Kabanata XIX: Si Regina

37 4 79
                                    

IKALABINSIYAM NA KABANATA: SI REGINA

C A S E Y  D E   L E O N

"Hayop ka, Nimrod! Wala kang puso!!" nanggagaliiting sigaw ni Sandra at dinuro ang gawi ng bintana kung saan lumabas si Nimrod. Malakas niyang sinipa ang bolang nakakalat sa sahig dahil sa inis. Ang lakas niya, ah.

Kinuyom ko ang kamao ko at ramdam ang pamumuo ng galit. Akala ko noong una papansin lang si Nimrod at hambog. Hindi ko inakalang makasarili rin pala. Ganiyan ba talaga kasama ang ugali niya?!

"Never trust a traitor." 'Yan ang natutunan ko matapos kaming iwanan ni Nimrod dito sa loob. Mukhang sinara niya nang maayos ang bintana dahil hindi namin ito mabuksan. Ayaw niya talaga kaming palabasin. Sa madaling salita, lahat ng bagay ay kumpetisyon para sa kaniya. 

Bwisit talaga siya! 'Wag lang siyang magpakita sa akin dahil bibigwasan ko talaga siya!

"Kalma, guys. May isa pa namang pinto," pagpapakalma ni Charmaine at inakbayan kami ni Sandra, "doon nalang tayo dumaan."

Nagkatinginan kami ni Sandra at parehong sumimangot. Naiinis pa rin kami 'di tulad ni Charmaine.  Pero sa huli, wala kaming ibang ginawa kundi sumunod sa kaniya.

Nilapitan naming lahat ang pinto na nakita namin kanina. Sa bandang taas ng doorknob ay may nakalagay na "NAANSGASPUOSOIL".

"What the fvck is this?" kunot-noo kong tanong habang nakatingin sa papel.

"Baka code or something?"

"Morse code? Char," biglang saad ni Aya at mahinang tumawa kaya gulat kaming napalingon sa kaniya. Nakakagulat dahil minsan lang namin siya marinig na magsalita at sa minsang iyon, biro pa ang sinabi niya. Nahihiya siyang ngumisi sa amin at itinikom ang bibig.

"Hindi 'yan morse code, puro letra, eh," ani ni Jace.

"Baka A=N, B=O, etc.?" hindi siguradong saad ni Kane at sinubukang i-decode ang bawat letra.

"NAANSGASPUOSOIL. ANNAFTNFCHBFBVY. Anna... it doesn't make sense," bagsak-balikat niyang saad at tumingin sa amin.

"NAA NSG ASO UOS OIL. Nnauo assoi... hindi rin," ani naman ni Charmaine at sumimangot.

"Ah! Baka yung parang katulad ng ginawa mo," lumapit si Jace sa papel at tiningnan ito nang maigi, "NA AN SG AS PU OS OI L, nasapoolangsusi. Nasa pool ang susi!" sigaw ni Jace at itinuro ang pool na nasa bandang kanan namin.

Wala na kaming sinayang na oras at tumakbo kami sa pool.

"Darn, sinong gustong lumangoy?" nakangiwi kong tanong habang nakatingin sa pool na puno ng basura. Tiningnan namin ang orasan at halos limang minuto nalang ang natitira.

"I don't," nandidiring sagot ni Lulu.

"Mag-maiba-taya kaya tayo?" suhestiyon ni Alexis at inilahad ang likod ng palad niya. 

"'Wag na, sayang sa ors. Fine, ako na," ani ni Kane at kinuha ang isang goggle sa tabi nito. Hinubad niya ang damit na pantaas at lumusong na sa pool. 

"Wow, ang tapang," manghang komento ni Lulu habang nakatingin sa kaniya.

"That will happen if we don't preserve nature," mahinang saad ni Jace at tinanggal ang suot niyang salamin. Napatingin kaming lahat sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa pool habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya.

"At kailan ka pa naging concern sa kalikasan?" natatawang tanong ni Lulu. Malungkot na tumingin sa amin si Jace at kusang pumatak ang luha mula sa mga mata niya.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now