Kabanata LI: Ang mga alaala ni Casey

22 3 93
                                    

IKALIMAMPU'T ISANG KABANATA: ANG MGA ALAALA NI CASEY

C A S E Y  D E  L E O N

Few minutes felt like hours. Kahit paano ay nagkaroon ako ng kapayapaan at katahimikan dahil sa ginawa ni Alvaro. Sa ilang minuto ng pagdamay niya sa akin kahit hindi siya nagsalita, hindi ko namalayan ang unti-unti kong pagkalma.

Nang lumuwag na ang pakiramdam ko, lumuwag na rin ang kapit ko sa kaniya at unti-unting bumitaw. Pinunasan ko ang pawis sa noo at leeg ko gamit ang sleeve ng jacket na suot ko.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Alvaro nang mahimasmasan ako. Bahagya siyang yumuko para silipin ang mukha ko pero iniwas ko ito dahil sa kakaibang pakiramdam. It feels... weird.

Dahan-dahan akong tumango at saglit na sumulyap sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapansin ang itsura niya ngayon. Bumagay ang bangs sa hugis ng mukha niya tapos ang lakas din ng dating ng luma niyang kasuotan.

Gusto ko sana siyang purihin dahil bagay 'yon sa kaniya pero hindi ko magawa dahil hindi naman kaki close sa isa't isa. At mas lalong alam niya na naiinis ako sa kaniya dahil lagi ko 'yong pinaparamdam.

Kinagat ang labi ko dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. Nakatitig na pala ako sa kaniya at medyo malapit ang distansya namin sa isa't isa. Pareho kaming nakaupo sa sahig. Magulo na ang buhok ko at hindi na rin maayos ang itsura ko dahil sa naghalong pawis at luha. Samantalang maayos pa rin ang itsura niya maliban sa damit na nabahiran ng luha ko, sa may bandang balikat. Fvck, nakakahiya! Sana wala lang 'yon sa kaniya.

"Bakit ka pala pumunta rito?" pag-iiba niya ng usapan at nauna nang tumayo. Akala ko ay papagpagin niya ang suot niya pero inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nagtaka ako noong una pero tinanggap ko rin ito para makatayo na.

Bigla kong napansin ang distansya sa pagitan namin. Naaamoy ko na ang pabango niya dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Agad kong binitawan ang kamay niya at humakbang ng dalawa paatras. Umiwas din ako ng tingin at naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa pisngi ko. Sigurado akong namumula ang pisngi ko. Fvck.

"I-I'm just wandering around," mahinang sagot ko at muling pinunasan ang natitirang luha sa pisngi ko. Hindi pa rin pala ako komportable sa kaniya.

Buti nalang medyo madilim sa museyo kaya hindi halata ang itsura ko. Sumulyap ako kay Alvaro. Nakatayo pa rin siya at seryoso ang ekspresyon. Wala bang epekto 'yon sa kaniya? Bato ba ang puso niya at parang di siya nakakaramdam ng kilig o kahit anong kadalasang nararamdaman ng mga kabataan? O sadyang marunong lang siyang magtago ng emosyon?

"Hindi magandang ideya 'yan. Dapat ay nagpapahinga ka ngayon o nag-eensayo para sa kaganapan bukas."

"Who cares? I'm not able to win, anyway." Humalukipkip ako at ngumuso. Hindi ako bitter pero hindi ko maiwasang isipin na wala talagang espesyal sa akin kapag wala akong bantay na tulad ni Alvaro. Being an average student in a high standard society sucks.

Napalingon ako kay Alvaro nang makarinig ako ng mahinang tawa mula sa kaniya. Nakakspanibago dahil kahit tumingin ako sa kaniya ay hindi pa rin siya nagbabago ng ekspresyon. Malaya niya pa ring ipinapakita ang ngiti sa kaniyang labi 'di tulad ng dati na wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya.

"Anong nakakatawa? Akala ko ba hindi ka tumatawa? Bumalik lang ako mula sa kung saan mang lupalop ng mundo, naging ganiyan ka na agad. Anong nangyari sa'yo?" sunud-sunod kong tanong habang nakakunot ang noo.

"Napagtanto ko lang na mas madali mo akong nalalapitan kapag ganito ako."

"What?" Anong meron doon?

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now