Kabanata XLVII: Ang tunay na intensyon

21 4 78
                                    

IKAAPATNAPU'T PITONG KABANATA: ANG TUNAY NA INTENSYON

C A S E Y D E L E O N

"Tatlo... dalawa."

Sa bawat bilang ni Ma'am Fiona ay patindi nang patindi ang kabang nararamdaman ko. Lalo pa itong nadagdagan dulot ng pulang spotlight at dumadagundong na tunog ng tambol na isa sa mga dahilan ng pagkasira ng katahimikan sa loob ng arena. Kasabay rin ng bawat pagtambol ang malakas na pintig ng puso ko.

Kailan ba matatapos ang araw na 'to? O baka hanggang ngayon na lang talaga ang araw at wala nang kasunod? Fvck, 'wag naman sana.

Inilibot ko ang tingin sa paligid ng ring para tingnan kung may medics ba o kung anong backup para sa emergency pero laking dismaya ko nang wala akong makita ni isa.  Prank lang ba talaga 'to? Hindi na talaga ako natutuwa!

Nagsalubong ang kilay ko nang biglang makitang si Sir Jorge na nakatayo na sa loob ng ring. Nasa pinakagilid siya at may hawak na nanchacku. Hindi ko namalayan ang pagpunta niya roon dahil nakatuon ang atensyon ko sa maaaring tumulong kay Jace kung sakaling masaktan siya.

"Isa," huling sambit ni Ma'am Fiona bago siya pumito, hudyat na simula na ang laban. Nagpigil-hininga ako habang tutok na tutok sa mga mangyayari. Kahit na medyo malapit kami nina Charmaine sa mismong ring, pakiramdam ko ay sobrang layo ko dahil wala akong magawa para itigil ang laban sa pagitan nina Nimrod at Jace.

Inasahan kong susugod na agad si Nimrod sa simula pa lang pero hindi iyong nangyari. Sa halip, mariin niyang tiningnan si Jace habang nakangisi. Mukhang pinag-aaralan niya ang kilos at ekspresyon nito.

Sa totoo lang, hindi ko pa rin maintindihan kung paano siya nakarating sa finals. Aminado akong matalino siya at maraming alam pero akala ko dati ay wala 'yong saysay rito dahil values school 'to at hindi pangkaraniwang paaralan. Isa pa, sa itsura niya pa lang ay mukha na siyang masama. Mapanghusga ako sa parteng iyon pero 'yon talaga naman talaga ang totoo at ang patunay ay ang paraan niya ng pagsasalita. Puro kahambugan ang lumalabas sa bibig. Kainis.

Para mabawasan ang inis na nararamdaman ko, inilipat ko ang tingin ko kay Jace at sa kamay niyang nakahawak sa isang arnis. Hindi ito mahigpit 'di tulad ng paghawak ni Nimrod sa latigo pero mukhang dito siya humuhugot ng lakas. Napansin ko ring medyo siningkit niya ang kaniyang mga mata habang nakaharap sa kalaban. Ang labo talaga ng mata niya. Paano niya naman masusubaybayan ang bawat kilos ni Nimrod?

Akala ko ay gagaan ang loob ko kahit paano kapag tiningnan ko ang maamo niyang mukha pero lalo lang pala akong maiinis dahil naalala ko na naman na wala siyang pag-asang manalo kung pisikal na lakas ang pag-uusapan. Katamtaman lang ang laki ng kaniyang katawan pero halatang kulang siya sa ehersisyo at enerhiya. Mukhang lagi siyang napupuyat sa pag-aaral at hindi niya napagtutuunan ng atensyon ang iba pang bagay.

How to unsee? Darn!

Maya-maya'y nagsimula na silang gumalaw. Dahan-dahan silang naglakad paikot at tila nagpapakiramdaman. Bawat hakbang nila ay nagiging dahilan ng lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa telebisyon pa nga lang ay hindi na ako makapanood ng boxing at wrestling, ngayong live pa kaya? At higit sa lahat, kaibigan ko pa ang isa sa mga makikipaglaban na alam ko ang kakayahan. Ang hirap!

Ano ba talagang binabalak gawin ng Keepers Academy para sa battle na 'to? Mas ayos pa yung unang paligsahan kung saan may teamwork, eh!

"I don't want to fight with the weak people like you," mapang-asar na saad ni Nimrod at humigpit ang hawak sa latigo. Aba't--!!

"But I guess I have no choice." Suminghap ako at kinuyom ang kamao ko dahil sa tinuran niya. Kung nakamamatay lang ang kahambugan, malamang matagal na siyang pinaglalamayan. Pero hindi ako sasama sa lamay niya. Tsk.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon