Kabanata XLII: Ang kaguluhan

39 5 84
                                    

IKAAPATNAPU'T DALAWANG KABANATA: ANG KAGULUHAN

C A S E Y D E L E O N

Pagkarating namin ng bahay, dumiretso ako sa papag para umupo. Hindi na muna ako nagbihis dahil hindi naman mainit at gusto kong sulitin ang pagsuot sa ganito kagandang damit. Simpleng baro't saya kasi ang ginagamit ko araw-araw. Maganda din naman ang mga iyon pero kapag ako ang nagsusuot, nagmumukhang basahan lalo na kapag napapawisan ako.

Samantalang kumuha siya ng upuan sa dining room at binuhat iyon papunta sa harapan ko, limang talampakan mula sa kinauupuan ko. Umupo siya roon at tumingin sa akin.

"So you are indeed a guardian?" pagkumpirma ko at tumango siya.

Inihanda ko ang tainga ko para makinig sa lahat ng sasabihin niya. Nandito na rin naman ako, ba't hindi ko pa gamitin 'to para makakuha ng sagot na kailangan ko 'di ba?

"Whay do you mean guardian? Are you...my guardian?"

Naguguluhan siyang tumingin sa akin at umiling.

"Hindi. Inatasan kami ni Kamahalang Rhiannon na panatilihin ang kapayapaan at katahimikan sa lugar na ito. Hindi mo ako tagapagbantay at wala kaming binabantayan na kahit sino."

"What?" Kung tagapagbantay siya ng lugar na ito, bakit sa future ay naging tagapagbantay ko na siya?

Huminga ako nang malalim at pinagkrus ang braso habang nag-iisip. Mas komplikado pa pala ang sitwasyon kaysa sa inaakala ko.

Fine. I'll just leave the question regarding the guardians. Lalo akong naguguluhan, eh.

"Imortal ka ba? May kapangyarihan?"

"Sa ngayon, hindi," pormal niyang sagot na para bang nasa isang job interview kami, "Hangga't nandito ako sa mundong ito, maaari akong tumanda ang mamatay. Saka lang ako hindi tumatanda kapag nasa teritoryo ni Kamahalan. May kapangyarihan ako ngunit hindi ko iyon maaaring gamitin sa lugar na ito."

"Ah, I get it. Sa Keepers Academy. Oo nga pala." Muntik ko nang makalimutan na bumabagal lang ang pagtanda at paglipas ng panahon kapag nasa school o nasa teritoryo ni Rhiannon.

"Keepers Academy?" nagtatakang tanong niya. Agad na kumunot ang noo ko.

Hindi niya alam ang tungkol doon?

Oh, right. Baka hindi pa napapatayo ang paaralang iyon sa panahong ito. Napapalo ako ng noo sa napagtanto. Common sense, please, makisama ka.

"Sinong kasama mong guardian?" pag-iiba ko ng usapan.

"Sina Nicholai at marami pang iba."

"Baki—"

"Ang bilin ni Kamahalang Rhiannon kanina ay dalhin ka sa kaniya. Alam niya ang nararapat na gawin," pagputol niya sa sinasabi ko. So, she's still the queen. How about Regina?

"But how?--este, paano?" Nauna akong umuwi sa kaniya kanina dahil sumaglit siya sa teritoryo ni Rhiannon. Hindi muna niya ako isinama dahil kailangan muna raw niyang mag-isip ng plano para hindi pumalya.

Gabi na ngayon at ang naririnig nalang sa labas ay ang tunog ng mga insekto. Sinara na niya agad ang mga bintana kanina dahil sa pag-uusapan namin. Kailangan naming mag-ingat ngayon dahil hindi kami sigurado kung may nakarinig sa amin.

"Bukas ng hapon, ihahatid kita hangganan ng bayan. Gagamitin mo ang kalesang pagmamay-ari ni Senyora Kamielle."

"Paano ko malalaman ang daan pagkalampas ng bayan?"

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang