa gawi niya. Saglit na tumigil si Ignacio at lumingon sa kinaroroonan nila habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod at maayos ang postura. Mahahalatang hindi siya ordinaryong guardian dahil sa kaniyang tindig at pananamit. 

"Shet, ang hot niya talaga," kinikilig na sambit ni Lulu habang nakatingin kay Ignacio at pinalo ang nasa malapit na si Alexis. Umismid lang ito.

"Hot ka r'yan. Parang ang tanda na nga," pagkontra ni Casey at umirap. Naaalala niya kasi si Alvaro rito. Mukhang teenager ang itsura pero kapag nagsalita na ay dinaig pa ang lola niya.

"Ano nga ba ulit ang pangalan niya?" natatarantang tanong ni Sandra at tumingin sa kaniyang mga kaklase para humingi ng tulong.

"Ignacio," sagot ni Kane.

"Ahh," lumingon si Sandra kay kuya at sumigaw, "Kuya Ignacio, maaari ka po ba naming kausapin saglit?"

Lahat kami ay nagtaka sa sinabi ni Sandra. Nagpaalam siya rito nang hindi manlang kami kinokonsulta. Gaano ba kahalaga ang sasabihin niya at ipagpapaliban namin ang training ngayong umaga?

•••

C A S E Y  D E  L E O N

Pumunta kami sa isa mga bakanteng silid dito sa academy. Alam ni Kuya Ignacio ang tungkol sa lugar na ito at siya rin ang pumili ng lokasyon kung saan kami mag-uusap. Pero hindi ko pa rin alam kung anong balak ni Sandra at kung bakit niya ito ginagawa. 

Pagkapasok namin sa loob, nagulat ako nang makitang may disenyong mga bituin at kalawakan ang dingding. Kumikislap ang mga bituin at para talaga kaming nasa labas ng daigdig. Maski ang sahig at kisame ay ganoon din ang disenyo kaya hindi namin maiwasang mamangha at magulat. May ganito palang silid dito sa akademya. Kung alam ko lang e di sana nilibot namin itong lahat noong una pala.

"Maupo kayo," magalang na saad ni Kuya Ignacio at itinuro ang mga upuan. Paghakbang namin sa loob, pakiramdam ko ay mahuhulog ako dahil makatotohanan talaga ang itsura ng sahig. Madilim pero dahil sa mga kumikislap na bituin at gumagalaw na mga bato, nagiging buhay ang awra nito.

Classroom ang setup ng silid at umupo kami sa mga upuan. Nasa unahan naman nakatayo si Kuya Ignacio.

"Ano ang nais ninyong pag-usapan, Sandra?" magalang na tanong ni Kuya Ignacio. Saan ba siya galing at ganoon siya kagalang?

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now