Kabanata IV: Sikreto

57 7 81
                                    

IKAAPAT NA KABANATA: SIKRETO

C A S E Y  D E   L E O N

Pagkarating namin sa tapat ng school na tinutukoy ni Alvaro, humiwalay agad ako sa kaniya para tumakbo palapit sa mga kaibigan ko na nakatayo sa may school gate kasama sina Ms. Sanchez, Sir Ken, at ang mga guardian nila.

"Kanina pa kayo?" tanong ko kina Lulu, Jace, at Kane, pagkalapit ko. Si Charmaine nalang ang kulang sa amin. Nandito na rin sina Alexis, Aya at Nimrod pero nakatayo sila medyo malayo sa amin.

"Hindi naman," sagot ni Kane. Sumimangot ako. Dapat pala sumabay nalang ako sa kaniya para hindi ako naburyo kanina sa paglalakad kasama si Alvaro.

"Paano niyo nalamang dito pupunta?" tanong ko pa sa kanila. Sa pagkakaalam ko, ako lang ang may tagapagbantay sa amin na tulad ni Alvaro. At mukhang may kakaiba sa kaniya pero hindi ko matukoy kung ano.

"Si papa ang nakakaalam," ani ni Kane.

"Ako, kuya ko," sagot naman ni Lulu.

"Ikaw, Jace?"

"Si ma'am ang sumama sa akin sa pagpunta rito. Alam naman nina papa kaya ayos lang."

"Buti pinayagan ka," ani ko at nagkibit-balikat siya at parang hindi rin alam kung bakit.


"Sayang, wala sina Sandra at Kelly," nakangusong saad ni Charmaine at bumuntong hininga. Sumang-ayon ako. Mas maganda kasi talaga kung kumpleto kami.

"Tawagan mo kaya?" suhestyon ni Kane.  Ngumiti ako at tumango bago kapain ang mga bulsa ng pantalon ko. Fvck.

Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko at impit na sumigaw.

"Shet, nawala yung phone ko!" Gulat silang napatingin sa akin. Alam kasi nila kung gaano ko ito iniingatan kahit luma na dahil ayaw akong ibili ng bago ni lola. Tss.

"Anong nangyari?" tanong ni Charmaine at kinuha ang backpack na nasa likod ko para tingnan kung nandoon ang phone ko.

"Si Alvaro kasi! Kainis," inis kong saad at ipinagkrus ang mga braso habang nakakakunot ang noo.

"Wala r'yan," ani ko at kinuha ang bag ko sa kaniya para isukbit ulit sa likod ko.

"Okay, students and guardians, mamaya na ulit kayo mag-usap," ani ni ng isang babae na sa tingin ko ay guro base sa suot niyang damit. Ilang beses siyang pumalakpak para pukawin ang atensyon naming lahat.

"Tumungo muna tayo sa mismong paaralan. Tara na!" masiglang saad niya na parang mga bata ang turing sa amin. Sinenyasan niya kami na magsama-sama sa gitna.

"Wait lang po, ma'am!" biglang saad ni Lulu kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Nakataas ang isang braso at tila kinakabahan.

"Ano 'yon, Shanaya? May problema ba?" pagsingit ni Ms. Sanchez sa usapan. Lumunok si Lulu, Blue Shanaya, at dahan-dahang ibinaba ang kamay at tumingin kung saan-saan.

"Ah— k-kasi—"

"Sandra?" gulat saad ni Charmaine na nasa harap ko. Kumunot ang noo ko nang mapansin nakatingin siya sa malayo, sa likuran ko.

Sandra? Wala naman siya rito, ah.

"Anong ginagawa mo rito?" dagdag niya pa kaya napalingon kaming lahat sa tinitingnan niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sandra na ngiting-ngiti at kumakaway habang naglalakad palapit sa amin. Hinihila niya ang isang bagahe gamit ang kaliwang kamay.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now