Ikatatlumpu't tatlong kabanata

40 4 67
                                    

C A S E Y D E L E O N

"Ano po bang gagawin namin sa mismong battle?" I curiously asked.

Dahil hindi namin sigurado ang gagawin namin sa mismong "battle" o pagsusulit, naisipan namin itong itanong kay Ma'am Fiona. At dahil ako ang matanong sa aming magkakaklase, pinakiusapan nila ako na lumapit sa kaniya. Pero naiintriga rin sina Sandra, Lulu, at Jace kaya sa huli ay napagpasyahan naming sumama lahat.

Pagkarating namin sa faculty room sa 4th floor, nadatnan naming tila may meeting ang mga guro, si Alvaro, at Kuya Nicholai. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung gaano na ba kalala ang sitwasyon ngayon sa akademya. Gaano kaya kalakas si Regina at tila natatakot ang mga guro? At ano ba talagang balak niyang gawin?

Napansin ko nitong mga nakaraang araw ay madalas na nilang kasama ang mga ito pero hindi nila sinasama ang ibang kamag-anak na nagsisilbi ring 'guardian' ng iba kong kaklase. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapaisip kung ilang guardian meron sa mundong ito o kung baka sina Alvaro at Kuya Nicholai lang.

Yesterday, in a separate room, Sandra and I talked about a lot of things. From our missed activities to the battle that will happen in a few weeks from now. Base sa naoobserbahan ko sa kaniya, parang ayos pa naman siya, physically, mentally, and emotionally. Baka marami na rin siyang natutunan buhat noong tumuntong kami sa paaralang ito.

"Sa ngayon, gawin niyo na lamang ang dapat ninyong gawin," ani ni Ma'am Fiona at halatang iniiwasan ang tanong ko.

"Ano pong gagawin? How are we supposed to know that?"

"Alamin niyo sa sarili niyo."

"Akala ko po ba marami nang problema sa school na 'to? Paano kami magiging handa kung hindi namin alam ang dapat na gawin. Dapat ba maging malakas kami, mabilis kumilos, o ano?" nagtitimping saad ni Sandra na tumayo na sa kinauupuan sa bandang likuran ko. Napalingon ako sa kanila at nakita ko ang halu-halong emosyon sa kanilang mga mata, pangamba, pagtataka, at tensyon.

"Lahat." Kumunot ang noo ko sa sagot ni Ma'am Fiona. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at nakita kong blangko lang siyang nakatingin sa amin.

"Ano pong lahat?" That's impossible! How could a person be a master of everything? Should a rightful queen be like that?

"Kaya niyo 'yan, mga bata. Sa ngayon, makakaalis na kayo," ani ni Binibining Fiona at halatang walang balak na sagutin ako. Bagsak ang balikat akong tumayo at tumingin sa mga kaibigan kong magkakatabi sa bandang likuran ko. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanila.

"Anong sinabi ni binibini?" paniniguro ni Jace.

"Dapat daw nating gawin ang lahat," bored kong tugon.

"Is that even possible?" tanong ni Lulu at nagkibit-balikat ako. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na kami sa kanila. Bago ako lumabas ay nahuli ko pang nakatingin sa akin si Alvaro na waring nag-aalala pero hindi koo pinansin. Lumabas na kami ng faculty room at pumunta sa kani-kaniyang silid para magbihis bago bumalik sa mag-ensayo.

•••

T H I R D P E R S O N P O V

Hanggang sa makalabas sina Casey, walang ginawa si Binibinung Fiona kundi panoorin sila habang nakangiti at puno ng pag-asa.

"Hindi mo ba sasabihin sa kanila ang nararapat na gawin?" tanong ni Nicholai na mag-isang nakaupo sa isang mahabang upuan, sa tapat ng upuan ni Alvaro.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now