Kabanata LXIII: Ang katotohanan

26 2 82
                                    

IKAANIMNAPU'T TATLONG KABANATA: ANG KATOTOHANAN

C A S E Y  D E  L E O N

"I am here to take what's ours."

Isang pangungusap lamang 'yon pero nabalot ako ng takot. Hindi ko pa man alam ang ibig niyang sabihin, kinutuban na ako ng masama.

"Wala nang makakalabas sa lugar na 'to," dagdag pa niya at ngumiti nang nakakapanindig-balahibo. Biglang kumalabog ang mga pinto, senyales na nagsara ang mga ito. Napalingon ako sa gawi nito at nakitang mahihirapan o hindi kami makakalabas.

Bigla kong naalala si Lulu kaya napatingin ako sa kaniya. Patuloy siyang umiiyak habang nakatingin sa best friend niyang si Sandra. She must be shocked right now. Lalo na't sa aming magkakaibigan, silang dalawa ang pinakamalapit sa isa't isa.

Tumingin ako kay Rhiannon at nag-abang ng gagawin niya ngunit hindi agad siya kumibo. Parang pinag-aaralan niya pa ang kilos ni Sandra.

Don't tell me she'll not do anything?

"Ano?"

"Walang masasaktan kung hindi kayo lalaban," mahinahon niyang saad na para bang scripted. Kung makaasta siya ngayon ay parang matagal na niya 'tong pinagplanuhan.

Gagalaw na sana ako sa pwesto ko nang bigla niyang itinaas ang mga kamay niya at may itim na usok na lumabas doon. Para itong isang hudyat dahil sa isang iglap ay may isang hukbong dumating. They all came out of nowhere and surrounded us. Nakasuot sila ng barong tagalog at may dalang mga sandata. Katulad nila ang aura nina Kuya Nicholai at Alvaro.

Si Sandra talaga ang traydor? Why didn't I see that coming?!

Kahit na masama ang ugali niya, may parte pa rin sa akin na hindi makapaniwalang magagawa niya ang bagay na 'to. Masyado na kaming maraming pinagsamahan para traydurin niya kami ng ganito.

Wait...

Rhiannon's attire, the venue, this scene... it's all familiar but I can't remember when I saw this.

Muli, tiningnan ko ang kabuuang lugar at pinilit na alalahanin ang pangyayaring 'to.

Right! It's on my dream!

Sa pagkakaalala ko sa panaginip ko, dehado kami sa kalaban. Ngayon na ba magaganap ang araw na 'yon? Bakit ba hindi ko napaghandaan?! Aanhin ko pa ang mga panaginip ko kung hindi ko naman magagamit?!

May ilan pang lalaking biglang lumitaw malapit sa kinatatayuan ni Rhiannon. Wala pang ilang segundo ay nagawa na nila itong lapitan at palibutan. Walang sali-salita'y inatake nila si Rhiannon at sapilitang kinuha ang isang perlas na hawak niya. Natumba ito sa sahig at nawalan ng malay. Nataranta ang lahat ng nasa loob. Nangyari na ang kinatatakutan ko. Hindi kami nakapaghanda.

Bakit ba kasi hindi kami gaanong tinuruang lumaban? 

Tanging mga pisikal na lakas at talino lang ang pwede naming gamitin. At sa parehong 'yon, dehado ako. Wala akong laban. Hinagilap ng paningin ko sina Alvaro at Kuya Nicholai. Pareho silang lumalaban sa ilang mga kalalakihan na sumusugod sa kanila. Gumagamit na sila ng kapangyarihan kaya iba ang kulay ng mga mata nila. Asul mata ni Alvaro samantalang itim naman ang kay Kuya Nicholai.  Dahil kapantay lang ng lakas nila ang lakas ng mga kalaban, mas napapagod sila. Lamang na lamang kasi ang bilang ng mga ito kaysa kanilang dalawa. 

Akala ko ba kalaban si Alvaro pero bakit...? Mali ba ang mga panaginip ko?

Nagulat ako nang may humablot sa braso nina Charmaine at Jace para kuhanin ang kwintas na nasa leeg nila. Akala ko ay papakawalan na sila pagkatapos pero mas dumami pa ang mga lalaking lumapit sa amin. Pinalibutan nila kami at sinabihang 'wag gagalaw. Inilagay ang mga kamay namin sa likod at hinawakan nang mahigpit.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now