Ikatatlumpu't dalawang kabanata

36 4 71
                                    

C A S E Y  D E  L E O N

"Ilang taon na kayo?" tanong ni Sandra kay Hera habang pareho silang nakaupo sa sari-sariling kama.

Papikit-pikit ko silang pinapanood habang nag-uusap. Inaantok na ako ngayon. Napilit lang kasi ako ni Sandra na gumising kahit hatinggabi para lang makipag-usap sa roommates namin. Maski si Alexis ay ginising lang din pero halatang gusto niya ring makipag-usap kina Jennie at Hera. Ako lang yata ang hindi interasado dahil sa sobrang antok. Bakit hindi na lang kasi bukas mag-usap-usap? Tss.

"Labinsiyam po," sagot ni Hera.

"Labinwalong taong gulang po ako," ani naman ni Jennie at ngumiti. Kumunot ang noo ko sa narinig. Paano nangyaring teenager pa lang sila ngayon?

Sa pagkakaalam ko ay matagal na sa paaralang ito sina Jennie at Hera. Gusto ko pa sanang makinig sa kinukwento nila kaso sayang ang oras ng pagtulog ko. Isa pa, hinihila na ako ng kama at gustung-gusto ko na talagang matulog. Maaga pa ulit kaking gigising bukas.

"Pwedeng 'wag na kayong mag-po sa amin? Magkakasintanda lang naman pala tayo," natatawang saad ni Sandra habang nakapatong ang isang unan sa hita niya. Saglit ding napatawa sina Hera at Jennie habang nakatingin sa isa't isa.

Ang galang naman ng mga batang 'to. Porque hindi ka-close ay gumagamit na ng "po" at "opo". Samantalang ako na mas bata kay Lola Shanta at sa mga guro at kahit kakilala ko sila ay hindi ko ginagamit ang mga iyon. Ang bastos ko naman talaga.

"Good night," inaantok kong saad at muling nahiga ng kama. Magtatalukbong na sana ako ng kumot nang bigla itong hilahin ng isang tao. Kunot noo ko itong tiningnan at nakita ko ang nakapameywang na si Sandra.

"Huwag ka munang matulog. Pagbigyan mo na kami, minsan lang 'to," aniya at ngumuso, "napansin ko kasing minsan lang tayo nag-uusap-usap dahil may kani-kaniya tayong mga klase. Tapos halos dalawang buwan na rin natin silang room mates, ni hindi manlang natin sila nakilala. Sacrifice your sleep just for tonight, please."

Bumuntong hininga ako at pakurap-kurap pa rin ang mga mata habang nakatingin sa kaniya.

"Fine. Magsalita kayo at makikinig ako," ani ko at humikab bago umupo. Mabigat ang katawan ko pero pinilit ko pa rin ang sariling umupo at imulat ang mata. Darn. Sacrifice, my ass.

Pipikit na sana ulit ako habang nakaupo pero biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Alvaro kaninang hapon. Dahil doon, kahit paano ay nagising ang diwa ko.

"Kung sa simpleng bagay ay hindi mo na magawa, paano pa kaya kung malalaking bagay na? Hindi ito tungkol sa pagiging maganda ng paligid o ano. Tungkol ito sa pag-uugaling kailangan mong matutunan. Pagiging masinop at responsable"

Napaisip ako. So this thing isn't about wasting time just to get along with our roommates. It's about sacrifice and building relationships. Small things that I don't usually notice.

"Elementary ba kayo noong una kayong pumunta rito?"

"Hindi. Ikalabindalawang baitang din."

"Ha?/ Ano?" magkakasabay naming tanong nina Alexis at Sandra at bakas sa mga itsura namin ang gulat.

"Ang isang araw sa lugar na ito ay katumbas ng isang taon ng mga mortal."

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now