Ikatatlumpu't apat na kabanata

35 4 67
                                    

C A S E Y  D E  L E O N

It's so boring. Akala ko maraming adventure kapag napunta kami sa paaralang ito, hindi pala. Ilang beses lang kaming nag-lesson at halos puro free time na. At ang malala pa roon, sa tuwing nagkakaroon ako ng 'adventure', nalalagay sa peligro ang buhay ko. Jusko, buti na lang at laging dumarating si Alvaro. May tracker yata talaga siya sa tuwing kailangan ko ng tulong. Nakakapagtaka lang dahil nahahanap niya pa rin ako kahit hindi ko suot ang kwintas. Pero dahil sumasakit ang ulo sa tuwing naiisip ko iyon, pinipili ko na lamang na magtiwala sa kaniya. Hindi naman siguro ako gugustuhing ipahamak ni Lola Shanta.

Ako lang yata ang nagsasayang ng oras sa amin. Kasalukuyan kong inaayusan ng buhok ngayon si Aya habang nagbabasa siya ng libro sa gymnasium. Noong una ay si Charmaine o Lulu dapat ang aayusan ko ng buhok dahil mahaba ang buhok nila pero pareho silang tumanggi sa kadahilanang abala sila sa pag-eensayo. Ilang araw na lang kasi ang bibilangin bago maganap ang pagsusulit para malaman kung kanino mapupunta ang apat na perlas.

"Sandra, ayos ka lang?"rinig kong tanong ni Charmaine na katabi ko. Kinaway niya ang kaniyang kamay sa harap ng mukha ni Sandra para kuhanin ang atensyon nito. Ito ang pinagkaka-abalahan niya ngayon, ang makipag-usap sa mukhang problemado naming kaibigan.

"Bakit naman hindi?" walang emosyong tanong nito habang nakabusangot.

Umupo siya sa tabi nito at nag-abot ng isang energy drink.

"Ewan ko. Siguro stressed ka rin dahil sa mga nangyayari?" hindi siguradong sagot ni Charmaine at bumaling sa kaniya. She's right. Sa lahat ng mga kaklase ko, sila ni Lulu at nahahalata kong problemado. Sa kabila nito, kitang-kita ko sa mga mata nila ang determinasyon, isang pag-uugali na itinuro ni Ma'am Fiona. Hindi ko lang alam kung magandang bagay iyon o hindi.

Wala ngayon sa gymnasium ang mga lalaki dahil sinabihan sila ni Ma'am Fiona na pumunta sa clinic ngayon para magpa-check up. Kakatapos lang namin kanina at mabuti nalang ay maayos ang kondisyon naming lahat, maliban kay Sandra. Mataas ang blood pressure niya at hindi namin alam kung bakit. Nag-alok pa si Ma'am Fiona kanina na ipagamot siya kay Alvaro pero tumanggi siya.

"Kung inutusan ka at hindi mo alam kung bakit, susundin mo ba ito?" blangkong tanong ni Sandra kaya napalingon ako sa kaniya at napatigil sa pag-aayos ng buhok.

"Depende," kaswal na sagot ni Charmaine, "pero paanong utos ba?"

"Kunwari--" Napatigil si Sandra at umiling-iling, "nevermind."

Nagkatinginan kami ni Charmaine sa inasta niya.

"Bakit? Nakausap mo na ba ang mama mo tungkol sa nakaraan? Yung binanggit ni Ginoong Ignacio?" may halong kuryosidad na tanong niya.

"No," ani nito at umiwas ng tingin. Tiningnan ko siya nang maigi. Bakit pakiramdam ko ay may tinatago siya sa amin?

"Guys, pupunta muna ako sa library. Kailangan kong mag-aral," pag-iiba niya ng usapan at bumaling sa amin. Pero bago pa man kami magsalita, nauna na siyang tumayo at umalis.

•••

"Mga bata, salamat sa pagpunta," panimula ni Ma'am Fiona at nginitian kaming lahat,  "Ilang araw nalang at hindi ko na kayo tatawaging ganito. Sa oras na magkaroon kayo ng kani-kaniyang uniporme, doon na kami magbabase. At pagkatapos ng lahat ng ito, katulad ng ipinangako, babalik na kayo sa dati ninyong pamumuhay."

"Is that fvcking real?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko mapigilang mapatili sa sobrang saya dahil sa narinig. Finally, I can live my old life again! Parties, drinks, cutting classes, etc. As long as I can enjoy my last year of high school.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now