Kabanata IX: Ang pagbabalik sa mundo ng mga mortal

62 4 91
                                    

IKASIYAM NA KABANATA: ANG PAGBABALIK SA MUNDO NG MGA MORTAL

C A S E Y  D E  L E O N

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ang tingin sa paligid. May busal ang bibig ko at nakatali ang mga kamay at paa ko. Mukhang nasa abandonado akong lugar at tanging isang ilaw lang sa taas ko ang nagsisilbing liwanag.

Fvck, bakit ako nandito?!

Sinubukan kong magpumiglas pero hindi ko magawang makawala. Masyadong mahigpit ang pagkakatali at wala akong sapat na enerhiya ngayon.

Sinubukan kong sumigaw para humingi ng tulong pero walang tunog na lumalabas mula sa bibig ko.

Fvck.

"Alvaro," nanghihina kong bulong sa isipan ko at pumikit. Tagaktak ang pawis ko dahil mainit sa silid na ito. May maliit na butas sa bintana at kita mula rito na madilim na.

"Binibini," narinig ko ang isang pamilyar na boses kaya napamulat ako. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa harap ko si Alvaro na may seryosong itsura.

"Alvaro? Ikaw ba ang may pakana nito? Paano ka napunta rito?" 'Yan ang mga gusto kong itanong pero hindi ko magawa dahil sa panyo na nasa bibig ko. Bahagya siyang lumapit sa akin kaya bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot.

Anong gagawin niya? May balak ba siyang patayin ako?

Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay may narinig akong mga yabag mula sa labas ng kinatatayuan ko. Malakas ang tunog nito at mukhang tumatakbo. Pigil-hininga kong pinapanood ang susunod na pangyayari habang iniisip na maaaring katapusan ko na ngayon.

Marahas na bumukas ang pinto sa pamamagitan ng pagsipa at bumungad sa akin sa isang hinihiningal na lalaki.

Kuya Nicholai?

Bigla akong nagising nang kalabitin ako ng kaklase ko sa likod. Inangat ko ang tingin ko at inilibot ang tingin sa silid. Nasa classroom nga pala ako natulog. Dalawang oras yung vacant namin ngayon para raw sa "free time" bago ang panibagong subject ngayong araw. Naisipan kong matulog imbes na gumala sa baba kasama sina Charmaine. Nakakatamad, eh. Buti nalang at nandito si Kane para samahan ako. Ang bait talaga.

Wait, ano nga bang napanaginipan ko?

Kinunot ko ang noo ko at tumungo habang inaalala ang panaginip ko kanina.

Ah. That's weird. That's really weird!

Paano napunta si Kuya Nicholai sa panaginip ko? Is he going to save me? Paano si Alvaro? Siya ba ang may pakana nito?

"May problema ba, Casey?" nag-aalalang tanong ni Kane habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko kaya iniwas ko ang tingin ko at muling nilibot ang paningin sa paligid. Bukod kina Aya at Nimrod na nagmumuni at parang walang pakialam sa mundo, kami lang ni Kane ang nandito sa room ngayon.

Bumukas ang pinto at pumasok sina Charmaine na may dalang pagkain at nagtatawanan.

"Ano 'yan?" nakalumbaba kong tanong at itinuro ang hawak ni Charmaine sa kaliwang kamay.

"Veggie salad," natatawa niyang tanong at inilagay sa desk ko ang tupperware na puno ng ganito.

Ngumiwi ako.

"Para sa'yo talaga 'yan," aniya pa at nagsitawanan ulit sila. Ang lalakas ng trip. Alam naman nilang hindi ako kumakain ng gulay.

"Ba't niyo binibigay sa akin 'yan?"

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now