Ikatatlumpu't isang kabanata

40 4 90
                                    

C A S E Y  D E  L E O N

Lumipas ang mga araw at natapos na ang training namin sa arnis. Halos tatlong linggo na lang din ang natitira bago maganap ang "battle" dito sa school kung saan mabibigyan na kami ng kani-kaniyang uniform at malaman na kung sino ang magmamay-ari ng mga perlas.

Ang bilis ng panahon. Hindi ko namalayan na magda-dalawang buwan na kami rito.

Kung hindi kami lumipat ng school, malamang sportfest na namin ngayon. Sayang.

"Sandra, ikaw na!" ani ni Lulu na nasa tabi niya at kinuha ang bote na nasa gitna naming lahat.

Naglalaro kami ngayon ng spin the bottle sa room habang nakaupo sa lapag maliban kay Lulu. Siya lang ang nakaupo sa upuan dahil ayaw niya raw umupo sa sahig. Nandito rin si Alvaro dahil hindi raw kami mababantayan nina Ma'am Fiona.

Bago kami magsimula kanina, sinabihan kami ni Ma'am Fiona na sa pagkakataong ito ay kailangan naming mas kilalanin ang isa't isa. At ang values naman daw na kailangan naming matutunan ay Honesty, Understanding, at compassion.

Hindi ko nga alam kung paano namin matututunan 'yon, eh, wala naman kaming ginagawa bukod sa mga ganito.

"Truth ang gusto ko," kampanteng saad ni Sandra at nag-taas baba ng kilay. Umayos ng upo si Lulu sa silya at nakapangalumbabang tumingin sa kaniya.

"Tinanong mo na ba yung mama mo tungkol sa past niya? Yung sinabi ni Ginoong Ignacio na kamukhang-kamukha mo siya."

"Not yet. Mom is so busy these days. Bakit?"

"Wala lang. Interesado lang kami," nakangusong tanong ni Lulu at parang hindi natuwa sa sagot ni Sandra.

Katulad sa kinikilos ni Sandra nitong mga nakaraang araw, parang may kakaiba rin kay Lulu. Pero baka hindi naman katulad ng kinatatakutan ko. Baka mapapagkatiwalaan ko pa rin sila sa kabila ng mga nangyayari sa amin ngayon.

"Kuya Alvaro, alam mo ba ang tungkol doon? 'Di ba matagal ka na raw sa mundong ito katulad ni Kuya Nicholai? Anong pagkakakilala mo kay mom?" biglang pagbaling ni Sandra kay Alvaro na nasa tabi ko.

"Sa palagay ko'y mag mainam kung siya mismo ang iyong tanungin," seryosong saad ni Alvaro na nagpabaling sa atensyon naming lahat.

"Why is that?"

"Mas maganda kung sa kaniya mismo manggagaling ang katotohanan."

Bahagyang kumunot ang noo ni Sandra. Maski kaming lahat ay naguluhan na nandito ay naguluhan. Nakagawa ba ng history si Tita Scarlett? Pwede kaya naming tanungin si Sir Gelo tungkol doon?

"What do you mean? Katotohanan?"

"Next!" biglang sigaw ni Lulu para putulin ang tensyong namumuo sa pagitan namin. Hindi pa man kami nakakapag-react ay muli na niyang inikot ang bote.

Ilang segundo itong umikot hanggang mapadpad sa pwesto ni Jace na nasa tabi niya. Tumigil sa pag-ikot ang bote at tumapat ang dulo nito kay Alvaro. Nice.

"Ginoong Alvaro, ikaw naman po," nakangiting sambit ni Jace at kinuha ang bote.

"Truth or dare?" tanong ni Alexis. Hindi
sumagot si Alvaro kaya sumulyap ako sa kaniya na nasa tabi ko.

"Kuya Alvaro?" pag-uulit ni Alexis, "truth or dare po?"

"Uy, truth or dare daw," pagsiko ko sa kaniya.

"Verdad." (Truth)

Halos matumba ako sa kinauupuan ko dahil sa sagot niya Langya, hanggang dito ba naman?! Kaya pala hindi siya sumasagot dahil kay Alexis dahil ako ang nagtanong gamit ang Ingles ay Spanish ang isasagot niya. Pilosopo talaga.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now