Kabanata L: Ang museyo

19 4 88
                                    

IKALIMAMPUNG KABANATA: ANG MUSEYO

C A S E Y  D E  L E O N

Kanina pa ako nagpaikot-ikot sa kama para humanap ng magandang pwesto pero hindi ako mapakali. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang narinig kong pag-uusap nina Sandra at Tita Scarlett. Noon, malaki ang respeto ko sa kaniya dahil sobrang bait niya noong bumisita kami sa bahay ni Sandra. Pero pagkatapos ng nangyari kanina, napuno na ako ng alinlangan sa kung mabait ba talaga siya o hindi.

Gabi na at magsisimula na naman ang bagong paligsahan bukas pero wala pa rin ako sa kondisyon. Ni hindi ko nga alam kung magkakaayos kami ni Sandra ngayon dahil hindi siya rito tutulog. Sinabi ni Alexis kanina na kasama raw ni Sandra si Tita Scarlett dahil may magbo-bonding daw silang mag-ina at baka roon na rin siya tutulog. I'm not sure if what she said is true. And I doubt if they'll spend some time together knowing that they're both busy.

Dahil hindi ako makatulog kahit anong pilit ko, napagpasyahan kong lumabas ng room para magpahangin sa labas.

Malamig ang simoy sa labas ng building at presko sa pakiramdam. Sariwa ang hangin kaya hindi ko mapigilang mapapikit at sulitin ng panahong ito. Malayong-malayo kasi ito sa syudad na may polusyon. Bukod sa maraming puno rito, alagang-alaga rin ang kalikasan kaya lalong gumaganda ang paligid. Ang ganda, nakakakalma sa pakiramdam. Buti nalang may suot na akong jacket at naka-pajama hindi tulad ng suot ko noong nag-time travel ako.

Panandalian akong tumingala sa kalangitan at nakita ko ang langit na puno ng bituin. Kumikislap ang mga ito na para bang may sariling buhay at nanonood sa amin. Kung totoo nga ang sinabi ni Regina sa akin noon, magkakaroon ng katapusan dahil sa pagdating niya. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung kailan 'yon pero mas natatakot ako ngayon dahil mukhang nalinlang niya pa ang isa sa mga kaibigan ko.

Bumuntong-hininga ako at ipinasok ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket habang naglalakad. Halos pa lang 9 PM ng gabi pero tahimik na ang akademya at kaunti na lang ang tao sa labas. As usual.

Nagpalakad-lakad ako sa akademya hanggang sa mapadpad ako sa 'di gaanong pamilyar na lugar. Lagpas ito sa library kung saan hindi ko gaanong nalibot dahil wala akong interes sa mga libro. Ni hindi nga ako nakakalapit dito kaya hindi rin ako nakakalagpas dito. Hindi ko tuloy alam na may lugar palang ganito sa Keepers Academy. Kung hindi kasi sa dorm, sa room at field lang ako madalas tumambay.

Tiningnan ko ang kabuuan ng building. Isang palapag lang ito at walang nakasulat na pangalan ng building 'di tulad ng ibang mga imprastraktura sa akademya. Ano kayang room 'to?

Nahagip ng paningin ko ang sign board na may nakasulat na Restricted area at Off-limits.

Kumunot ang noo ko.

May mga bangkay o hindi kanais-nais na makikita kaya rito kaya restricted?

Umiling-iling ako at iwinaksi ang nasa isip. Kung may bangkay, e di sana ibinaon na lang nila sa lupa sa may kakahuyan o kaya-- ilibing... katulad ng ginawa ng mga 'di kilalang lalaki sa mga magulang ko.

Umiling ulit ako at sinabunutan ang sarili. Sumighap ako at napakuyom ang kamao. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa galit na muling umusbong sa tuwing naaalala ko ang mga magulang ko.

Hinabol ko ang hininga ko at pinukpok ang dibdib para kumalma. Hindi ito ang tamang oras para sa ganoong bagay at baka hindi ko makontrol ang sarili ko at baka makagawa ako ng masama. Ayoko talagang maalala ang trahedyang 'yon kahit mahal na mahal ko ang mga magulang ko.

Para mabaling ang atensyon sa iba, nilibot ko paikot ang building para makita ang kabuuang itsura. Pagkatapos no'n ay bumalik ulit ako sa pinanggalingan ko kanina kung nasaan ang pinto at pinagmasdan ito.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ