Kabanata XLVI: Ikalawang perlas

26 3 85
                                    

IKAAPATNAPU'T ANIM NA KABANATA: IKALAWANG PERLAS

C A S E Y  D E  L E O N

"Binibini, maaari po ba akong umatras?" rinig kong tanong ni Charmaine habang nakaharap sa labas ng ring, sa gawi ni Ma'am Fiona.

Nakatayo si Ma'am Fiona sa mismong labas ng ring at nakapwesto sa gitnang bahagi ng dalawang mahabang lamesa. May hawak siyang mikropono at nakasuot ng pormal na damit. Kung hindi namin siya kilala, aakalain naming host siya sa isang tv show dahil na rin sa tindig at ekspresyon ng mukha niya.

Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng kilay niya habang nakatingin kay Charmaine. Pinanliitan niya ito ng mata bago magtanong, "maaari ko bang malaman ang iyong dahilan?"

"Pasensiya na po pero hindi ako maalam sa mga armas."

Kumunot ang noo ko at nakaramdam ako ng kaba dahil sa narinig. Kumpara kay Jace, higit na malakas si Charmaine. At kung sakaling sina Nimrod at Jace lang ang matira sa laban, sigurado akong dehado si Jace. 

"Paano ka nakasigurong gagamit kayo ng armas?" dagdag ni Ma'am Fiona na nagpabigat ng atmospera sa loob ng arena. O baka sa akin lang.

Tumahimik ang paligid at lahat ay tutok na tutok sa bawat kilos at mga sinasabi nila. Nakatapat pa rin sa kanilang tatlo, kina Charmaine, ang spotlight kaya hindi kami mapapansin kahit na nasa stage din kami nina Kane.

"Pasensya na po kung mapanghusga ako pero sa palagay ko po ay wala rin akong pag-asang manalo sa paligsahang ito."

"Kung gayon ay sina Jace at Nimrod na lamang ang magtutuos?" seryosong tanong ni Ma'am Fiona at itinuro sila gamit ang kanang kamay nang hindi sila tinitingan.

Nanlaki ang mga mata ni Charmaine at biglang napatingin sa bandang likuran niya kung nasaan ang dalawa. Saka niya lang siguro napagtanto na silang tatlo lang ang natitira. Alam kong hindi masama ang tingin niya kay Nimrod hindi tulad ko pero sa tingin ko ay natatakot din siya sa kalagayan ni Jace at gusto niya itong protektahan.

"Ah, ma'am. Hindi na po pala ako aatr--"

"Maaari ka nang umupo, Charmaine," pagputol niya sa sinasabi nito. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya dahil seryoso pa rin ang kaniyang itsura. Galit kaya si ma'am?

"Pero, bini--"

"Umupo ka na," mahinahon ngunit maawtoridad niyang utos.

Kinagat ni Charmaine ang kaniyang labi bago ulit lumingon sa bandang kanan sa likod kung nasaan si Jace.

"Sorry, Jace," rinig kong bulong niya at lumapit dito para tapikin ang balikat. Sinuklian siya nito ng isang inosenteng ngiti. 

Bumuntong hininga si Charmaine at tiningnan ang mga manonood bago tuluyang lumabas ng ring. Lumapit siya sa amin nina Sandra, Alexis, at Kane at humingi ng tawad.

"Ayos lang," ani ni Kane at tinapik siya sa balikat habang nakangiti para pagaanin ang kaniyang loob, "naiintindihan namin. May mga bagay talaga na maaari tayong sumuko kapag alam nating hindi natin kaya. At least handa ka pa ring lumaban noong nalaman mo na sina Jace at Nimrod lang ang maglalaban."

Bahagyang napangiti si Charmaine sa sinabi niya. Samantalang ako, napayuko at napaisip.

A real queen can accept defeat. But if she feels there's no other way, she's willing to risk her life. And she knows to admit her mistake.

She's a real queen indeed. She deserves a crown.

Hindi ako gaanong nagulat noong sinabi niyang gusto niyang umatras sa labas. Lahat ng bagay ay may rason at naniniwala ako roon. There might be a chance that she'll win this time, but it's also impossible at the time. Her fate is on the last pearl, the pearl of throne.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now