Kabanata LVIII: Katotohanan?

20 3 92
                                    

IKALIMAMPU'T WALONG KABANATA: KATOTOHANAN?

C A S E Y  D  E L E O N

"Casey, maaari ba tayong mag-usap?" bungad sa akin ng isang lalaking nakasandal sa poste kanina pagkarating ko sa harap ng dorm. Tinanggal niya ang suot na sumbrero bago humarap sa akin.

Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti bago ipatong ang kanang kamay sa ulo ko at guluhin ang buhok ko.

"Na-miss kita," malumanay niyang saad habang malungkot pa rin ang aura. Medyo magulo ang buhok niya ngayon dulot ng pagsusuot ng sumbrero. Bakas sa mga mata niya ang eyebags at pagod pero halatang pinipilit niya 'yong itago. Medyo nangayayat na rin siya at mas nagmukhang matanda kumpara kay Alvaro. Mukhang drained siya ngayon. Ano kayang pinaggagagawa niya nitong mga nakaraang araw? At ba't siya nagkakaganiyan?

"Anong ginagawa mo rito, Kuya Nicholai?" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa ulo ko at bahagyang tumingala para tingnan siya sa mga mata.

"Binibisita lang kita. May masakit pa ba sa'yo? Ginamot ka na ba niya?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko para alamin kung may galos o wala, "at sinabi kong 'wag mo na akong tawaging kuya di ba?"

Binawi ko ang braso ko at pagod na tumingin sa kaniya. Para siyang isang tuta na humihingi ng atensyon sa amo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nailang ako. I knew it. He really likes me.

"S-Sorry, nasanay ako," ani ko at tumikhim.

When did this topic became awkward?

Humugot siya ng malalim na paghinga at pumeywang. Mukha siyang problemado. Bakit kaya?

"Did I came too late? Nauna naman ako sa kaniya, ah. Ngunit bakit pakiramdam ko ay siya pa rin?" Ngumiti siya nang pilit at kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin pero pinilit kong 'wag magpahalata na hindi ako komportable.

"What are you talking about, Kuya Nich?"

"I came two years before you met him. Pero bakit parang mas pinagkakatiwalaan at siya pa rin ang pinipili mo?"

"Ha?" kunot noo kong tanong. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

"You trusted the wrong person, Casey," bigla niyang saad na may halong pangungumbinsi.

"What do you mean?"

"Alvaro." Lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya. Nanlamig ang mga kamay ko at nanuyo ang lalamunan ko, "hindi mo siya dapat pagkatiwalaan." 

Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko at nagtiim ng bagang. Darn.

Tinampal-tampal ko ang pisngi koo. I shouldn't be easily swayed. Kailangan kong ipakita na matapang ako at hindi nagpapauto. At kadalasan kasi kung sino pa ang unang magsumbong ay sila pa ang hindi mapapagkatiwalaan.

Lumipas ang ilang segundo bago ako nakapag-isip ng sasabihin.

"Eh, ikaw, kuya? Bakit lagi kang pumupunta kahit hindi kita tinatawag?" puno ng pagdududa kong tanong. Hindi ko pwedeng isantabi ang posibilidad na bini-brainwash niya ako. Isa pa, wala si Alvaro rito kaya hindi niya maipapaliwanag ang side niya. I should give him benefit of the doubt.

"Hindi ako ang kalaban, Casey," aniya nang hindi sinasagot ang tanong ko.

"Pero baki--"

"Pumupunta ako dahil sa takot na saktan ka ni Alvaro. Mayroong nakatakdang oras para gawin niya ang masamang plano sa'yo at hindi ko alam kung kailan 'yon kaya hangga't maaari ay sinusundan kita. Lalo na kapag kayong dalawa lang ang magkasama."

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Där berättelser lever. Upptäck nu