Kabanata XV: Math Class

51 3 106
                                    

IKALABINLIMANG KABANATA: MATH CLASS

C A S E Y  D E  L E O N

"Kuhanin mo na ang perlas," utos ng isang lalaking nakatalikod sa amin. Itim ang kaniyang suot at nababalutan siya ng itim na usok sa paligid. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko at lahat kami ay nakatali sa magkakahiwalay na poste na nakapalibot sa kaniya. Nasa iisang silid kami at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang isang maliit na bintana. Umaga na.

"Pinagkatiwalaan ka namin," saad ni Kane at bakas sa mga mata niya ang galit. Nasa harap niya ang lalaking nakatayo, samantalang nakatalikod naman iyon sa akin.

Makikita ko na ba kung sino ang may pakana nito? Sino ang tinutukoy ni Kane?

"Kasalanan niyo 'yan." Namuo ang galit sa dibdib ko nang sabihin niya iyon. So, kami pa ang may kasalanan dahil nagtiwala kami?!

Lalong sumama ang loob nang damputin niya ang iba't ibang kulay ng perlas na hinahawakan ni Charmaine. Nanginginig niya itong inabot sa lalaki habang umiiyak. 

Kinuyom ko ang kamao at bumigat ang paghinga ko. Kung panaginip 'to, ayoko munang maggising. Gusto kong malaman kung sino ang may pakana nito.

Nilingon ko ang mga kaklase kong nakatali. Wala sina Nimrod, Sandra, at Aya. 

Anong ibig sabihin n'yon? Nasaan sila?

"Sa wakas, hawak ko na ang mga perlas." Dahan-dahan niyang tinalikuran si Kane, ibig sabihin, magiging kaharap ko na siya.

Nanliit ang mga mata ko at inaninag ang mukha niyang natatapatan ng liwanag mula sa bintana. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita nang malinaw ang itsura niya. Wala siyang suot na maskara at kitang-kita ang bawat detalye ng kaniyang mukha.

Napaayos ako nang tayo dahil sa sobrang gulat. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko.

"Alvaro?"

"Casey, gising na. Male-late na tayo." Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Sandra na gumigising sa akin. Agad akong napamulat at napatingin sa taong tumatapik sa braso ko. Bumungad sa akin ang nakapameywang na si Sandra na may hawak na sandok sa kanang kamay.

"Tumayo ka na r'yan at kakain na tayo," aniya at tumalikod na. Humawak ako sa dibdib ko at muling inalala ang panaginip ko kanina. Ang sakit sa puso. Hindi ako makapaniwala.

Si Alvaro ba talaga ang traydor sa amin? Pero bakit ilang beses niya na akong iniligtas?

Umiling-iling ako at tumayo. Hindi ko na alam. Bahala na.

Tumayo ako sa hinihigaan ko at iniligpit ang kama. Kumakain na sa hapag-kainan sina Sandra at Alexis habang nagkukwentuhan nang umupo ako roon.

Makalipas ang mahigit isang oras,  pumunta na kami sa room sa second floor.

Halos dalawang linggo na ang nakalipas buhat noong nagpunta kami rito. Hindi weekly ang schedule namin kaya medyo nakakalito. Last week, Lunes ang Values subject namin, samantalang ngayon ay Wednesday na. Na-move daw next week ang school battle para makapag-ensayo pa raw namin kahit na hindi  namin alam kung anong dapat naming pag-aralan. "Just be ourselves" daw sabi ni Ma'am Fiona.

"Ano naman kayang gagawin natin ngayon?" bored na tanong ni Lulu habang sinusulatan ang kamay ni Sandra.

"Sana naman hindi na quiz," ani ni Sandra at ngumuso. Nagkwentuhan ang mga kaibigan ko habang naghihintay pagdating ni Ma'am Fiona pero hindi ko sila gaanong naiintindihan. Marami akong iniisip ngayon, lalo na si Alvaro. Kung dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan o hindi.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon