Ikatatlumpu't siyam na kabanata

38 4 103
                                    

C A S E Y  D E  L E O N

Nasaan ako?

Iyan ang unang tanong na pumasok sa isip ko pagmulat pa lang ng mga mata ko. Medyo madilim ang paligid at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang apat na ilaw na nakalagay sa apat na sulok ng bahay at ang kaunting ilaw na mula sa sinag ng papalubog na araw na tumatagos sa bintana.

Gumalaw ako nang kaunti kahit na nakahiga at napangiwi ako. Nakaramdam ako ng pananakit ng likod at ulo dulot ng matigas na kama na hinihigaan ko. Gawa ito sa kahoy at walang kahit anong punda ang kama. Isang manipis na tela na nagsisilbing kumot at isang malambot na unan lang ang nandito.

Suminghap ako at sinubukang umupo. Medyo masakit ang ulo ko at nahihilo kaya sinapo ko ito at pumikit-pikit. Daig ko pa yata ang umikot sa pwesto ng sampung beses dahil medyo nahihilo pa rin ako kahit kakagaling ko lang sa tulog.

Kahit nasa loob ako ng bahay, amoy na amoy ko ang sariwang hangin na sa tingin ko ay nagmumula sa mga puno sa labas. Sa pamamagitan nito, gumaan ang pakiramdam ko kahit paano.

Dahan-dahan kong ipinilig ang ulo para ilibot ang paningin sa paligid. I felt strange.

Mukhang nasa loob ako ng isang bahay na gawa sa kahoy. Para itong bahay kubo pero mas malaki at kumpleto ang mga parte ng mismong bahay. Kahoy ang dingding at may ilang mga bintana ng nakabukas kaya nakakapasok sa loob ang sinag ng araw at sariwang hangin. Ito marahil ang nagpapaaliwalas ng bahay na ito. Halos lahat ng kagamitan ay hindi bakal at parang makaluma, mula sa banga, hanggang sa mga upuan at lamesa. Dito pa lang, kitang-kita ko na ang kabuuang itsura ng loob ng bahay. Wala kasi dibisyon ang bawat parte, maliban sa banyo.

Bakit ganito ang paligid?

Napayakap ako sa tuhod ko nang maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Nanuot ito sa balat ko kaya hindi ko mapigilang manginig. Para maiwasan ito, kiniskis ko ang mga braso ko gamit ang mga kamay pero napangiwi ako nang mahawakan ang makinis kong balat.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napamuranang maalalang short at sando lang ang suot ko. Wrong timing naman!

Malamig ang panahon at nakadagdag pa ng lamig ang kasuotan kong maong na short at medyo fit na puting sando na gawa sa manipis ang tela.

Dinakip na naman ba ako? Pero kung ganoon, bakit walang akong busal sa bibig at wala ring tali ang mga kamay at paa ko?

O baka panaginip na naman ito?

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto mula sa kaliwang bahagi, medyo malayo sa pwesto ko. Bumungad sa akin ang isang taong may katangkaran at may dalang isang bayong. Kamisa ang suot nito at may suot ding salakot.

Nakayuko siyang naglakad papasok ng bahay. Dumiretso siya sa lamesa at inilagay ang bayong na wala akong ideya kung ano ang laman. Pinanliitan ko siya ng mata at tinitigan. Sa itsura pa lang ng pangangatawan at kasuotan ay mahahalata nang lalaki siya.

Siya ba ang nagdakip sa akin? Ano ba kasing ginawa ko kahapon? Pagkatapos ng battle, naggupit ako ng buhok tapos...

Hindi ko na naituloy ang pag-iisip nang biglang mag-angat ng tingin ang lalaki at nagtama ang paningin namin.

"Alvaro?!" gulat na gulat kong tanong habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Kumabog ang puso ko at tila huminto ang oras kahit sandali.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now