Kabanata LXI: Ang pagmamahal

18 4 114
                                    

IKAANIMNAPU'T ISANG KABANATA: ANG PAGMAMAHAL

C A S E Y D E L E O N

Ang init! Bakit walang bentilador dito?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at bumungad sa akin ang isang bahagyang nakabukas na bintana na may grills. Siningkit ko ang mga mata ko at inaninag ang panahon sa labas. Maliwanag at mukhang maaraw.

Medyo malaki ang silid kung nasaan ako pero tanging upuan, isang sirang lamesa, at isang maliit na cabinet lang ang gamit na meron. Beige ang kulay ng dingding at maaliwalas ang kabuuan ng lugar dahil sa liwanag na nagmumula sa chandelier at sa labas ng bintana.

Magpapaypay sana ako gamit ang kamay ko pero natigilan ako nang hindi ko maigalaw ang mga kamay kong nakalagay sa likod. Sinubukan ko itong hatakin pero hindi ko nagawa dahil nakagapos pala ako.

What the??

Kunot noo kong tiningnan ang sitwasyon ko ngayon. Nakaupo ako sa isang monobloc chair at nakagapos din ang mga paa. May busal ang bibig ko at natatakpan ng ilang hibla ng buhok ko ang mukha ko. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis mula sa noo ko hanggang sa leeg at katawan kaya hindi ko maiwasang maasiwa at mainis.

I am kidnapped... again?! Fvck.

Parang kilala ko na kung sino ang may gawa nito. Wala na bang ibang alam gawin si Regina kundi dakpin ako? Langya!

Naawa pa yata siya sa lagay na 'to dahil mas maayos na ang lugar kumpara noong una niya akong dinakip.

Yumuko ako at pinagmasdan ang kalagayan ko. Bukod sa pagkakatali sa akin, wala akong nakitang kahit isang sugat o galos manlang. Mukhang hindi ako gaanong pinahirapan.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may tumunog mula sa bandang likuran ko. Tunog iyon ng pagbukas ng pinto na gawa sa kahoy.

"Gising ka na pala, binibini." Nagulo ang buong sistema ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Bukod sa mga guro, isang tao lang ang kilala kong tumatawag sa akin ng ganoon. Is he the one who kidnapped me?

Narinig ko ang papalapit na yabag mula sa likuran ko hanggang makarating siya sa gilid ko. Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko hanggang sa makita ko nang malinaw nilalang na nakatayo sa harap ko. Si Alvaro.

Lumubog ang puso ko sa nakita . Kahit na siya ang taong inasahan kong darating dahil sa boses na narinig ko, hindi ko pa rin maiwasang magulat at masaktan. Akala ko ba ang trabaho niya ay protektahan ako?

"A-Anong ginagawa m-mo rito?" kinakabahan kong tanong at pilit na lumunok. Bigla akong nakaramdam ng lamig dahil sa kaba.

"Malapit nang matapos ang lahat." Lumunok ulit ako at huminga nang malalim. Pilit kong itinago ang takot sa mga mata ko. Sinubukan ko ring iwasan ang panginginig ng katawan ko para ipakitang hindi ako natatakot.

"What do you mean?" nagtatapang-tapangan kong tanong at diretsong tumingin sa mga mata niya. Bumalik na naman sa pagiging walang emosyon ang mga mata niya at hindi ko na naman mabasa.

Pinagmasdan ko nang mabuti ang itsura niya. Magulo ang kaniyang itim na buhok at malamlam ang mga mata. Medyo mas mapayat siya ngayon kumpara sa normal niyang pangangatawan. Iba rin ang tindig niya at mukha siya pagod. Gamit na gamit ba ang kapangyarihan niya kaya siya ganiyan?

Something's off. Malakas ang kutob ko. But I can't figure out what it is.

"Magagapi na ang inyong hukbo."

Nabalikwas ako sa kama at naghabol ng hininga. Mabilis ang tibok ng puso ko at namamawis ang noo, leeg, at likod ko. Ang init pero may bentilador naman. Dahil wala akong makitang pamunas ng pawis sa gilid ng kama, kamay ko na lang ang ginamit ko. Wala pang ilang segundo ay may naalala ako kaya napatingin ako sa kamay ko. Wala nang tali o kahit anong bakas ng pagkakagapos.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now