Kabanata LXVII: Ang huling pagtutuos (Unang bahagi)

17 1 84
                                    

IKAANIMNAPU'T PITONG KABANATA: ANG HULING PAGTUTUOS (UNANG BAHAGI)

C A S E Y  D E  L E O N

"A-Ate Wilma?" taranta kong pagtawag habang nakaupo sa sahig mahinang pinapalo ang likod niya. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko habang nakapulot ang mga braso ko sa beywang niya. Paulit-ulit ko siyang tinawag pero hindi siya sumagot ni gumalaw manlang. Mas mabigat na siya ngayon kumpara kanina at para na lang siyang isang gamit na pwedeng buhatin ninuman.

Wala na siya.

Awtomatiko akong napahagulgol nang matanto ang bagay na 'yon. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ako nakasabay. Kanina lang ay nakita ko siya tapos ngayon kailangan ko nang magpaalam sa kaniya.

Hindi ko siya nagawang sagutin noong sinabi niyang mahal niya ako. Hindi manlang ako nakapagpaalam nang maayos. Hindi ko manlang nasabi sa kaniya kung gaano ko sinubukang magpakatatag para tuparin ang pangarap naming maging bayani at makatulong. Hindi ko manlang siya nakasama nang mas matagal.

Kinagat ko ang labi ko at suminghot ng ilang beses. Nakadikit na ang buhok ko sa mukha, leeg at damit ko dahil sa magkahalong pawis at luha ko. Ang ibang hibla naman ay nililipad ng hangin at medyo humaharang sa mukha ko. At kahit mainit ang panahon, hindi ko pa rin tinatanggal ang puting jacket na suot ko.

Pilit kong pinigilan ang mga hikbi ko para maiwasang ipakita ang emosyon ko sa kalaban--kay Regina. Alam kong natutuwa siya ngayon habang pinapanood akong nagkakaganito.

Mahigpit kong niyakap sa huling sandali ang katawan ni Ate Wilma bago siya maingat na inihiga sa lupa. Ipinikit ko ang kaniyang mga mata at tinitigan ang maamo niyang mukha na parang natutulog lang. Kung maibabalik ko lang ang oras, hindi ko siya aayaing magpunta sa basketball court kung saan siya unang namatay. O kaya hindi ako pumayag kay Alvaro na iwanan siyang mag-isa. Kung pwede lang sana...

Sobrang sakit--ay hindi-- wala nang salitang maaaring makapaglarawan ng nararamdaman ko sa oras na 'to.

Mabagal kong tinanggal ang jacket na suot ko at ipinatong iyon sa ulo niya. Nakapagdesisyon na ako. Tatapusin ko na ang lahat ng 'to.

Namanhid na ang katawan ko. Wala na rin akong maramdaman bukod sa pagkasuklam sa sarili ko at pati kay Regina. Kung hindi lang sana ako ganito ka-tanga, baka natanto ko agad na may mali kay Ate Wilma noong una pa lang. Kaso hindi, eh. Inakala kong wala siyang problema at ayos lang ang lahat.

Namamaga na ang mata ko dulot ng kakaiyak at kung titingnan ay parang ilang araw na akong hindi natutulog. Pagod na pagod na rin ang katawan ko kahit wala akong ibang ginawa kundi umiyak, tumunganga, at hayaan si Regina na kunin ang mga mahal ko sa buhay. Wala na akong maibubuga. Dala na rin siguro ng emosyon na kumakain sa sistema ko. Sagad na sagad na ako. My thoughts and emotions are draining the hell out of me.

Nagdilim ang paningin ko habang nakatingin sa nakangising si Regina. Medyo nakayuko ako ngunit ang paningin ko ay nasa bandang taas kung saan nakapwesto.

"Regina!" sigaw ko sa pagitan ng mabigat na paghinga, "happy?! Are you happy now that I lost her?! That I lost them?!"

Sa kabila ng lahat ng pagod, nagawa ko pa ring tumayo at sumigaw. Hindi ko inalintana ang magkahalong pawis at luha, pati ang matinding hapo sa katawan. Gusto kong hanapin ang mga kasagutan sa mga tanong ko. Gusto ko nang wakasan ang paghihirap ko.

"Binalaan lang kita. Hindi lang yan ang kaya kong gawin," aniya at diretsong tumingin sa mga mata ko. I can see coldness in her eyes and it tells so much story. Ano bang nangyari sa kaniya?

"Bakit ba gustung-gusto mo akong pahirapan?! Ano bang ginawa ko sa'yo?!" To think of it, I'm just an ordinary student. Walang espesyal sa akin bukod sa pagkakaroon ng tagapagbantay na si Alvaro. Hindi ako kasinggaling ni Charmaine o kasing-ayos mag-isip ni Kane. Wala rin akong tapang ng tulad kay Sandra. Hindi rin ako kasinlakas tulad ni Nimrod. At mas lalong hindi ako kasintalino nina Jace at Aya. Pero bakit ako?

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon