Kabanata XXII: Regina

40 4 84
                                    

IKADALAWAMPU'T DALAWANG KABANATA: REGINA

T H I R D  P E R S O N  P O V

"Out of six, dalawa ang 'di nagbalik ng pera," ani ni Alexis habang nakaupo sa isang bench at nakanguso sa pwesto na pinanggalingan nila kanina. Pinunasan niya ang pawis na tumatagaktag sa kaniyang noo at leeg gamit ang puting bimpo.

Kakatapos lang nila ng social experiment kung saan binilang nina Sandra ang mga taong nagbalik ng pera at nag-angkin ng pera na hindi sa kanila. 

Hindi nila kasama ngayon si Casey dahil may pinuntahan agad ito pagkarating pa lang nila sa mortal world.

"Nimrod, hindi ka ba talaga tutulong?" inis na tanong ni Sandra habang nakatayo at may hawak na isang papel. Ito ang ginagamit niyang pamaypay dahil sa matinding init na nararamdaman.

"Para saan pa? Kahit ano namang mangyari, tutulungan pa rin natin sila," nakapamulsang saad ni Nimrod habang kumakain ng hotdog on stick gamit ang kanang kamay. Mula pa kanina ay nakatambay lang siya sa plaza at parang walang pakialam sa ginagawa ng mga kaklase niya. Ni hindi siya nag-abalang tumulong dahil sa tingin niya ay wala itong silbi

"Ayos lang 'yan. Para magkaroon naman tayo ng motivation na tulungan sila," may halong birong saad ni Charmaine habang hawak ang papel na pera na ginamit nila kanina sa social experiment, "ang saya kaya makakita ng mga mababait na tao. Nakakataba ng puso. Tsaka tayo rin naman ang makikinabang sa huli kapag nagawa natin ang misyon natin." 

"Pero may point din si Nimrod," nagtaas-baba ng kilay si Lulu habang nakatingin sa kaniyang phone.

"Maka-agree ka, Lulu. Ni hindi ka nga rin tumutulong sa amin!" reklamo ni Sandra at ipinagkrus ang kaniyang mga braso habang nakatingin sa kaibigan.

"What can I do? Ngayon nalang ulit ako nakapag-phone. Bawal kasi sa academy ang gadgets. And guys, dito lang may wifi!" conyo niyang sigaw na parang isa 'yong napakalaking balita.

"At minsan lang din tayo pupunta rito para mag-social experiment! Ngayon lang!" sagot pabalik ni Sandra at tinapatan ang boses ni Lulu. Ginaya na rin ang accent nito kaya nagmake face si Lulu sa kaniya.

Bumaling si Sandra sa gawi ni Nimrod at lalo siyang nakaramdam ng inis.

"Ni hindi ka rin nag-alok na kumain. Ang sama talaga. Tss," irap niya.

"Pumalit ka na ba kay Casey na kaaway ni Nimrod?" natatawang tanong ni Alexis kay Sandra, "at bakit parang inis na inis ka ngayon? Anong meron?"

"Tama na 'yan, guys," pag-awat ni Kane at pumagitna sa kanila bago tumingin kay Charmaine habang nakangiti, "may isa pa tayong gagawin."

"Ano?" tanong ni Jace at tumayo sa kaniyang kinauupuan, sa tabi ni Lulu. Pinagpag niya ang likod ng kaniyang pantalon at umayos ng tayo.

"Pupuntahan natin si Mang Isko. Tutulungan natin siyang magtinda," sagot ni Charmaine at nakangiting kinuha ang kaniyang backpack na nakapatong sa bench kung saan nakaupo si Nimrod.

"What?!" bulalas ni Lulu at gulat na napatingin sa kaniya.

"Basta, tara na!"

Ilang minuto silang naglakad papunta sa maliit na bahay na tinitirhan ni Mang Isko. Nasa squatter area ito at hindi maiikakailang luma na ang bahay niya. Medyo makitid ang kalsada at magkakatabi ang mga bahay na karamihan ay gawa sa kahoy at yero.

Pagkarating ng magkakaklase roon, nadatnan nilang abala sa pag-aayos ng paninda si Mang Isko, kasama ang kaniyang apat na anak. Nakabukas ang pinto ng kanilang bahay at magkakatabi silang nakaupo sa isang mahabang upuan. May mga tupperware ng fishball, fries, at iba't iba pang street food. May ilang garapon din ng sawsawan at maraming barbeque stick.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now