Kabanata XLV: Ikalawang paligsahan

20 5 76
                                    

IKAAPATNAPU'T LIMANG KABANATA: IKALAWANG PALIGSAHAN

C A S E Y  D E  L E O N

Katulad ng ginawa namin noong unang paligsahan, isa-isa kaming ni Ma'am Fiona para pumunta sa center stage. Ang kinaibahan lang ay hindi na kasama sina Lulu at Aya sa tinawag.

Hindi na kasali da paligsahan ngayon sina Lulu at Aya dahil candidate na sila sa pearl of Time. Nakaupo sila ngayon sa bench na malapit sa stage at nakasuot na ng varsity jacket na kulay ginto. Swerte.

Pagkatayo namin sa stage, narinig ko ang pagsigaw ni Lulu ng mga pangalan namin. Nakataas ang dalawa niyang kamay na may hawak na banner. May disenyo itong bulaklak, beads, at kung anu-ano pa sa gilid. Sa gitna naman nakalagay ang mga pangalan namin, maliban kay Aya, at naka-calligraphy.

Tipid akong ngumiti. Ganiyan din kasi ang ginagawa namin kapag candidate siya sa Ms. Sportsfest o kaya iba pang beauty pageant sa school. Tahimik naman sa isang tabi si Aya pero halatang nakatuon sa amin ang atensyon niya.

Pagkatapos ng maikling introduction at pagdadasal, pinaghiwa-hiwalay na kami ng mga guro. Inalalayan kami ni Sir Jorge, Sir Daryl, Ma'am Fiona, Ma'am Benilda, at Sir Gelo na pumunta sa silid kung saan gaganapin ang paligsahan. Hindi na ako gaanong kinakabahan 'di tulad noong una kasi napagtanto na nandito ako para magpanggap na tagapagmana at hindi para manalo. Who cares.

Sinenyasan ako ni Ma'am Benilda, Filipino teacher namin, na sumunod sa kaniya paalis sa stage. Gusto ko sanang magtanong kung saan kami pupunta pero natatakot pa rin ako sa awra niya kahit mabait talaga siya. Kung titingnan kasi sa pisikal na itsura, mukha siyang strikto at nakakatakot lapitan kapag may problema.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang magtaka at mamangha dahil sa nagtataasang pader na nasa bandang gilid ng nilalakaran namin. Hindi ko alam kung ano ang nasa kabila n'yon pero sigurado akong konektado iyon sa gagawin namin ngayon.

Escape room kaya ulit ang gagawin namin?

Bago pa man ako mahulog sa malalim na pag-iisip, tumigil na sa paglalakad si Ma'am Benilda at humarap na sa akin.

"Nandito na tayo," aniya at nginitian ako.

"Ano pong gagawin natin dito, binibini?" I silently cursed. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako sanay na magsabi ng binibini sa kahit na sino, kahit pa sa Filipino teacher namin.

"Hintayin mo ang panuntunan na sasabihin ni Fiona. Maririnig mo 'yon mamaya galing sa speaker," aniya at tinuro ang maliit na bagay na kulay itim sa bandang taas ng pinto.

Tumango ako. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na siya bago ako talikuran. Ni hindi na ako nakapagpasalamat dahil sa mabilis siyang naglakad palayo.

Nang mawala na siya sa paningin ko, umupo ako sa sahig at inilibot ang tingin sa paligid. May puting pinto sa harap ko na gawa sa kahoy. Napansin ko ring puti ang kulay ng mataas na pader ng parang mahabang hallway na dinaanan namin kanina. Walang mga gamit sa maliit na silid na ito at dalawang pinto lang ang daan palabas, ang isa ay mukhang papasok sa pagdadausan ng battle at yung isa naman ay ang dinaanan namin.

Pupunta na ba kami sa langit? Joke.

Pero may kinalaman kaya iyon sa perlas na makukuha ng mananalo ngayon?

Wala pang ilang minuto ang nakalilipas pero nabuburyo na ako. Gaano ba katagal pumunta sa pwesto ang mga kaibigan ko at ang paghahanda sa gagawin namin? O ako lang talaga ang mabilis mainip kahit ilang minuto pa lang ang lumilipas?

"Mga bata," panimula ng isang babae, si Ma'am Fiona, dahilan para mapatayo ako at maalerto. Nagmula ang boses sa isang maliit na speaker na nasa taas ng pinto, "kung nasa pwesto na kayo, ihanda ninyo ang inyong mga isipan 'pagkat ang gagawin niyo ngayong araw ay pagsasagot ng mga tanong na may kinalaman sa inyong kakayahan sa panghuhusga."

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ