Kabanata XLIX: Sandra Valentin

22 4 93
                                    

IKAAPATNAPU'T SIYAM NA KABANATA: SANDRA VALENTIN

S A N D R A  A N N I K A   V A L E N T I N

In the second battle, I realized how greedy I was when it comes to treasure and such. Isa sa mga tanong na lumabas sa maze ay tungkol sa kayamanan. At katulad ng sinasabi ng isip at puso ko, labag sa kalooban ko ang magbigay ng biyaya lalo na kapag pinaghirapan ang isang bagay. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung kanina ako nagmana.

Nandito ako ngayon sa parteng kakayuhan sa Keepers Academy para makipagkita kay mom. Gusto ko sanang pumunta sa room niya kaso nandoon din ang mama ni Lulu. Pribado ang pag-uusapan namin kaya gusto kong walang makarinig. I just want to make sure about certain things before deciding. I don't want to mess up this time. My mom won't like it.

Nakasandal ako sa isang mataas na puno habang pinagmamasdan ang payapang kapaligiran. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw kaya mas malamig ang temperatura sa lugar na ito. Pinapanood ko ang pagsayan ng at paglalagas ng mga dahon dulot ng hangin. Sa di kalayuan, naririnig ko ang huni ng mga ibon at mahinang pag-agos ng tubig mula sa ilog. Nakakakalma sa pakiramdam. Nakakawala ng pangamba.

Kiniskis ko ang mga palad ko habang naghihintay sa pagdating ni mom. 6 AM ang meeting time namin pero 5:45 AM pa lang ay nandito na ako.

Maya-maya'y may narinig akong mahihinang paghakbang at ang pagtapak sa mga tuyong dahon at maliliit na sanga. Sa bawat palapit nang palapit na tunog ay tila hinihigop nito ang kaluluwa. She's here.

Nanumbalik ang kaba sa dibdib ko. Kahit na tingnan ko ang mapayapang kapaligiran, wala na itong epekto dahil mas nangibabaw ang tensyon sa loob ko. Soon I saw a sophisticated woman walking towards me. She was wearing a red dress and holding a black purse. Her hair is tied into a bun and she's wearing a light makeup that compliments her outfit.

Sa lakad at tindig pa lang ay halata nang 'mataas' siyang tao. Siya yung tipo ng tao na hindi pwedeng suwayin dahil may kaparusahan ito. Ina ko siya pero may mga oras na pakiramdam ko ay isa ako sa mga tauhan niya. Marami kasi siyang pinapagawa sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan. She's Scarlett, my mom.

"Mom," bungad ko at umayos ng tayo. Lumapit ako sa kaniya para makipag-beso ngunit iniwasan niya ito. Napatikhim ako at napahakbang ng isa paatras. Kinagat ko ang ibabang labi ko at bahagyang yumuko. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Sa mga oras na ito, bakas na naman sa itsura niya ang pagiging maawtoridad. Parang hindi na naman anak ang turing niya sa akin ngayon kundi tauhan.

"Congrats on losing the second battle," aniya nang walang halong sarkastik. Napaangat ako ng tingin.

"Mom..."

"You know what to do, right?"

Suminghap ako at muling kiniskis ang dalawa kong palad para painitin ako. Ayoko nang madagdagan ang lamig na nararamdaman ko ngayon dulot ng malamig na temperatura na sinabayan pa ng lamig na nagmumula sa loob ko.

"Mom, a-about that,' nagdadalawang-isip kong saad, "may I aim for another pearl instead? I'm not sure if I'm not able to--"

"Trust me. You can do it," my mom cuts me off.

"But how? There's only one battle left before the final one. What if I missed both chances?" Nginitian niya ako bago hawakan ang kanang kong balikat na parang nagsasabing dapat ko siyang pagkatiwalaan.

I felt pressure and relief at the same time. Hearing that to my mom encourages me to do my best. But it also scares me because of the thought that I might screw it up.

The good news is the last pearl is the most powerful pearl one can own. On the other hand, the bad news is three to five of us might compete, since Aya, Lulu, Jace, and Nimrod are already out. If that's the case, there is a 33% to 55% chance that I can do it. Mababawasan pa ang tsansang 'yon dahil si Casey ang sinasabing nakatakdang magmana.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now