Kabanata XI: Arnis

62 5 107
                                    

IKALABING-ISANG KABANATA: ARNIS

C A S E Y   D E   L E O N

Mataas ang sikat ng araw kung ikukumpara sa mga nagdaang araw. Nakakapaso ang init ng temperatura at wala na ang mga puno na nakapalibot sa school. Maski ang field ay natuyo rin. Ang iba't ibang building ay parang abandonadong gusali dahil sa wasak nitong itsura sa labas. Ibang-iba ang itsura ng school noon kaysa sa nakikita ko ngayon. Masama ang kutob ko.

Anong nangyari? Tapos na ba ang lahat?

Tumingala ako at nagulat nang makitang ang iba't ibang kulay ng usok sa langit.  Kakulay nito ang mga perlas na nakita ko noong isang araw. Kakulay nito ang mga varsity jacket ng mga estudyante sa Special class.

Anong ibig sabihin nito?

Wala pang ilang segundo, binalot ng maitim na usok ang paligid na nagmula sa isang babaeng nakatalikod at may suot na  pulang baro't saya. Naka-bun ang makapal niyang buhok at balingkitan ang kaniyang pangangatawan. Nakataas ang dalawa niyang kamay at dito nagmumula ang mga itim na usok. Kilala ko ba siya? Isa ba siya sa amin? O siya yung tinutukoy ni Kuya Nicholai na si Regina?

Bigla akong nakarinig ng pagsabog mula sa kalangitan kaya napatingala ako roon. Naghalo-halo ang iba't ibang mga kulay at parang nag-gi-glitch ang kalangitan at may lumabas na mga puting usok na parang mga kaluluwa.

Lalo akong nakaramdam ng takot sa nasaksihan. Kung hindi ito totoo, gusto ko nang magising. Wala akong kasama bukod doon sa babae kaya lalo akong pinagpawisan at bumilis ang tibok ng puso ko.

Sinubukan kong igalaw ang mga katawan ko pero para akong nasa isang sumpa. May tali na nakabalot sa buong parte ng katawan ko na hindi nakikita at ito ang pumipigil sa akin na gumalaw.

"Sino ka? Anong kailangan mo? " matapang kong tanong habang masamang nakatingin sa babae mula sa malayo at nasa harap ko. Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang patay na siya. Imbes na sumagot, humalakhak siya at mas lalong itinaas ang kamay, dahilan para lalong kumapal ang usok at hindi na ako makakita. Umubo ako at pumikit. Nanikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Mukhang may lason ang usok na inilalabas niya. Parang sinasakal ako sa leeg kahit na wala akong nakikitang tali.

Alvaro... 

Hindi ko alam kung ano ang pumasok ko at naisip ko ulit siya. Hindi ko alam kung nasanay na ako na siya ang tagapagbantay ko o may iba pang dahilan pero...

"Binibini." Agad kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko siya sa harapan ko. Imposible. H-How in the world--?!

"Casey. Casey!" Napabangon mula sa pagkakahiga nang alug-alugin ako ni Sandra ng ilang beses. Habol-hininga akong tumingin sa paligid at sinuri ang mga kamay at paa ko. Maayos pa naman. Humihinga pa ako.

"Casey, ayos ka lang? Mukhang binabangungot ka." Bahagyang kumunot ang mukha ni Alexis sa sinabi ni Sandra.

"Pero 'di ba bihira lang daw managinip ang mga tao sa lugar na 'to? Impos--"

"Please don't tell them," pagputol ko sa sasabihin niya at hinawakan ang kanan niyang braso para magmakaawa. Naalala ko ang sinabi ni Sir Gelo na ituring daw naming kayamanan ang panaginip at huwag ipagsasabi sa iba dahil ang mundo ay puno ng kasakiman.

Then...should I tell Alvaro? 

But how would I know whether I can trust him or not? He seems mysterious. And I still don't know why and how he appears in front of me whenever I call him. I think I can trust Kane, Charmaine, or even Kuya Nicholai instead of him. Or my sister, ate Wilma. Or maybe my grandma?

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora